PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Catriona Gray's Rap Skills at Miss Universe

From beauty queen to rapper?
by Bong Godinez
Published Nov 20, 2023
Catriona Gray, Miss Universe 2023
Miss Yo-niverse? Netizens had a field day coming up with rap artist name suggestions for Catriona Gray after her energetic performance as backstage host of the Miss Universe 2023.
PHOTO/S: Catriona Gray (Instagram)

Game na sinakyan ni Catriona Gray ang kantyaw ng netizens na papasa siyang rap singer matapos ang kanyang performance bilang backstage host ng Miss Universe 2023.

Read: Who is Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios?

Naganap ang pageant nitong Linggo, November 19, 2023 (Philippine time), sa El Salvador.

Marami ang pumuri sa husay ni Catriona bilang host.

Read: Catriona Gray "always on fire!" as Miss Universe 2023 backstage host

Nagustuhan ng mga manonood ang pinakitang energy ng Filipino-Australian beauty queen sa simula hanggang sa matapos ang programa.

Sa taas nga ng energy ni Catriona ay nagbiro ang ilan na tila nasobrahan sa excitement ang Miss Universe 2018 winner dahil sa bilis nitong magsalita kung minsan.

May pabirong nag-post sa social media platform na X ng video ng singer-actress na si Maris Racal na nagta-type sa laptop at tila naiiyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gloc 9 is shaking right now," dagdag hirit pa ng uploader, referring sa Pinoy rapper na si Gloc-9.

CATRIONA PLAYS ALONG

Ang writer-producer naman na si Marc Infante ay biniro si Catriona at sinabing may future ito bilang rap artist.

Sinagot naman ito ni Catriona at tinanong ang netizens kung may maisa-suggest sila na pangalan niya bilang rapper.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagpahuli ang netizens at agad nagbigay ng mga ideya nila sa comments section ng post ni Catriona.

Ilang lamang sa mga nakakaaliw na suggestions ay "Captivating CatCat," "DJ Muning Gingging," "Catriona G," "Lil Cat," "Rap-triona Gray," at "ShutacCat."

Jokes aside ay mahilig talaga sa music si Catriona bago pa man siya nakilala sa larangan ng pageantry.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Graduate si Catriona ng music theory sa Berklee College of Music sa Boston, Massachusetts.

Read: Watch Catriona Gray slay hip-hop version of "We're In This Together"

Nung 2021 ay naglabas si Catriona ng single na sinulat niya na may pamagat na "Love Language" under Warner Music Philippines.

Taong 2021 din lumabas ang isa pang single ni Catriona na "R.Y.F" o "Raise Your Flag" sa Star Music.

Nung 2019, ipinakita ni Catriona ang galing niya sa pagkanta sa interview sa kanya sa U.S. ng former rapper at radio DJ na si Sway sa kanyang radio at online show na Sway's Universe.

Panoorin ang clip ng pagpapakita ng talent ni Catriona sa video sa ibaba:

Video: null.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Yo-niverse? Netizens had a field day coming up with rap artist name suggestions for Catriona Gray after her energetic performance as backstage host of the Miss Universe 2023.
PHOTO/S: Catriona Gray (Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results