PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Trillo returns to GMA-7 primetime via "Gagambino"

This new project just proves that the Kapuso Network fully trusts Dennis to carry a show all by himself.
by Ruel J. Mendoza
Published Jun 3, 2008
It seems that Dennis Trillo's showbiz career is back in tip-top shape now that GMA-7 has entrusted him to play the title role in Carlo Caparas's Gagambino.

Si Dennis Trillo na ang gaganap sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Gagambino.

Mula sa comic series ni Carlo J. Caparas ang Gagambino. Bago napunta kay Dennis ang role, may ilan pang pangalan ng young actors ang lumabas na posibleng gumanap sa naturang role. Kabilang sa mga ito sina JC de Vera, Marky Cielo, at Aljur Abrenica.

Sa pagbibigay kay Dennis ng Gagambino, patunay lang na nagbalik na ang tiwala ng Kapuso network sa kakayahan ni Dennis na muling magbida sa isang primetime show. Ang huling primetime show ni Dennis ay ang Zaido: Pulis Pangkalawakan, kung saan nakasama niya sina Marky at Aljur. Naging bahagi rin siya ng E.S.P. ni Iza Calzado bilang guest for one month.

Kasalukuyang napapanood si Dennis sa Sine Novela na Magdusa Ka opposite Katrina Halili.

Inamin naman ni Dennis na nagkaroon ng hindi magandang turn ang kanyang career mula nang lumabas ang balitang nabuntis niya at nanganak ang kanyang ex-girlfriend na si Carlene Aguilar. Pero naayos na ang lahat ng naging gusot sa pagitan nila ni Carlene, at ngayon ay wala nang problema ang pagiging ama niya sa kanilang anak na si Calix Andreas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natutuwa nga si Dennis dahil muli na naman siyang matsa-challenge sa pagganap bilang Gagambino. Marami ang nagsasabi na parang Pinoy version ang Gagambino ng Hollywood blockbuster movie na Spider-Man, pero bibigyan ito ng Pinoy flavor na tiyak na maa-appreciate ng mga manonood.

Ngayon ay nagsisimula nang mag-workout at mag-training si Dennis dahil masusubukan ang pisikal na lakas niya for the title role of Gagambino. Tulad sa Zaido ay may mga stunts din siyang gagawin kaya kailangan na niyang paghandaan ang mga ito.

After his first primetime show sa GMA-7 na Twin Hearts, nagkasunud-sunod na ang primetime programs niya: Mulawin, Darna, Etheria, Majika, Super Twins, at Zaido.

Sa afternoon slot naman ay napanood siya sa dalawang season ng Now and Forever Presents: Agos at Dangal at sa mga Sine Novela na Kung Mahawi Man ang Ulap at Magdusa Ka.

Ipinalabas na sa GMA-7 ang plug para sa mga bagong shows sa second quarter ng taong ito bilang bahagi ng 58th anniversary ng Kapuso Network. Kabilang dito ang Gagambino ni Dennis; Codename: Asero nina Richard Gutierrez; Survivor Philippines ni Paolo Bediones; Ako Si Kim Sam Soon ni Regine Velasquez; at La Lola ni Rhian Ramos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Dennis Trillo
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It seems that Dennis Trillo's showbiz career is back in tip-top shape now that GMA-7 has entrusted him to play the title role in Carlo Caparas's Gagambino.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results