Positibo ang pagtanggap Marian Rivera sa inaasahang mahigpit na labanan sa takilya sa pagitan ng sampung entries na ipapalabas sa 2023 Metro Manila Film Festival.
Kabilang rito ang When I Met You In Tokyo, Mallari, Gomburza, Firefly, Becky And Badette, Broken Heart's Trip, Family Of Two, Penduko, K(a)mpon, at Rewind.
Read: MMFF 2023 Top 10 official entries: Pinaghalu-halong romance, drama, horror, comedy, fantasy, action
Si Marian at asawa niyang si Dingdong Dantes ang bida sa Rewind, na iprinodyus ng Star Cinema, ang film company arm ng ABS-CBN, kasama ang APT Entertainment, na pag-aari ni Tony Tuviera, at Agostos Dos Media ni Dingdong.
Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian kung nakakaramdam ng pressure na pawang mabibigat at magaganda ang mga pelikulang kasabayan nila sa 2023 Metro.Manila Film Festival
Sagot niya, "Siguro hindi ko tinitingnan na labanan. Nakakatuwa kasi bumabalik na yung ganitong klase ng mga pelikula.
"Ang tanging hiling naming lahat na hetong sumali sa MMFF na sana panoorin at tangkilikin ng kapwa natin ang pelikula namin."
Pagdating sa MMFF 2023 Awards, inaasahang maglalaban sa Best Actress category ang female lead stars ng mga pelikula tulad ni Marian para sa Rewind.
Si Star For All Seasons Vilma Santos ang female lead star sa When I Met You In Tokyo, habang si Megastar Sharon Cuneta ang sa Family of Two.
Hindi naman iniisip ni Marian kung anuman ang resulta sa awards night ng festival.
"Basta ako ginawa ko ang best ko dito at naniniwala ako sa ganda ng pelikula namin," diin ni Marian.
Masayang balita pa niya, "Last two shooting days na lang kami and we're done. Heto buhay pa naman ako sa araw-araw naming shooting."
Nakapanayam ng PEP.ph si Marian sa ll Luxe Screen Ecran De Luxe Sunblock product and endorser launch, na ginanap sa Pardon My French sa Makati City noong November 15, 2023.
Read: Marian Rivera on rekindled friendship with Heart Evangelista: "Mas masarap na wala kang iniiwasan."
ON WORKING WITH DINGDONG DANTES
Sa parehong interbyu ibinahagi ni Marian na lalo siyang bumilib sa husay sa pag-arte ng asawang si Dingdong.
Ang Rewind ang pagbabalik-tambalan nila Marian at Dingdong na huling nagkatrabaho sa pelikulang You To Me Are Everything nung 2010.
Sa teleserye, ang huli nilang proyekto ay ang Kapuso prime-time series na My Beloved noong 2012.
Nag-reunion naman ang mag-asawa sa small screen nang gawin nila ang weekly sitcom na Jose & Maria's Bonggang Villa noong 2022.
"I m looking forward every day talaga pag magkatrabaho kami.
"Sabi ko nga, 'Last two shooting days na lang, mami-miss kitang katrabaho,' kasi ang tagal naming di nagkatrabaho."
Ipinarating daw ni Marian sa mister ang paghanga niya rito.
"Alam mo, nag-uusap kami, sabi ko, simula nung makatrabaho ko siya, ganun pa rin hanggang ngayon kung paano siya.
"Sabi ko, parang nakaka-miss talagang katrabaho siya. 'Magaling ka na, pero mas magaling ka talaga habang mas tumatagal.'
"Nakaka-proud talaga na yung ginagawa niyang trabaho, love na love niya talaga.
"Nagkaroon kami ng Bonggang Villa, pero ito talaga simula nung Saturday, Sunday, Monday, Tuesday, straight kaming nagsyu-shoot. Actually, kauuwi lang namin ng 3AM."
Ayon kay Marian, may co-producer credit din siya Rewind.
Tinanong ang aktres kung paano ang naging hatian ng trabaho bilang isa siya sa co-producer nito.
Sabi niya, "Di ko alam, basta naki-co-prod lang ako sa Agosto Dos."
Read: Here are the 24 finished films that did not make it to MMFF 2023 official entries
ON HER FIRST STAR CINEMA MOVIE
Si Dingdong ay nakagawa na ng pelikula sa Star Cinema tulad ng Seven Sundays at She's The One.
Unang beses naman ni Marian na makagawa ng pelikula sa film company arm ng ABS-CBN.
Kuwento niya, "Wala akong masabi, sabi ko nga isa ito sa pinaka-happy akong katrabaho, ang Star Cinema.
"Kaya nga siguro behind that ay very successful sila, lahat ng palabas nila naka-organize lahat.
"Parang ganun pala sila, nakakataba ng puso katrabaho. Nakaka-proud at grateful ako na nakatrabaho ko sila."
Proud din si Marian na nakatrabaho niya ang Star Cinema resident director na si Mae Cruz-Alviar.
"Sobra siyang nakakatuwa, the way siya magdirek, totoo.
"Masarap siya katrabaho. Sa lahat ng mga eksena, alam ko na nandun siya to support yung mga actors niya, as in lahat talaga.
"From the moment na magsasalita ka, nandun siya sa pakiramdam, kung ano ang dapat gawin.
"Ang maganda sa kanya binibigyan ka niya ng pagkakataon na i-explore yung sarili mo sa eksena."
Ngayon pa lang ay excited na si Marian na maging abala sa promo ng Rewind.
"Wala kaming bakasyon kasi may parade kami," tukoy niya sa MMFF 2023 Parade of Stars.
Pero kahit na abala ay di raw makakalimutan ni Marian ang pagdiriwang ng Pasko kasama ang pamilya.
"Yun pa rin, 24 with the family, magpa-pot luck pa rin kami ng mga favorite namin na mga food kasama pa rin ang family."
Ano ang wish niya sa darating na Kapaskuhan?
Sagot ni Marian, "Isa lang din ang wish ko, lahat tayo ang daming pinagdaanan nitong mga nakaraang taon, wish ko sa lahat na mahanap din nila yung peace sa puso nila at maging happy sila this coming Christmas, siyempre sa pagpasok ng Bagong Taon.
"Hindi lang yan, siyempre pino-promote natin di pagiging mas maganda lang kundi alagaan natin ang ating mga sarili even health man yan, or kutis man yan."
