“Think before you click.”
Madalas marinig ang kasabihang ito lalo na ngayong talamak ang paggamit ng social-media.
Sa panahon ngayon, napakadaling baligtarin ang katotohanan at kasinungalingan.
In short, ang inosente ay maaaring magmukhang salarin at ang salarin ay puwedeng magbalat-kayo bilang biktima.
Ganito kasi ang nangyari sa trending topic na “Wolfgang Steakhouse issue” kamakailan.
Ang siste, inilibre ng isang lalaki ang pinopormahang babae sa isang mamahaling steakhouse, pero na-friendzone ang lalaki.
Sa post ng lalaki, pinagmukha niyang ginastusan ng libu-libong piso ang babae sa kanilang date, pero hindi niya napa-ibig ito.
Hinusgahan ang babae sa social media, at tinawag na manggagamit at gold-digger.
Pero hindi pala ito ang kabuuan ng kuwento.
Read: Lotto winner of PHP76.5B sues mother of his child for disclosing jackpot win to family
THE steakhouse DATE
Ang kuwento ay ibinahagi sa TikTok ni “Bob” (hindi tunay na pangalan).
Ipinakita niya rito ang masayang “date" nila ni Gina (hindi tunay na pangalan) sa high-end steakhouse.
“Niwolfgang date pero di kami ng work sa isat isa sad ulo Awtssss,” published-as-is caption ni Bob sa isang photo.
Kalakip nito ang larawan nila ni Gina na kumakain sa restaurant.
Sinabi ni Bob na four months silang nagdi-date noong February 2023, pero hindi nauwi sa relasyon.
“Pero at least solid Samahan namin as of now,” pagbawi niya.
Ipinakita rin ni Bob ang resibo na umabot ng higit PHP12,000.
Read: Passenger baffled by “imported dog food” on menu of Chinese airline

NETIZENS REACT
Dito na nagsimula ang pagdagsa ng maraming comments.
Napakabilis magpasa ng judgment ng netizens.
Inalipusta si Bob ng ibang netizens. Hindi raw siya nagustuhan ng ka-date dahil sa itsura.
Nahusgahan din si Gina dahil pinagbintangan siyang hindi attracted kay Bob dahil sa itsura nito.
In short, nakahabi na ng konklusyon ang netizens sa kuwento nina Bob at Gina.


GIRL INTERRUPTED
Nakarating kay Gina ang nag-viral na post ni Bob. Nag-react siya sa pamamagitan ng isang post at bakas na hindi siya natutuwa rito.
“Natulog lang ako naging manggagamit na,” bungad ng post ni Gina.
Sinabi niya rin sa post na hindi niya kailangang ng manlilibre sa kanya para makakain sa expensive restaurant dahil kaya niyang bumili nito.
“Wala akong ginagamit na tao,” sabi ni Gina.
Bukod pa rito, ipinaliwanag din niya na sa simula pa lamang ay nilinaw na niya kay Bob na friendship lang ang kaya niyang ibigay.
Isang importanteng detalye na hindi inilagay ni Bob sa kanyang trending post sa TikTok.
"Never ako nagpaasa ng tao. Alam niya yan,” post ni Gina.
Kaya raw maganda pa rin ang samahan nila ay dahil maayos ang kanilang usapan sa simula pa lamang.
“We are not DATING. And yes, NBSB ako. Yung 4 months na sinasabi niya, yun yung months na magkakilala kami,” ani Gina.

Kung susumahin, salungat ang mga ipinost ni Bob sa ipinost ni Gina.
Sa isa pang comment, sinabi ni Gina na ang paliwanag niya ay hindi para siraan si Bob, kundi linawin ang “wolfgang thingy.”
Inilabas din ni Gina ang private messaging nila ni Bob bilang pruweba na hindi siya nagpumilit na pumunta sa mamahaling resto at mababasa rin doon na hanggang friends lang sila ni Bob.
Mababasa rin na si Bob ang mapilit na lumabas sila ni Gina.
THE CLARIFICATION
Kamakailan lamang ay muling gumawa ng TikTok post si Bob para ituwid ang ilang maling impormasyon at linisin ang pangalan ni Gina.
Inamin niyang “misleading" ang una niyang post.
Sabi ni Bob, “We didn’t expect na magiging negative ang comsec [comment section].”
“My intention is PURE. Not to drag down [Gina] because she is my friend.”
Dito sinabi ni Bob na hindi sila dating ni Gina. Sinang-ayunan niya ang mga paliwanag ni Gina na hanggang friends lang sila, bagamat may gusto si Bob sa kaibigan.
Sinabi rin niyang hindi gold digger si Gina, at iginiit na siya ang nag-anyaya sa mamahaling resto.

Iginiit din niyang February 2023 pa raw ng picture at maraming buwan na ang lumipas.
Bukod pa rito ay sinagot pa niya ang iba pang mga isyung binato sa kanya ng netizens.
Ngayong social-media era, napakahalaga na maging maingat, mapanuri, at makatotohanan sa anumang ipo-post.
Isa pa ay dapat maging matibay ang sikmura dahil kahit walang malisya ang ipo-post ay puwedeng bigyang-kulay ng netizens.
Kaya uulitin namin, think before you click.
