Kilalang animal rights advocate at nagri-rescue ng mga pusa si Gretchen Malalad.
Sa mga posts ng athlete, news personality, at dating Pinoy Big Brother housemate, makikita kung gaano siya kagiliw at maalaga sa kanyang rescued cats.
Matatandaang vocal din si Gretchen sa stand niya tungkol sa mga pusang hinuhuli para hindi na dumami.
Pero noong November 20, 2023, Lunes ng gabi, nag-trend sa TikTok ang post ni Gretchen na may cover title na, “My helper Cristy Radoc attempted to poison all of my cats. This is the story of how I caught my household staff’s attempt to poison my cats.”
In bold letters may nakasaad, “Binuhusan niya ng muriatic acid ang inumin na tubig ng mga pusa ko.”
Sa video, ikinuwento ni Gretchen ang tungkol sa aktong ginawa ng kasambahay.
Ang irony pa, apat na taon na niyang katiwala sa pag-aalaga ng mga pusa ang dating kasambahay. Pero ito pa pala ang kinahinatnan.
Read: Hot bedding: are you willing to rent bed with stranger for PHP36K?
POISONED CATS
Simula ni Gretchen sa video, “Alam niyo naman nagri-rescue ako ng pusa. My helper Cristy Radoc attempted to poison all of my rescued cats using muriatic acid.
“Nilagay niya ang muriatic acid sa mga tubig ng mga cats ko. My other two maids alerted me.”
Kasabay ng paghihimay ni Gretchen ng mga detalye tungkol kay Radoc, ipinakita ang insidente sa CCTV footage.
Tatlumpu't anim ang rescued cats ni Gretchen.
Dito makikitang pumasok si Radoc sa cat cage na may hawak na isang mug.
“Nung pag-uwi ko galing trabaho last Friday, ni-review ko ang CCTV. Nakita ko nga, past 10:00 a.m. si Cristy nandito nga sa may cat cage.
“May hawak-hawak siyang mug pretending na umiinom, pumasok siya dito at umupo sa upuan na ‘to. At first, hindi mo mapapansin, e, parang walang nangyari.
“Pero when I took a closer look at it, nag-lean siya sa kanyang right, pasimpleng binuhos tapos may point doon sa CCTV na makikita mo ‘yung mug.
“Tapos lumabas siya, pumunta siya doon sa other cage, kitang-kita na binuhos niya ‘yung nandoon sa loob ng mug.”
Read: Guy pays PHP12K on steak date; girl judged as "gold digger"
THE GREAT PRETENDER
Masakit at talagang nakakagalit para sa isang pet lover ang lasunin ang kanyang alaga, much more kung rescued animals ang mga ito.
Dagdag pa ni Gretchen, “Pagkalagay niya dun sa cage ni Snowball, she again pretended na iniinom niya yung tsaa.
“Then she went inside. We have cats kasi in our service kitchen, there are around five [cats]. Nakita namin na nagbuhos nga siya. The water, when I smelled it, it was so strong!”
Hindi makapaniwala si Gretchen sa nasaksihan kaya binuhos niya ang tubig sa lababo.
“Binuhos ko and nag-turn dark yung lababo namin dahil nag-react yung muriatic acid sa stainless.”
Nag-decide si Gretchen na ilabas ito sa publiko.
“So, I’m sharing this now because she’s seeking new employment. And I don’t know, it’s so dangerous to have someone like her live with you.”
Ayon pa kay Gretchen, naireklamo na rin daw nila ang dating kasambahay at nagharap na sila sa barangay ni Radoc sa Tondo.
Sa kasamaang palad, wala raw itong pagsisisi nang magharap sila sa barangay.
“Pinapalabas pa niya na ako ang masama at abusadong amo. She has no remorse.”
Bagama’t inamin daw ni Radoc ang aktong paglason, siya pa raw itong matapang umasta.
“During the hearing, napaamin siya ng barangay captain at mga kagawad doon na, in fact, nilason talaga niya yung pusa.
“She has no remorse. Sinasabi pa niya, ‘Bakit, meron bang namatay? Namatay ba yung pusa?’ Wala talaga siyang pagsisisi.
“Siya na nga ang nanlason, siya pa ang galit,” dismayadong sabi pa ng amo tungkol sa dating kasambahay.
Desidido at seryoso si Gretchen sa kagustuhang mapanagot si Radoc sa kanyang ginawa.
Read: Lotto winner of PHP76.5B sues mother of his child for disclosing jackpot win to family
UPDATE ON CATS
Nitong November 18, 2023, 1:00 a.m., nag-post muli ng update si Gretchen sa TikTok.
Nakakalungkot na nagkaroon ng allergic reaction at naapektuhan ang balat ng mga pusa dahil sa tapang ng amoy ng muriatic acid.
Kahit hindi nila ito nainom, naamoy nila ito at nagkapantal sa may bandang mata ang ibang pusa.
As of press time, napa-check up na ni Gretchen ang mga pusa, lalo na si Snowball, na sa kanya nahanap yung water bowl na nangitim dahil sa muriatic acid.
RADOC claims she was accused of theft
Nakaabot na sa programang RTIA (RaffyTulfo in Action), na ipinalabas sa YouTube noong Martes ng gabi, itong tungkol sa kaso ni Gretchen Malalad.
Pero laking gulat ng netizens na hindi ang amo ang naroon sa panel kundi si Cristy Radoc.
Sinabi ng dating kasambahay kay Sen. Raffy, gusto raw niya malinis ang kanyang pangalan dahil sa sunud-sunod na lumalabas na isyu sa social media at naba-bash na umano siya.
Sinabi rin ni Radoc, "Nagawa ko lang po yun dahil sa pagbibintang sa akin…"
Pinagbintangan umano siya ng ina ni Gretchen na kinuha niya ang laptop bag nito.
Dahil dito, ibinuhos daw niya ang inis sa mga pusa.
Depensa pa nito, nahimasmasan siya matapos niyang gawin ang paglalason sa mga pusa.
Aniya pa, matagal na rin daw niyang inalagaan ang mga pusa at hindi raw niya maintindihan kung bakit niya ito nagawa.
Sa bandang huli, tinanong siya ni Raffy kung ano ang gusto niyang mangyari.
Sagot ni Radoc, gusto niyang humingi ng tawad kay Gretchen.
Sa ngayon, wala pang pahayag mula sa panig ng amo ni Radoc. Pero kung pagbabasehan ang netizen power, walang nakisimpatya sa kasambahay.
Kinondena naman ng animal welfare advocates ang walang habas na ginawa ni Radoc sa mga kawawang pusa.