PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristy Fermin on Vice Ganda's Alleged Shade

Cristy Fermin to Vice Ganda: "Bakit hindi niya rin ako diretsuhin?"
Published Nov 25, 2023
Cristy Fermin, Vice Ganda
Cristy Fermin addresses alleged shade thrown at her by Vice Ganda: “Hindi naman kami ipinanganak kahapon para hindi namin maturol na ako talaga ang pinatatamaan ni Vice Ganda. Ang hindi lang maganda puro patagilid ang kaniyang bira. E, bakit hindi mo sabihin na, ‘Oy, Cristy Fermin, bukod sa pinagkakaabalahan mo, bukod sa pagsisinungaling, ano pa pinagkakaabalahan mo?’"
PHOTO/S: Courtesy of OnePH / It's Showtime

Pumalag ang kolumnistang si Cristy Fermin sa pagpaparinig umano ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanya sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Aminado si Cristy na tinamaan ito nang magbiro si Vice Ganda sa segment ng kanilang noontime show na "Me Choose, Me Choose" sa isang contestant na kapangalan nito.

Ipinalabas ito nang live noong Huwebes, November 23, 2023.

Sa paglapit ng contestant, binati ito ni Vice Ganda, "Kamusta ka, Cristy? Anong pinagkakaabalahan mo, Cristy, bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CRISTY FERMIN REACTS

Nitong Biyernes, November 24, 2023, naglabas ng pahayag si Cristy tungkol dito sa kanyang programang Cristy Ferminute na nadidinig sa 92.3 Radyo5 at napapanood din sa One PH.

Sa pagbungad ng showbiz columnist, ang pagpaparinig umano ni Vice Ganda ay isang bagay na hindi nito mapapalampas.

Aniya, “Sa maraming pagkakataon, mga kapatid, pinalalagpas lang po namin ang mga bira sa amin nitong si Vice Ganda.

"Noong tinawag niya po kaming tatlo nina Wendell na mga chaka, gusto na naming sabihin na, ‘Hiyang-hiya naman po kami sa kanya. Pagkaganda-ganda niya.’"

Ang nabanggit ni Cristy na Wendell ay ang showbiz reporter na si Wendell Alvarez, na bahagi ng troika nila ng showbiz reporter ding si Romel Chika sa YouTube show nilang Showbiz Now Na!

Pagpapatuloy ni Cristy, “At gusto na rin po sana naming sabihin na kung hindi naman sa kanyang pera ay hindi siya magkakaroon ng ganyang itsura.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"At lalong gusto po naming sabihin, lalo na ako, na ang kagandahan po ng tao ay wala naman sa panlabas kundi nasa kalooban, at pwede naming sabihin na siya sa panlabas at panloob, wala namang itinatagong ganda.”

Bagama't walang tinukoy si Vice Ganda sa kanyang biro, alam daw ni Cristy na siya ang pinariringgan nito.

Dagdag pa nito, bakit hindi na lang daw siya diretsuhin ni Vice Ganda sa kanyang mga patutsada.

“Hindi naman kami ipinanganak kahapon para hindi namin maturol na ako talaga ang pinatatamaan ni Vice Ganda.

"Ang hindi lang maganda, puro patagilid ang kanyang bira.

“E, bakit hindi mo sabihin na, ‘Oy, Cristy Fermin, bukod sa pinagkakaabalahan mo, bukod sa pagsisinungaling, ano pa pinagkakaabalahan mo?’

"E, ako diretso ko nasasabi sa kanya na mayabang siya, di ba? Na wala ka man lang makitang pagpapakumbaba sa kanya.

"Diretso kong nasasabi yun! Bakit hindi niya rin ako diretsuhin? E, pupuwede naman?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi yung magtatago pa siya sa saya ng ibang tao, gagamit pa siya ng ibang tao para makaganti, parang ganun.

"Benggador, e. Benggador. Bakit hindi mo diretsuhin? Yun lang naman ang hindi maganda doon, di ba?"

Dagdag din ni Cristy, ni hindi na raw nila napapag-uusapan si Vice Ganda sa kanilang programa.

Binanggit pa nito ang mga komento ng netizens na nanonood ng kanilang YouTube vlog.

"Ang sabi ni Lara May Abrigo, maraming beses na rin niyang naririnig ang pagpaparinig.

"Pero totoo po yung sinabi ni Batang Maynila, pagkatapos inilabas ang suspension ng MTRCB laban sa Showtime, hindi na po namin siya pinag-usapan.

"Kayo po ang saksi, kayo po ang tumututok sa ating programa. Siya ba ay amin pang pinag-uusapan? Wala, hindi na talaga.

"Pero pagkatapos nun, sige pa rin siya sa kapaparinig na kahit walang pangalan, alam mo naman na ako yung kanyang tinutukoy.

"Ito lang po naman yun. Kung lalaban ka, dapat parehas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung ika'y magagalit, dapat ituro mo yung tao kung sino man yung gusto mong patungkulan, hindi yung anu-ano pinagsasabi mo.

"Hindi natutuwa ang tao sa ganoon."

Ngunit mapapanood sa Showbiz Now Na! na may dalawang beses nilang tinalakay nina Romel at Wendell si Vice Ganda.

Sinabi rin ni Cristy na kung siya ay nagsisinungaling, bakit daw pinatawan si Vice Ganda ng suspensyon ng MTRCB?

Read: 'It’s Showtime' begins serving 12-day suspension amid doubts about MTRCB fairness

"Wala kang leksyon na natutunan pagkatapos kayong masuspindi dahil sa ginawa ninyo ni Ion Perez sa harap ng telebisyon, sa gitna ng mga batang musmos na walang kaalaman. Yung pagdila nyo ng icing na hindi magandang tingnan. Ano'ng pagsisinungaling doon?

“Kung yun ay pagsisinungaling bakit kinatigan ang aking pagsisinungaling ng MTRCB at pinatawan kayo ng 12-day suspension? Bakit ang ating mga kababayan ay kumalaban rin sa ginawa niyo? Bakit kinasuhan ka rin ng hanay ng mga abogado?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung ang pagsisinungaling sa iyo ay masama, tama yun pero kung ang pagsisinungaling ay pagsasabi ng katotohanan sa interpretasyon ng marami, dapat tanggapin mo."

CRISTY FERMIN'S MESSAGE TO VICE GANDA

Naging maanghang ang diretsahang mensahe ni Cristy para kay Vice Ganda.

Sabi nito: "Ang hirap kasi sa iyo, Vice, magmula nang ikaw ay nakatikim ng popularidad, inangkin mo na ang mundo.

"Na ikaw ang gitna, ikaw ang araw, at umiikot lang ang lahat ng tao sa show business na parang mga planeta sa iyo.

"Dapat mong malaman na planeta ka lang din tulad namin. Hindi ikaw ang araw.

"Isang araw, darating sa iyo ang pagbaba mo. Bababa ka sa pedestal. Hindi pupuwedeng nandiyan ka habang panahon.

"May mga darating na mas magagaling sa iyo at matatabunan ka. Dapat alam mo yun.

"Kami natutuwa merong mga pinagpapala na tulad mo. Pero kapag ang hangin ng kayabangan at pagiging palalo ay pumapasok na sa ulo, kinakalos natin yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi tama yun.

"Alam mo, yung mga pasaring na ginagawa mo, ikaw lang ba ang merong kalooban na nasasaktan? Natural ang kapwa mo ay meron din.

"Yung mga tinatawag mong tao na tanga, mga tinatawag mong tao na sira ulo, wala ba silang pakiramdam?

"Huwag mong ihiwalay ang sarili mo sa kalahatan. Lahat tayo may damdamin.

"Ngayon kung gusto mo na makipagtuos, meron namang paraan para diyan.

"Hindi yung nagtatago ka sa laylayan ng sinu-sino."

Patuloy ni Cristy: "Alam mo, Vice, ito po marespeto ko na binibigyan ng pagkilala ang lahat ng mga miyembro ng LGBTQ+ community.

"Ang komundidad niyo po ay aking tinatanggap, ipinagtatanggol at iginagalang. Vice Ganda, hindi ka tunay na babae.

"Lalaki ka, Vice Ganda, nagpapanggap ka lang na babae.

"Ngayon, kapag bumibiyahe ka sa isang mahabang kalye, tinawag ka ng kalikasan. Bababa ka sa sasakyan, hahanap ka ng puno at doon ka dyidyinggel.

"May mga magdadaan. Ano ang kolokyal na biro ng mga taong nakakita ng mga umiihi ng nakatalikod?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Hoy! Humarap ka! Huwag kang tumalikod! Traidor ka!' Yan ang isisigaw sa iyo."

VICE GANDA'S TWEETS

Iniuugnay naman ng netizens ang mga naging post ni Vice Ganda sa kanyang X (dating Twitter) matapos maglabas ng saloobin si Cristy.

Post ni Vice, "Bwak bwak bwak bwak bwak bwak bwak bwak bwak bwak!!!!!!!!!!!!!!!!! Funny funny funny! Very very very very!!!!! [emojis]"

Vice Ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa sumunod na post, isang gif photo naman ang inupload ni Vice. Wala rin itong binanggit sa kanyang post.

Vice Ganda

Ngunit ayon sa netizens na nakakita ng post, tila may kamukha raw ito.

Vice Ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristy Fermin addresses alleged shade thrown at her by Vice Ganda: “Hindi naman kami ipinanganak kahapon para hindi namin maturol na ako talaga ang pinatatamaan ni Vice Ganda. Ang hindi lang maganda puro patagilid ang kaniyang bira. E, bakit hindi mo sabihin na, ‘Oy, Cristy Fermin, bukod sa pinagkakaabalahan mo, bukod sa pagsisinungaling, ano pa pinagkakaabalahan mo?’"
PHOTO/S: Courtesy of OnePH / It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results