PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Santos's Autism Shines in 'In Her Mother's Eyes'

"I had mild autism."
by Melba R. Llanera
Published Nov 26, 2023
LA Santos
"Kasi parang may pagka-life story ko na rin yung story dati kaya very special siya talaga para sa akin," says LA Santos about his role in the family drama In Her Mother's Eyes.
PHOTO/S: @lasantos27 Instagram

Isa ang pelikulang In Her Mother's Eyes sa mga nai-submit sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) entries, pero hindi ito pinalad na mapili na makasali sa taunang filmfest.

Tinanong namin ang isa sa mga bituin dito na si LA Santos kung hindi ba siya nakaramdam ng panghihinayang na hindi sila nakapasok sa top 10 official entries ng MMFF.

"Siyempre nanghinayang, di mawawala yun pero at the same time I'm really happy with the movie.

"Parang ako, nung time na ginagawa namin yung movie, sa isip-isip ko Metro Manila filmfest man o hindi, okey lang kasi maganda naman talaga yung movie, e.

"Saka itong movie na ito galing sa puso naming lahat kaya para sa akin, anuman ang mangyari, ibinigay namin ang buong puso namin."

Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LA, sa nakaraang grand press conference ng pelikula. Ginanap ang presscon sa Oriental Palace Restaurant, Morato, Quezon City, nung nakaraang November 16, Huwebes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni LA sa In Her Mother's Eyes sina Maricel Soriano at Roderick Paulate, mula naman sa direksyon ni FM Reyes. Ipapalabas na ito sa November 29.

Hiningan naman namin ng reaksyon ang singer-actor kung hindi ba sila kinakabahan na sa ngayon ay hindi pa rin gaanong bumabalik sa sinehan ang mga manonood at mas gusto pa rin ng mga ito na manood sa streaming platforms katulad ng Netflix at Vivamax.

"Yes given na naman yun na may online platforms ngayon, pero di naman ako kinakabahan dahil dun, kasi yung movie, it will bring up itself.

"Alam ko naman na after theatrical, online din naman ang bagsak nito."

CRYING BECAUSE OF MARICEL, RODERICK

Ginagampanan ni LA ang role na Tim isang lalaking nasa autism spectrum. Anak siya sa pelikula ni Maricel at si Roderick naman ang tiyuhin niyang nagpalaki sa kanya.

Banggit ni LA, drema come true para sa kanya na makasama sa isang proyekto ang dalawa sa pinakamahuhusay na artista sa industriya. Kaya naman daw hindi niya maitago ang pressure na nararamdaman sa bawat eksenang kasama niya ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Grabe, kung alam niyo lang, umiiyak ako gabi-gabi kasi habangbuhay ko na pinangarap yun.

"Kung alam nyo lang, three years ago, many years ago, minanifest ko talaga na sana maging nanay ko si Ms. Maricel. Nagpe-pray ako kay Lord, 'Sana bigyan nyo po ako ng role na special na si Ms. Maricel ang mommy ko.

"Kasi parang may pagka-life story ko na rin yung story dati kaya very special siya talaga para sa akin.

"Siyempre hindi na mawawala yung pressure pero at the same time mas nangingibabaw yung pagiging thankful ko kasi alam ko na di lahat nabibjgyan ng chance na ganito at ayoko rin namang i-take for granted yun.

"I tried to be very respectful about it lalo na sa lahat.

"Masaya, e. Love ko talaga yung work ko na ito kaya buong puso ako nagpapasalamat."

LA's own autism

Sensitibong tema ang autism kung saan nangangailangan ng ibayong ingat sa paglalahad ng istorya pag tatalakayin ang tungkol dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Siniguro naman sa amin ni LA na nag-research siyang mabuti bago niya ginampanan ang role bilang Tim.

"Unang-una nag-research ako, saka kinilala ko sila in a very deep level inalam ko yung talaga yung buhay nilang lahat.

"Ginawa ko yung best ko na maging respectful talaga and nakita ko rin yung support nila sa akin at dinala ko yun sa character ko."

Bukas na aklat naman na nagkaroon ng Level 2 Autism si LA kung saan sa pagkukuwento nga ni Mommy Flor Santos, ina ng singer-actor at producer din ng pelikula, na walong taong gulang si LA nang una itong nakapagsalita.

Ang salitang "Hate late" ang unang mga salita na nabigkas nito.

"Yes, I had mild autism when I was young pero yung sa akin naman, speech therapy lang siya. Delayed lang yung speech ko.

"First word ko eight years old ako lumabas. Nung eight years old ako, nagta-trantum ako talaga kasi di ko masabi yung gusto kong sabihin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi parang may pagka-life story ko na rin yung story dati kaya very special siya talaga para sa akin," says LA Santos about his role in the family drama In Her Mother's Eyes.
PHOTO/S: @lasantos27 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results