PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fast-food Worker Quits After Viral Video

Netizens send help to fast-food crew member who went viral.
by Bernie V. Franco
Published Nov 28, 2023
Chowking girl
Matapos mag-viral nitong weekend ang kanyang video, bumuhos ang tulong sa fast-food crew member na sinabing inutusan umano ng kanyang manager na lumabas at maghanap ng customers.
PHOTO/S: X (formerly Twitter)

Bumuhos ang tulong sa fast-food crew member na nag-viral matapos utusan umano ng manager na maghanap ng customers dahil sa mahinang sales ng kanilang branch.

Ang pobreng manggagawa, nagbahay-bahay para humanap ng customers.

Noong weekend, isang uploader ang nagbahagi sa social media ng video ng interview niya kay Shella, crew member ng Chowking branch sa SM Davao City.

Base sa panayam ng uploader, ibinunyag ni Shella na “required” silang maghanap ng customers dahil matumal ang benta sa kanilang branch.

Kaya ang ginawa ni Shella, nag-house to house para maghikayat ng mga taong mag-order sa kanilang store. At si Shella na mismo ang magde-deliver ng orders.

Pero ang pamasahe raw sa pagde-deliver ay manggagaling mismo sa bulsa ni Shella.

Nag-react na rin ang Chowking kaugnay ng isyu at naglabas ng official statement. Masusi raw nilang iimbestigahan ang insidente.

Read: Fast-food crew member goes viral for knocking on doors, looking for customers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FAST-FOOD CREW MEMBER RESIGNS

May isang blogger (@PinoyAkoBlog) na nakipag-ugnayan kay Shella.

Mayroon daw siyang kaibigan na willing magbigay ng trabaho kay Shella.

Sa pinakahuling update ng blogger via X (formerly known as Twitter), sinabi nitong nag-resign na si Shella sa kanyang trabaho.

Ipinakita ng blogger ang screenshot ng palitan ng messaging nila ni Shella.

Mensahe ng fast-food worker (published as is): “I resigned Po, not because I’m guilty no it’s my decision and my family to resign the company, to move another opportunity”

Read: Student discovered living under stairs of mall for six months

[twitter:

]

Hiningi rin ng blogger ang GCash account ng dating empleyado ng fast-food restaurant para makapagpadala ang mga nais magbigay ng cash assistance dito.

Ikinatuwa naman ito ni Shella na sinabing malaking tulong ito sa kanya.

Message niya (published as is): “Wla namn pong problema , malaking tulong Po Yun , Salamat Po talaga Ng sobra, napakabait nyo sakin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa thread ng blogger sa X ay mababasang marami ang nais mag-abot ng tulong kay Shella.

[twitter:

]

Pabor naman ang ilang netizens sa pagbibitaw sa trabaho ni Shella. Posible raw kasing pag-initan siya sa kanyang pagpayag na maihayag ang kanyang pinagdadaanan.

Post naman ng isa pa, nawa'y hindi makaapekto kay Shella ang kanyang kuwento sa paghahanap niya ng panibagong trabaho.

Komento naman ng isa pa, disadvantage kung mananatili sa kumpanya si Shella.

[twitter:

]

[twitter:

]

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos mag-viral nitong weekend ang kanyang video, bumuhos ang tulong sa fast-food crew member na sinabing inutusan umano ng kanyang manager na lumabas at maghanap ng customers.
PHOTO/S: X (formerly Twitter)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results