Pitong buwan nang engaged si Neil Coleta sa non-showbiz partner na si Jeriquel Chinky Ibay.
Naganap ang proposal ni Neil kay Chin sa Mt. Fuji sa Japan noong May 2023.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), binalikan ni Neil kung paano niya napa-oo ang ina ng dalawa niyang anak.
"Na-suprise talaga siya. Wala siyang idea kasi sinakto ko rin kasi buntis siya sa pangalawa tapos kasama ko yung baby namin," bungad ni Neil
Paglalarawan pa niya sa unpredictable weather noon sa Mt. Fuji, "Nag-propose ako sa Mt. Fuji, sobrang romantic yun kasi di siya nagpapakita. Parang masama yung panahon.
"Pero unti-unti, habang nagsasalita ako, natatanggal yung clouds. Sabi ko, 'Hindi naman ako si Lord, mapapaalis mo ba yun, di ba?'
"Unti-unti siyang umalis hanggang sa nag-propose ako, clear na siya so yung picture namin perfect cone.
"Sabi nila may dahilan daw. Sabi nila itong Fuji sobrang sacred nito sa ibang tao, sa mga locals.
"Pinupuntahan yun, kapag may problems gumagaan and then natutupad [yung wish].
"Ito, nung nag-propose ako, may meaning yan, ibig sabihin para sa iyo talaga yan, ingatan mo, alagaan mo."
May date na ba ang kanilang kasal?
Sagot ni Neil, "Wala pa, e. Dalawa ang anak namin. Gusto ko mga tipong flower girl yung dalawa. Yung isa naglalakad na, siyempre yung isa pa. Holding hands sila while walking."
Sa ngayon, ine-enjoy daw ni Neil ang pagiging family man. Ang panganay nilang anak na si Jazmine ay two years old, habang ang bunso na si Jaztine ay three months old pa lang.
Tinanong namin ang aktor kung ano ba ang mga nagbago sa kanya mula nang maging isa na siyang ama.
Lahad ni Neil: "Well, mababago ang lifestyle mo sobra.
"Siyempre, yung party, yung inom, nabawasan saka nawala na rin. Magsasawa ka na rin. Sa point na ito, masasabi ko na graduate na ako diyan.
"Tapos yung mga barkada ko na-lessen din. Parang sabi ko nga, gustuhin ko mang sumama sa lahat ng mga parties niyo, di na kaya. Di dahil ayoko, dahil I have responsibilities."
Gusto raw ni Neil na maxi-maximize ang panahon na ka-bonding ang mga anak habang mga bata pa ang mga ito.
"Paggising mo good vibes ka na, yung mga anak mo makikita mo. Siyempre gusto mo maging hands-on, e," paliwanag ni Neil.
"Yung bata raw may age limit lang, pagdating ng seven or eight may mga kaibigan na yan, di na tatabi ang mga yan, mahihiya na ang mga yan.
"Tapos girls pa ang mga anak ko. Pag nagkaroon na ng mens [menstruation] something yan, lalayo na yan, di na yan yayakap. 'Don't kiss me sa lips, dito lang.' Mga ganun."
Read: Neil Coleta weighs in on Kathryn Bernardo-Daniel Padilla breakup
LESSONS ON BUSINESS
Samantala, nagbigday din si Neil ng update tungkol sa karanasan niya sa pagnenegosyo.
Bukod sa kanyang liquor shop ay may coffee business din si Neil kasama ang apat na business partner. Ito ay ang Keopi Tattle.
"More on Christmas, mga parties, companies, debut or wedding, yan ang nilalagay ko.
"May actual store ako sa Waltermart sa Bacoor, sa Molino, and then mayroon sa MCI Brique Plaza, dalawa na yung branch.
"Di ko ine-expect [na lalago] kasi, siyempre, sa kabila na ang daming nagsusulputan na mga coffee shops.
"Pero, siguro masarap yung sa amin kasi yung quality ng lasa, binabalik-balikan saka affordable."
May business partners daw si Neil.
"Before, kinuha lang nila akong endorser. Napag-usapan na rin na baka gusto ninyong mag-collab or partnership.
"Bale lima kami. Ang maganda dun tulungan kami, isa sa inventory, kami sa marketing, ako posting, isa sa manpower."
Tulad ng ibang negosyante, dumanas din ng maraming pagsubok si Neil lalo na nung nakaraang taon.
"Marami, lalo na sa liquor shop last year, nalugi ako. Ilang millons ang nalugi sa akin. Lyka dati. Ilang milyon yun. Ang sakit sa akin kasi kasi ROI na ako in two months.
"Kumbaga, makukuha ko na yung nilabas ko, e, dahil nalugi kami ng ilang millions. Na-depress ako nun, nalungkot ako.
"Back to zero ako."
Ang Lyka ay play-to-earn app na sumikat nung pandemic dahil ginagamit ito ng celebrities, pero sandali lang ang hype at nawala rin ito.
Pagdating sa kanyang liquor shop, may karanasan din si Neil.
Kuwento pa niya, "Well, yung alak ilang percent lang, e, 20%, 10% lang ang kita, e.
"Pero dahil nung time na yun malaki sana, pero di ko nabawi. Biglang bagsak ako, so plano na uli, ikot ka uli, ang hirap."
Ang aral na natutunan ni Neil: "Sa negosyo sugal talaga, di mo maiiwasan. Risky talaga, e. Buti paunti-unti nakabawi ako."
Read: What Neil Coleta did when he had no TV work: "Nagtinda ako ng bangus. Ako mismo nagde-deliver."
ON HIS ACTING PROJECTS
Kasama si Neil sa 2023 MMFF entry na Rewind, na pinagbibidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Makakasama rin daw si Neil sa launching movie ng Francine Diaz at Seth Fedelin, ang young love team na kilala sa uniname na FranSeth.
Maingat daw si Neil sa mga proyektong ginagawa lalo't may mga anak na rin siyang kinukunsidera.
"Siyempre may mga offers from Vivamax, siyempre hangga't maaari iwas ako," ani Neil pagdating sa sexy projects.
"Dati may ginawa ako kay Sweet [John Lapus], sa Cinema One Originals, yung sa Pang-MMK [Maalaala Mo Kaya] niya, sa lalake naman.
"Ngayon, gusto ko rin naman kasi trabaho yun. Pero dahil ayoko rin naman na may masabi ang ibang tao, tapos dalawa pa ang anak ko, wag na.
"Puntahan ko muna yung ibang mga roles, comedy, action, drama like ito ngang Rewind."
