Hinarang ng traffic enforcer kamakailan ang isang tricycle driver dahil sa pag-beat nito ng red light sa kalsada.
Walang naipakitang lisensiya ang driver at nadiskubreng colorum ang gamit niyang tricycle.
Bukod pa rito, namukhaan ang driver bilang scammer na naningil ng napakataas na pamasahe sa isang Australian vlogger.
Viral ang YouTube video ni Dwaine Woolley na inilabas niya noong November 25, 2023.
Inilahad ng foreign vlogger, na matagal nang naninirahan sa Pilipinas, kung paano siya na-scam ng tricycle driver.
Read: Fast-food crew member resigns after viral video; receives financial help from netizens
HOW THE VLOGGER WAS SCAMMED
Lahad ni Dwaine sa vlog niya na pinamagatang “Dealing with Scammers in Manila," nangyari ang insidente noong October, 22, 2023.
Naka-check in noon si Dwaine sa isang hotel sa Ermita, Manila, at nagdesisyong pumunta sa kalapit na mall.
The whole time ay nagvi-video si Dwaine, na mapapansing mataatas din sa pagta-Tagalog.
Sa kanyang paglalakad papuntang mall, may lumapit daw sa kanyang tricycle driver. Nagtanong si Dwaine kung magkano ang pamasahe at sumagot ang driver ng PHP50.
Habang nagbibiyahe, dalawang beses daw tumigil ang tricycle driver at nagsakay ng isang lalaki at isang babaeng kakilala nito.
Hindi pa nakakarating sa destinasyon ay biglang huminto ang tricycle, at narinig niyang nag-uusap ang driver at ang dalawang pasahero.
Sumingit sa usapan si Dwaine, at sinabing maglalakad na lang siya papunta sa mall. Bumunot siya ng PHP100 sa wallet, saka iniabot sa tricycle driver.
“I started to walk away. The trike tried to call out on me and say, ‘Sir, PHP550.’”
Napakunot-noo raw si Dwaine, at hindi makapaniwala sa pagtaga sa kanya sa pamasahe.
Nanindigan ang vlogger na PHP50 ang sinabi ng driver bago siya sumakay.
Nagpumilit daw ang driver at dalawa pang kasamahan.

Australian vlogger as seen in his video about being scammed by a tricycle driver in Manila.
Makikita pa sa video na lumapit si Dwaine sa security guard ng kalapit na drug store at nagtanong sa PHP550 na pamasaheng sinisingil sa kanya.
Sumang-ayon ang security guard na masyadong mahal ang pamasahe.
Makikita sa video ang pakikipagtawaran ni Dwaine sa driver, at maririnig din ang boses ng isang babae na sumisigaw at iginigiit na PHP300 ang bayad.
Pumayag daw ang driver na PHP250 ang ibabayad ni Dwaine.
Sa video nagbabala si Dwaine, “Ingat po tayo mga scammer, ha. Mga scammer iyan sila.”
Makikita namang naglalakad papalayo ang driver at ang babae.
Hindi na raw nagreklamo sa pulis si Dwaine dahil inisip niyang common ang pagpepresyo ng tricycle drivers.
Read: Student discovered living under stairs of mall for six months
DRIVER BUSTED
Sa ulat ng GMA Integrated News nitong December 1, sinabi ng mga awtoridad na nakilala na ang driver.
Ani Police Corporal Niechi Maci Pascual, Manila Police District, “We found out po na ito pong tao na ito is siya rin po yung tao na involved sa nag-viral na video, yung Australian citizen na sumakay sa tricycle. Namukhaan siya.”
Kinilala ang driver na si Joselito Ortiz na umaming tinaga ang presyo ng pamasahe ng vlogger.
Dahilan ng driver, nasa ospital ang anak nito at ang kasama niyang babae ang naningil ng PHP550.
Humihingi rin siya sa sorry sa vlogger, at umaming siyang wala siyang lisensiya at colorum ang gamit na tricycle.
Sinabi naman ng pulisya na hindi nila masasampahan ng kaso ang driver dahil walang official complaint kay Dwaine na kasalukuyang wala sa bansa.
Sabi naman ni Dwaine sa phone interview, “Medyo conflicted po ako dun kasi kahit na-scam ako, parang naawa ako sa kanya [driver].
“The next time I will go to Manila would be December, so puntahan ko yung pulis na nag-message sa akin sa S.M.A.R.T. [Special Mayors Reaction Team]. Siguro dun nan lang ako makipag-usap and decide kung anong gagawin ko.”
