Pumanaw na ang beteranong radio personality na si Manolo Favis noong December 1, 2023 sa edad na 84.
Ito ay ayun sa balita ng DZBB.
Walang inilabas na detalye tungkol sa sanhi ng kanyang pagkamatay.
Kilala si Don Manolo bilang “Golden Voice” ng Philippine radio, kung saan mahigit apat na dekada siyang nagtrabaho.
Read: Liza Soberano inaming break na sila ni Enrique Gil sa isang unreleased interview

Ang kanyang mga komentaryo sa mga isyu sa lipunan at mga pananaw sa buhay ay naging gabay ng milyun-milyon niyang tagasubaybay sa himpapawid.
Nagsimula ang kanyang career nang maging bahagi ng ABS-CBN bago ideklara ang martial law.
Naging host siya ng panggabing programa na On With the Show kasama si Baby O'Brien, ang ina ng aktres na si Rina Reyes.
Naging radio patrol crew din siya ng DZXL, ang radio station ng ABS-CBN bago ito tinawag na DZMM.
Read: 8 most painful breakups of reel-and-real couples in showbiz
Noong 1980 ay umalagwa ang kasikatan ni Don Manolo, at nagkaroon siya ng programang Dis is Manolo and His Genius Family Special sa DZBB ng GMA Network.
July pa lang ng bawat taon ay nagpapatugtog na siya sa kanyang programa ng Christmas songs.
Nagpaalam sa DZBB ang beteranong brodkaster noong 2020 para lumipat sa UNTV Radyo La Verdad 1350, at naging host ng Ito Ang Inyong Lingkod, Don Manolo.
Read: Gillian Vicencio's name gets dragged into KathNiel breakup

Read: Maja Salvador, Rambo Nuñez expecting first child
Kinilala si Don Manolo noong February 6, 2019 bilang isa sa Legends of Philippines Radio sa ginanap na UN World Radio Day 2019 Celebration sa Pecson Hall ng Senate of the Philippines.
Noong 2016, pinarangalan siya ng star sa Walk of Fame Philippines ni German Moreno.
Hinirang din siya bilang Outstanding Rotarian ng Rotary Club Marikina.
