PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Reyes-Judy Ann Santos concert in the works?

Mara Clara, the concert?
by Rommel Gonzales
Published Dec 2, 2023
Gladys Reyes
Judy Ann Santos
Gladys Reyes (left) admits that she has always been thinking of a fitting reunion project with her good friend and former Mara Clara co-star Judy Ann Santos (inset). She says, “Noon ko pa pinaplano, sana nga movie. Pero kung hindi man movie, aba e why not a concert nga?”
PHOTO/S: @iamgladysreyes @officialjuday on Instagram

Isang concert ang ideya ni Gladys Reyes para maging reunion project nila ni Judy Ann Santos.

Ito ang nakakagulat na rebelasyon ni Gladys nang tanungin namin kung wala bang plano na magsama silang muli ni Judy Ann sa isang proyekto.

“Sa totoo lang, naisip ko na iyan,” umpisang sinabi ni Gladys.

“Kasi inspired by yung ginawa nina Ate Sharon at Kuya Gabby.”

Kailan lamang ay idinaos ang reunion project nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Noong 1981 ay nagsama sa blockbuster film na Dear Heart sina Sharon at Gabby at nitong Oktubre, 2023 ay naganap naman ang Dear Heart concert ng dalawa.

Ganito rin ang plano ni Gladys.

Lahad ni Gladys, “Noon ko pa pinaplano, sana nga movie. Pero kung hindi man movie, aba e why not in a concert nga,” at tumawa si Gladys na tila kinikilig.

Maraming proyektong pinagsamahan na dati sina Gladys at Judy Ann, tulad na lamang ng phenomenal Kapamilya series nilang dalawa na Mara Clara na umere mula noong 1992 hanggang 1997.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GLADYS-JUDAY COLLAB CONCERT CONCEPT

Kuwento pa ni Gladys sa dream project niya nila ni Judy Ann, “Judy Ann and Gladys in concert, tapos meron tayong live band, di ba?

“At ang mga special guests namin si Christophe, si Yohan,” pagtukoy pa niya sa mga anak nila ni Judy Ann.

Panganay na anak nina Gladys at Christopher Roxas si Christophe at panganay na anak naman nina Judy Ann at Ryan Agoncillo si Yohan.

“Umpisahan muna natin dun kasi matagal pa bago yung pelikula, di ba? Kailangan ayusin ang script, ang ganito, pero bakit hindi concert,” sinabi pa ni Gladys.

“Kumbaga nakakanta naman… may album nga si Judy Ann, e.”

GLADYS-JUDAY TO REKINDLE SINGING TALENTS?

Nakagawa ng tatlong album noon si Juday — ang Judy Anne (1998), Bida Ng Buhay Ko (2001) at Musika ng Buhay Ko (2007).

At noong Hunyo, 2007 ay nagkaroon ng 20th anniversary special/concert si Juday, ang Bida ng Buhay Ko: 20 Years of Judy Ann Santos sa Araneta Coliseum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantalang si Gladys naman ay regular ang post sa kanyang Facebook at Instagram account na kumakanta ng live habang naghu-hula hoop.

“Kaya Mara Clara concert,” bulalas pa ni Gladys.

Suhestiyon pa namin kay Gladys, sila rin ni Juday ang mag-produce ng concert nila, at willing raw siya.

“Pero hindi ko pa ‘to nabanggit kay Judy Ann, actually dito ko pa lang, sa iyo ko pa lang unang nasabi. Babanggitin ko sa kanya.

“Kasi gusto ko ring mai-showcase yung talent nina Yohan, nila Christophe, ni Lucho, so why not di ba, in one concert kasi puwedeng yung resurrecting the past, yung mga batang ‘90s.

“At alalahanin mo, yung mga batang ‘90s na mga ka-contemporary namin noon na mga nanonood sa amin sila na yung mga boss, di ba?

“Sila na yung kumbaga meron na silang budget, di ba, para makanood. Kasi mga nagtatrabaho na sila.”

GLADYS’ BIRTHDAY WISH

Dagdag pa ni Gladys, “Ako nae-excite ako sa thought na, why not, actually iniisip ko nga in 2024, baka puwede kong i-request kay Judy Ann na iyon ang birthday ano niya sa akin, instead na birthday ano, birthday concert!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa Hunyo ang kaarawan ni Gladys.

KAPUSO-KAPAMILYA COLLAB?

Muli pa naming suhestiyon, ang concert nila ay puwedeng presented, bilang collaboration, ng GMA at ABS-CBN bilang Kapuso si Gladys at Kapamilya si Juday.

Puwede,” ang tili ni Gladys, “Di ba nagko-collab na sila?’

“So let’s see, sana, I’ll pray for that and hindi pa actually alam ng mga kinauukulan iyan, like si Juday hindi pa niya alam, first ko nga dito naisip at sinabi ko nga sa iyo.

“Sana talaga kasi medyo matatagalan pa bago maisakatuparan yung pelikula which is hindi ako sumusuko, pinagpe-pray ko iyan sana matuloy, so why not concert muna?”

Mara Clara In Concert ang titulo?

Aniya, “Well, puwede naming pag-isipan, pero parang may pagka-ganun, di ba? Pero tingnan natin, kasi siyempre yung Mara Clara is owned by ABS, tingnan natin kung papayag sila.”

Kung ka-collab naman ang ABS-CBN sa produksyon, maaari naman siguro.

“Well, sana.”

Pahabol pa ni Gladys, “We’re expecting na sana yung mga sumuporta sa amin mula noon sa Mara Clara, nandiyan pa rin sila at sana yung mga anak nila nadagdag sa mga magsu-support, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GLADYS’ NEW MOVIE

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa mediacon ng pelikulang Unspoken Letters nitong Nobyembre 30 sa B Hotel sa Quezon City.

Bida sa pelikula ang young actress na si Jhassy Busran at ipapalabas sa mga sinehan sa December 13.

Gaganap rin sa mahahalagang papel sa Unspoken Letters sina Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Matet de Leon, Simon Ibarra, Daria Ramirez, Deborah Sun, Orlando Sol, John Heindrick, Christine Samson at MJ Manuel.

Ang Unspoken Letters ay sa panulat at direksyon ni Gat Alaman na siya ring executive producer ng pelikula, co-director naman niya si Paolo Bertola at associate director si Andy Andico.

Mula ito sa Utmost Creatives Motion Pictures.

Main cast member din si Gladys ng Black Rider ni Ruru Madrid sa GMA-7.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes (left) admits that she has always been thinking of a fitting reunion project with her good friend and former Mara Clara co-star Judy Ann Santos (inset). She says, “Noon ko pa pinaplano, sana nga movie. Pero kung hindi man movie, aba e why not a concert nga?”
PHOTO/S: @iamgladysreyes @officialjuday on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results