Confident na ibinahagi ni Jessy Mendiola ang kanyang seksing pangangatawan ngayong isa na siyang ganap na ina.
Sa kanyang Instagram kahapon, December 3, 2023, ipinost ni Jessy ang sexy pictorial niya para sa kanyang ika-31 kaarawan.
Ipinagdiwang ng aktres ang kanyang kaarawan kahapon, at isinabay niya rito ang pag-post ng kanyang sexy pictorial.
Tanging caption niya, “31.”
View this post on Instagram
Komento ng asawa niyang si Luis Manzano, “I love you, and WOW [heart emoji]”

Marami ring celebrities ang pumuri sa kaseksihan ni Jessy at bumati na rin sa kanyang kaarawan
Kabilang sa kanila sina Alexa Ilacad, Iya Villania, Carla Abellana, at Vina Morales.

Pero may isang netizen na hindi nagustuhan ang post ni Jessy.
Ayon dito, “Dina bagay sayo ganyan may peanut kana.. Masagwa tingnan.”
Ang “peanut” na tinutukoy ng netizen ay ang panganay na anak nina Jessy at Luis na si Isabella Rose Tawille Manzano.
Sinagot ni Jessy ang basher.
Sabi niya sa netizen, huwag mamahiya sa isang babae na confident pa rin sa kanilang katawan kahit may anak na.
Aniya, “so kapag may anak bawal ma maging comfortable sa sariling katawan? Stop mom/parent shaming. it’s because of people like you kaya nahihiya mga ibang nanay maging comfortable at confident sa sarili nila. Just live and let live. Hindi ka naman inaagrabyado.”

Ibinahagi rin ni Jessy ang komento ng netizen sa kanyang Instagram Story.
Sabi niya sa caption, “JUST WANTED TO SHARE THIS. SANA MATIGIL NA ANG GANITONG THINKING DITO SATIN.
“ASAWA KO NGA HINDI NA-OFFEND EH. IKAW PA KAYA?
“US MOMS ARE ALLOWED TO BE CONFIDENT AND HAPPY IN OUR OWN SKIN.
“LET US BE. WE CAN BE COMFORTABLE WITH OURSELVES AND BE A MOM, TOO.
“ISA LANG SA ROLES NAMIN ANG PAGIGING NANAY.
“SANA MAS DUN TAYO SA WAG KALIMUTAN DIN ANG SARILI NATIN KAHIT NANAY NA.”

