PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rosula Calacala, 62, passes bar exam

There are 3,812 bar passers out of 10,387 bar takers.
by Bernie V. Franco
Published Dec 5, 2023
Rosula Calacala
“Hindi ko alam na makakapasa ako. I did not expect…” says emotional Rosula Calacala, 62, who studied in Northeastern College in Isabela.
PHOTO/S: GMA Integrated News

Napahagulgol ang 62 anyos na ginang sa paglabas ng resulta ng 2023 bar exams dahil nakapasa siya.

First time mag-take ng senior citizen na si Rosula Calacala ng Northeastern College sa Isabela.

Bumuhos ang kanyang luha nang makitang kasama ang kanyang pangalan sa 3,812 bar passers mula sa 10,387 na bar-exam takers.

Mismong sa Supreme Court siya nag-abang ng results ngayong Martes, December 5, 2023.

Read: Original painting, nabili for PHP200 at nakakuha ng PHP10M bid sa auction, napurnada ang benta

bar exam results

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa interview ng media kay Rosula, napag-alaman na isa siyang office worker sa Isabela local government unit at isa rin siyang working student.

Proud din niyang sinabi na napagtapos na niya ang mga anak at maayos na ang kanilang lagay, kaya ang pangarap niyang maging abogada ang pinagtuunan niya ng pansin.

“First take ko. I took school law four years, tapos wala akong failing grade. My teachers, hindi sila nagkamali nagpasa sa akin,” sabi ng emosyunal na ginang.

“Hindi ko alam na makakapasa ako. I did not expect…”

Dahil overwhelmed pa sa kanyang pagkapasa, hindi pa naiisip ni Rosula kung ano ang susunod niyang gagawin ngayong ganap na siyang abogada.

Read: What 585, 750, and other number markings mean in gold jewelry

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Hindi ko alam na makakapasa ako. I did not expect…” says emotional Rosula Calacala, 62, who studied in Northeastern College in Isabela.
PHOTO/S: GMA Integrated News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results