PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jigger Geverola: Bar Passer and Robbery Mastermind

Wish niyang makasama sa oathtaking.
by KC Cordero
Published Dec 6, 2023
Graduation photo of Jigger, and behind bars
Kabilang ang detenidong si Jigger Geverola sa 3,812 na nakapasa sa 2023 Bar Examinations. Siya ang itinuturong mastermind sa pagnanakaw sa isang pawnshop sa Cebu City noong November 25, 2023. (Photos courtesy of 104.1 The Rock Radio FB)

Isa si Jigger Geverola sa 3,812 na nakapasa sa 2023 Bar Examinations, na ang resulta ay inilabas ng Korte Suprema noong December 5, 2023.

Kasalukuyang nakapiit si Geverola sa custodial facility ng Cebu City Police Station (CCPO).

Kasangkot umano siya sa naganap na nakawan sa Oro Sugbo Pawnshop sa Colon Street, Cebu City noong November 25, 2023.

Read: Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho

Photo of Jigger's name in bar passer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Maskaradong suspek sa pagnanakaw, nakilala dahil sa colorful underwear

Noong November 28 ay sinalakay ng mga operatiba ang kanyang tahanan sa Barangay Gutlang, Argao, Cebu, matapos banggitin ang kanyang pangalan ng dalawang suspek na nauna nang naaresto sa naganap na nakawan.

Itinuro rin ng mga ito na si Geverola bilang mastermind sa pagnanakaw.

Nagtapos siya ng abogasya sa Southwestern University Sa Cebu City noong 2020.

Read: 30-year-old pari, pinakasalan ang 18-year-old student; tinanggal sa parokya

Graduation photo of Jigger

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Lola nabubuhay sa tubig at soft drinks matapos tamaan ng kidlat noong 1963

Ayon sa pulisya, ang bar passer ay maraming kaso ng paglabag sa batas.
Noong 2001 ay nakasuhan siya ng murder and arson dahil sa diumano ay pagsunog sa isang bus. Naaresto siya noong 2004.

Tinukoy rin na isa siya sa naging opisyal ng Communist Central Visayas Regional Party Committee, bago nagbalik-loob sa pamahalaan at muling nag-aral.

Napaulat ding nagtatrabaho siya sa isang konsehal ng Cebu City.

Read: Lalaki natuklasan ang masakit na katotohanan sa pagbunot sa apat niyang ngipin

Photo of Jigger behind bars

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Person with male and female sex organs finally chooses to be a woman

Sa isang panayam matapos lumabas ang resulta ng Bar exams, sinabi ni Gerevola na masayang-masaya siya na nakapasa at nagbunga na rin ang kanyang mga pagsisikap.

Ito ang ikalawang beses niyang pagkuha ng Bar exams.

Umaasa rin siyang mabibigyan ng pagkakataon na makasama sa gaganaping oathtaking sa December 22.

Binati naman siya ng kanyang ina na si Celsa Geverola, 65, nang makausap niya ito sa telepono at ibalitang nakapasa siya sa bar exam.

Read: Yassi Pressman gives PHP100K to driver whose car was hit by her personal driver

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang detenidong si Jigger Geverola sa 3,812 na nakapasa sa 2023 Bar Examinations. Siya ang itinuturong mastermind sa pagnanakaw sa isang pawnshop sa Cebu City noong November 25, 2023. (Photos courtesy of 104.1 The Rock Radio FB)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results