PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Lahbati Dodges Breakup Question About Richard Gutierrez

Sarah Lahbati assures she'll have a good Christmas with her sons.
by Jojo Gabinete
Published Dec 10, 2023
sarah lahbati
Sarah Lahbati on getting back to work: “Honestly, I’m feeling grateful and I’m feeling blessed. Again, parang sunud-sunod yung blessings from God and I’m just excited to get to work. I have a five-year-old, we have a ten-year old. Parang sabi ko, puwede na siguro. I’ve been a very hands-on mom. I’m still a very hands-on mom so parang I wanted to do something for myself.”
PHOTO/S: @viva_films / @sarahlahbati on Instagram

Nakaiwas si Sarah Lahbati sa mga tricky question ng showbiz press sa story conference ng Lumuhod Ka Sa Lupa na ginanap noong Sabado, Disyembre 9, 2023/

Ang TV5 entertainment news reporter na si MJ Marfori ang nag-iisang nag-interbyu kay Sarah.

Read: Sarah Lahbati magsalita na kaya tungkol rumored breakup nila ni Richard Gutierrez?

“I rather not comment on anything personal if that’s what you’re asking dahil Lumuhod Ka Sa Lupa, malapit na,” diretsahang sagot ni Sarah nang maramdaman nitong tatanungin siya ni MJ tungkol sa paghihiwalay nila ng asawa niyang si Richard Gutierrez.

Mismong ang biyenan ni Sarah na si Annabelle Rama ang nagkumpirma sa social media post nitong may problema sa pagsasama nina Richard at Sarah.

Read: Annabelle Rama, iginiit na wala siyang kinalaman sa hiwalayang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati

Sa panayam ni MJ, kinumusta kay Sarah ang muling pagbabalik niya sa pag-arte sa telebisyon sa pamamagitan ng TV adaptation ng 1986 action-drama movie ng pumanaw na aktor na si Rudy Fernandez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Sarah, “I’m okay and I’m excited. I’m feeling... honestly, I’m feeling grateful and I’m feeling blessed.

“Again, parang sunud-sunod yung blessings from God and I’m just excited to get to work.

“I have a five-year-old, we have a ten-year old. Parang sabi ko, puwede na siguro.

"I’ve been a very hands-on mom. I’m still a very hands-on mom so parang I wanted to do something for myself.”

Read: Sarah Lahbati, Richard Gutierrez, family explore Malico in "rest house on wheels"

Malaki ang pagpapahalaga ni Sarah sa "self-love," at ito ang inilahad niya sa panayam sa kanya ng TV5.

Sabi niya, “Inay ko po, napaka-important. If you wanna be able to take care of your kids the best way you can, you have to take care of yourself the best way you can also.”

Tiniyak na magiging maganda ang Pasko nila ng kanyang mga anak, sa kabila ng pahayag ni Annabelle na magdiriwang ng Pasko sa Japan ang pamilya Gutierrez pero "minus one," na tila patungkol sa kanyang estranged daughter in-law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Did Annabelle Rama just confirm Richard Gutierrez-Sarah Lahbati breakup?

Ani Sarah, “Even if I’m working, I’m still gonna be hands-on with the kids and make sure we have good Christmas.”

Ano naman ang regalo niya sa sarili?

"A tap on the back," sagot ni Sarah.

Lalong umingay ang matagal nang haka-hakang hiwalay na sina Sarah at Richard dahil sa December 8 social media post ni Annabelle na iginiit na wala itong kinalaman sa paghihiwalay ng kanyang anak at manugang kaya hindi siya ang dapat sisihin.

Sinabi ni Annabelle na pinagbawalan siya ng kanyang legal counsel na magsalita kaya hindi puwedeng ikuwento ang mga nangyari pero kontrobersyal pa rin ang pahayag niya.

Sabi ng nanay ni Richard: “Sino ba ang may gustong maghiwalay sila. Ako ba? Or ang mag-ina.

“Wag nyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon. Ako ang walang alam sa nangyari, ang bilis.

"Nagulat na lang ako biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag umpisa ang malaking gulo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Wag nyo ibagsak sa akin ang sisi."

Read: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati love story: A timeline

Hindi pa nagsasalita ang mga magulang ni Sarah na sina Esther at Abdel tungkol sa isyung kinasasangkutan ng kanilang anak, pero makahulugan ang Instagram post ng ama ng aktres noong Disyembre 8, 2023

“Enjoying every moment with family. The convoy keeps going and don’t mind dogs barking,” caption ng ama ni Sarah sa larawan nila ng kanyang pamilya.

Pinaghihinalaan ng netizens na reaksiyon niya ito sa mga eksplosibong rebelasyon ni Annabelle.

Read: Who is Sarah Lahbati’s father alluding to in “dogs barking” post?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Lahbati on getting back to work: “Honestly, I’m feeling grateful and I’m feeling blessed. Again, parang sunud-sunod yung blessings from God and I’m just excited to get to work. I have a five-year-old, we have a ten-year old. Parang sabi ko, puwede na siguro. I’ve been a very hands-on mom. I’m still a very hands-on mom so parang I wanted to do something for myself.”
PHOTO/S: @viva_films / @sarahlahbati on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results