Binasag na ng actor-singer na si Janno Gibbs ang kanyang katahimikan kaugnay ng pagkamatay ng ama niya, ang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.
Pumanaw si Ronaldo nitong Linggo ng hapon, December 17, 2023. Siya ay 77.
Read: Veteran actor Ronaldo Valdez dies at 77
Sa pamamagitan ng Instagram, nagbigay ng maikling pahayag si Janno upang kumpirmahin ang pagkamatay ng ama.
"It is with great sorrow that i confirm my father's passing," sabi ni Janno.
Kasunod nito ang pakiusap niyang irespeto ng publiko ang privacy ng kanilang pamilya sa oras na ito ng kanilang pagdadalamhati.
Aniya, "The family would like to request that you respect our privacy in our grieving moment.
"Your prayers and condolences are much appreciated."
Walang binanggit si Janno kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ama.
View this post on Instagram
Sa comments section ng post ni Janno ay nagpaabot ng mensahe ng pakikiramay ang ilang kasamahan sa industriya tulad nina Mark Bautista, Vina Morales, Rocco Nacino, Jaya, Jerald Napoles, Aiko Melendez, John Arcilla, Arnold Clavio, Donita Rose, Janice de Belen, at iba pa.

