Hiwalay na ang socialite na si Tessa Prieto sa kanyang partner na si Angel Chua.
Ito ang kinumpirma ni Tessa mismo sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Lunes, December 18, 2023.
Sa maikling mensaheng ipinarating niya sa PEP.ph, sinabi ni Tessa na ang kanyang pamilya ang pinakaimportante sa kanyang buhay, at ito ang kanyang pinili.
"My family is the most important thing in my life, and I choose my family," sabi ni Tessa.
Hindi siya nagbigay ng detalye kung ano ang dahilan ng kanilang breakup.
Si Angel ang nakarelasyon ni Tessa matapos nilang maghiwalay ng kanyang dating mister na si Dennis Valdes, noong 2020, pagkatapos ng 26 taong pagsasama bilang mag-asawa.
Read: Tessa Prieto opens up about breakup with husband Dennis Valdes after 26 years of marriage
Nito lamang nakaraang buwan ng Nobyembre 2023 ay ibinahagi pa ni Tessa sa kanyang Instagram ang ilang kuha nila ni Angel mula sa kanilang bakasyon sa mga bansang Malta at Morocco.
Ngunit wala pang isang buwan ay tinapos na nila ang kanilang relasyon.
View this post on Instagram
View this post on Instagram
Read: Tessa Prieto-Valdes, husband Dennis Valdes renew wedding vows on 25th anniversary
