PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kelvin Miranda on being seen with gay friends: "Nambabakla raw ako."

Kelvin Miranda once again despels rumor linking him to Sam Smith.
by Glenn Regondola
Published Dec 19, 2023
kelvin miranda sang'gre
Kelvin Miranda on British singer Sam Smith: "Sa totoo lang, yung type of music ko, hindi naman sa pag-ano, hindi naman yung tipo ni Sam Smith ang pinakikinggan ko. Wala namang konek. At para magkakilala siya o i-idolize siya, parang malabo, kasi sobrang luma na ang mga gusto kong pakinggan."
PHOTO/S: Glenn Regondola

Muling itinanggi ni Kelvin Miranda na siya ang tinutukoy sa blind item ng direktor na si Darryl Yap tungkol sa isang aktor na na-booking diumano ng international singer na si Sam Smith sa halagang two million pesos.

Read: Kelvin Miranda reacts to blind item about "lalakeng artistang nabooking ng international singer"

Pagkatapos ng paglilinaw ni Kelvin, sa pamamagitan ng Facebook live, nakaharap siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at dito ay direkta niyang inilabas ang sarili sa nabanggit na isyu.

Ayon sa Kapuso actor, "Hindi naman po ako yun, e. Kumbaga, nadawit tayo. Nadawit tayo, tinag tayo ng mga tao.

"Hindi natin masisisi ang mga tao sa social media kasi hindi naman nila nakikita ang katotohanan, so one-sided.

"Tinanggap ko na na ganun talaga sa [showbiz]. So, parang masakit, pero kailangan mo pa ring lumakad, e.

"Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako yun."

Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Kelvin sa grand opening at ribbon-cutting ng Idara Aesthetics+Cafe na ginanap sa Ayala Malls, Cloverleaf Branch, sa Balintawak, Quezon City, nitong Lunes, December 18, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Kelvin ay isa sa guest celebrities na inimbitahan ng Beauty Wise CEO na si Ms. Abdania Galo at ng pamilya nito.

TWO-MILLION-PESO OFFER

Pabirong sinabi ng PEP.ph sa aktor na ang laki ng "dalawang milyon" at mahirap tanggihan.

Sabi naman niya, "Yun nga, e. Parang ang narinig ko nga, ang nababasa sa comments, na sino naman ang aaminin sa two million. Sino nga ba?

"Pero, hindi talaga ako yun. Kumbaga, masaya ako kung ano ang kinalalagyan ko sa buhay.

"Meron man o wala, sanay ako sa hirap sa hirap."

Nagkausap daw sila ni Direk Darryl nang pumutok ang isyung nabanggit.

Lahad ni Kelvin, "Nagkausap naman, kasi nag-reach out naman siya after ng post niya.

"Parang after one day ago, nag-chat na siya sa akin. Nung ang dami nang nag-tag sa akin.

"Kasi friends ko, tumatawag, nagtatanong na, 'Ano ba ito?'

"Sabi ko, dire-dretso na nga ang taping ko. Kumbaga, ano pa ang magagawa ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Meron naman akong respeto sa kahit anong gender. Wala akong sinisino o hinuhusgahan.

"Kung hinuhusgahan man ako ng mga tao, hindi para hinuhusgahan ko pabalik.

"Kumbaga, sinu-surrender ko na [sa Itaas]. Kung ano ang ibinibigay sa akin, tatanggapin ko na lang.

"Kailangan kong mabuhay, kailangan kong mag-strive. Ganoon naman talaga."

DEFENDING HIMSELF

Kung hindi siya guilty, bakit kailangan pa raw niyang mag-live sa Facebook para ipagtanggol ang sarili. Dinedma na lang sana niya para di na lumaki ang isyu.

Reaksiyon ni Kelvin, "Nag-live naman ako kasi may mga friends na rin na ako na nagri-reach out na rin sa akin.

"Nilinaw ko na din kaagad, kasi marami na ring isyu na di na ako nagsalita, so this time, gusto ko na ring magsalita para...

"Kahit ngayon lang, kasi naramdaman ko lang.

"Di naman sa pagiging impulsive, nag-live lang ako, naramdaman ko lang, try ko lang na magsalita.

"Pero same pa rin, may nasabi pa rin ang tao sa akin. So, parang, ewan ko, ano ang gagawin ko, saan ako lulugar."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa tingin niya, bakit siya ang tinag ng mga kaibigan niya tungkol sa blind item na iyon?

Depensa ng aktor, "Kasi, may pictures ako before na kasama ko ang friends ko na gays.

"Nagpu-post... na recently, nakita ko sa status sa ilang platform sa social [media], na nambabakla raw ako.

"Ako naman, kung yun ang tingin nila.

"Sa akin kasi, may respeto ako, tinatrato ko naman nang pantay at patas.

"So, ayokong tingnan nang ganun ang ginagawa ko — nakikisama ako nang maayos.

"Yung iba kasi, kapag may mga kaibigan ako o kasamang bading, masama na kaagad ang tingin nila. Yun ang impression.

"Pero sa akin, bago pa ako mag-showbiz, bago pa ako mag-extra-extra, may mga kaibigan na ako, mga kasabay ko nang lumaking mga bading, masaya silang kasama.

"Pero wala akong hinuhusgaan sa pagkatao nila, kasi nirerespeto nila ako, natuto akong respetuhin nila."

Nilinaw rin ni Kelvin na wala silang anumang kaugnayan ni Sam Smith.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin niya, "Ah, hindi. Sa totoo lang, yung type of music ko, hindi naman sa pag-ano, hindi naman yung tipo ni Sam Smith ang pinakikinggan ko. Wala namang konek.

"At para magkakilala siya o i-idolize siya, parang malabo, kasi sobrang luma na ang mga gusto kong pakinggan."

NEW SANG'GRE

Samantala, ipinagmamalaki ni Kelvin na siya ang kauna-unahang lalaking sang'gre na gaganap sa pinakasikat na fantaserye ng GMA-7, ang Encantadia.

Kuwento niya, "Nagpi-prepare po kami ngayon sa Sang'gre. Ni-require po na ako paghandaan ko yung physical appearance. Siyempre, yung mentalidad.

"Siguro early next year, possible na magsimula na ako on set.

"November pa lang, sa storycon namin, nagsimula na gawin yung studio, so hopefully...

"First time ko ring gumawa ng fantaserye, wala pa akong idea.

"Ngayon pa lang ako magsisimula sa studio, so most of the time, yung mga encantado, sa studio lang talaga.

"Ayun, tulad ngayon, meron akong ginagawang body conditioning, combat sports, at para sa action rehearsals namin, prepared ang katawan sa mga ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagiging lalaking sang'gre naman, ito ang masasabi ni Kelvin:

"Parang first time na nangyari, ang laki ng pressure, at saka expectation sa mga tao, kasi first time ngang nangyari.

"Ako rin sa sarili ko, parang nawiweirduhan ako na parang first time nga ata na lalaki ang mag-aalaga ng brilyante, na maghahawak.

"Pero kailangang paghandaan, at di tayo magmukhang di alam ang ginagawa. Kaya binigyan kami ng paghahanda, para sa sarili naman para bago magsimula, e, ready na kami."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda on British singer Sam Smith: "Sa totoo lang, yung type of music ko, hindi naman sa pag-ano, hindi naman yung tipo ni Sam Smith ang pinakikinggan ko. Wala namang konek. At para magkakilala siya o i-idolize siya, parang malabo, kasi sobrang luma na ang mga gusto kong pakinggan."
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results