Naghahanap ng kaibigan mula sa National Bureau of Investigation (NBI) si Jamela Santos dahil desidido siyang mabigyan ng hustisya ang paglapastangan sa alaala ni Ronaldo Valdez.
Si Jamela ang business manager at matalik na kaibigan ng yumanong beteranong aktor.
Sumakabilang-buhay si Ronaldo noong Linggo, Disyembre 17, 2023.
Read: Ronaldo Valdez's talent manager posts last snaps with veteran actor taken two days before his death
Galit na galit si Jamela sa pagkalat ng sensitibong video ng mga huling sandali ng buhay na aktor.
Read: Naglabas ng sensitibong video ng yumaong aktor na si Ronaldo Valdez, puwedeng kasuhan
Mahihinuhang ang hindi pa nakikilalang tao ay kabilang sa mga nag-imbestiga at nagpunta sa lugar na pinangyarihan ng trahedya at siyang responsable sa kumalat na panoorin.
“Stop this!!!!! Do I have a friend from NBI? Please help!!!" apela ni Jamela.
Humihingi ng tulong ang talent manager ni Ronaldo para matukoy ang katauhan ng nagkalat ng maselang video.
“Mga p&!!!@%%$ nyong bumastos sa legacy ni Ronaldo Valdez. Mga hayuuuuup kayo!!!! Magtutuos tayo pagkatapos ko magluksa,” nagpupuyos ang damdaming banta ni Jamela sa social media post nito.
“Why people can be sooo cruel!!! I can’t believe it!!! Ano para maka-scoop kayo??? Para mag-trending kayo????!!! How can you be sooo low! Mga walang respeto!!!!!
“A GOOD and brilliant man like him doesn’t deserve this!!!! Babalik senyo lahat ng ginawa nyo!!!! It’s just a matter of time.”

Nakakuha ng simpatiya si Jamela mula sa maraming taong kinokondena rin ang pagkalat ng kontrobersiyal na video.
Pinuna naman ng netizens na naengganyong panoorin ang video ang pamamaraan ng imbestigasyon dahil hindi gumamit ng guwantes ang imbestigador nang hawakan nito ang baril na natagpuan sa lugar na pinangyarihan ng trahedya.
At kahit nagsisimula pa lamang ang imbestigasyon, may konklusyon agad ang isang imbestigador na malinaw na maririnig ang boses sa viral video.