Umaani ng mixed reactions ang isang couple mula Masbate dahil sa kontrobersiyal na konsepto ng kanilang prenup shoot.
Kakaiba kasi ito kumpara sa tradisyunal na prenup photos kunsaan sweet at in love ang engaged couple.
May mga netizens na nagtaas ng kilay dahil sa tema nitong suggestive of violence.
Ang prenup photos nina Jonathan Trillado at Bebsie Riveral ay ipinost sa Facebook page ng wedding photographer na si Rene Lou Delfin.
May disclaimer ang photographer sa caption nito: “No one was harmed in this shoot; the concept was the client's preference.”
Sa kakaibang prenup shoot nina Jonathan at Bebsie, may mga larawan kung saan tinalian ng lalaki ang babae sa bibig, sinakal, iginapos ang kamay habang walang malay, at isinakay sa likod ng kotse.
Read: Gimik nauwi sa trahedya dahil sa kawalan ng masakyang taxi



Sa sumunod na photos, si Jonathan naman ang walang malay at nakagapos habang nakahiga sa car trunk, habang si Bebsie ay nagbi-vape.
Base sa sequence at layout, si Bebsie ang totoong lady boss sa kanilang relasyon.
Read: Nicolas Puech of Hermès desididong ipamana ang yaman sa hardinero; sariling foundation, umaalma

Marami sa mga kakilala ng couple ang nakakuha sa mensahe ng kanilang prenup photos, pero may iba na nabahala.
Magalang na komento ng isang netizen (published as is): “Congrats po sa cute photos but I meekly hope this will not fall further to be mislead by the context of romanticizing harm.
"Not spreading hate po. Just a careful sentiment of mine.
“I also hope people will acknowledge the disclaimer portion that it was their client's ideas and their story to tell. Let it be that way. Respectfully.”
May mga netizens na sumang-ayon at umasang huwag bigyan ng ibang kulay ang tema ng prenup photos.
Hashtag pa ng isang netizen #notromanticizingharmviolence.


Read: 103-year-old Christmas tree sells for more than PHP200,000 at auction
BRIDE-TO-BE-REACTS
Kinunan ng reaksiyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bebsie tungkol sa pagiging kontrobersiyal ng kanilang prenup shoot.
Si Bebsie, 24, ay isang online seller mula Cawayan, Masbate.
Aniya, nangyari ang shoot noong December 12, 2023.
Sabi ni Bebsie, ang konsepto ng kanilang prenup ay nakita lang niya online.
“Nagandahan ako kasi not the usual prenup, like naghahabulan sa beach or sa damuhan. Unique siya at cool, saka syempre, GenZ, para maiba naman.”
Umamin siya na nag-alangan siya noong una, “lalo na magkakaiba talaga ng pananaw ang bawat isa sa atin.”
“Ang inisip na lang namin, once lang naman kami mag-prenup kaya go na sa kung anong concept ang gusto.
“Kahit ano pa man gawin natin hindi mawawala ang negatibo at positibong komento ng tao.
“Nung nagshoot nga kami nagtatanong pa yung photographer (Ren Delfin Photography) sa amin na baka daw ma-bash kami.
"Ginusto naman namin kaya kahit anong komento tatanggapin namin.”
Masaya naman si Bebsie dahil marami ang naka-appreciate ng kanilang konsepto, pero aminado siyang may mga negatibong comments din.
Aniya, “Napapaisip din lalo na dun sa mga nagsasabi na niro-romanticize daw namin ang domestic violence, pero hindi rin naman namin sila masisisi, gaya ng nabanggit ko bawat isa sa atin may kanya-kanyang pananaw.”
Klaro ang mensaheng nais iparating ni Bebsie sa kanilang prenup shoot: “Ang babae ay babae. Hindi babae lang. Kaya laban mga girls, wag magpapaapi.
“Thanks to my partner din na walang reklamo sa concept na napili ko.”
PHOTOGRAPHER REACTS, TOO
Nakausap din ng PEP.ph via call ang photographer na si Ren na three years nang wedding and events photographer sa Masbate.
Kinutuban na raw siyang baka ma-bash sina Bebsie at Jonathan sa kanilang prenup shoot kaya inabisuhan niya sila.
"Actually, hesitant po talaga ako nung una kasi nga sa gusto nilang concept. And aware naman po sila dun,” sabi ng photographer.
Kaya ginawa niya ang makakaya para ma-achieve ang gusto ng engaged couple.
“Para po kasi sa akin yung ma-satisfy po si Client sa output, yun po ang importante. Masaya po kasi nagustuhan ni Client."
Aniya ukol sa negatibong reaksiyon sa shoot: “Syempre, hindi naman po natin yun mapipigilan, yung idea or yung thoughts or comments nila. Ayun nga po, medyo nakaka-sad.”
Nung ini-edit daw niya ang mga photos, nakita rin niya ang mensahe na nais iparating ng couple.
“Nung nakita ko yung concept, may kasamang humor talaga, e.
"Sabi ko, ‘Ah, ganito pala yung gusto nila i-portray. Una, parang lalaki yung [dominant], and then yung plot twist nga po na [babae ang nag-dominate].”
“Happy naman, masaya naman po sa output. Kumbaga, depende kung paano mo titignan.”
Hindi naman daw nagsisisi si Bebsie sa ginawa nilang prenup shoot.
Katuwiran niya: “No regrets at all. People will always say something no matter what you do.”
STATISTICS OF DOMESTIC VIOLENCE IN PH
Sa website ng Philippine Commission on Women, nakalagay na 17.5 percent ng mga Pilipina, edad 15-49, ay nakaranas ng physical, sexual, and emotional violence mula sa kanilang intimate partners o karelasyon.
Ang statistics na ito ay mula sa 2022 National Demographic and Health Survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority.
Ang pananakit sa mga babae dahil sa kanilang kasarian ay tinatawag na gender-based violence.
Ayon sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, ang Violence Against Women (VAW) ay anumang kilos o gawa laban sa isang babae—asawa, dating asawa, nakasiping, ka-date, ina ng anak nito, maging sa anak nito na lihitimo o hindi, kasama man sa bahay o hindi—na nagdulot ng physical, sexual, psychological harm o suffering, economic abuse na kinabibilangan ng pananakit, assault, coercion, harassment or arbitrary deprivation of liberty.
