"Sa totoo lang, wala talaga akong alam," ang umpisang sinabi ni Tonton Gutierrez sa pang-uusisa sa kanya tungkol sa isyu ng hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Magkapatid sa ama sina Tonton at Richard. Si Tonton ay ay anak ni Eddie kay Liza Lorena, habang si Richard ay sa asawang si Annabelle Rama.
Pagpapatuloy pang lahad ni Tonton, "Nagkasama kami ni Richard nung binyagan nung anak ng isang kapatid namin, si Rocky, hindi namin napag-usapan, hindi ko siya tinanong.
"I gave him that respect, I wouldn’t want to ask, wala, so I have no idea.
"I have no idea kung ano man yung…kung meron mang hiwalayan or whatsoever."
Read: Sarah Lahbati dodges question about rumored breakup with husband Richard Gutierrez
Maging ang misis ni Tonton na si Glydel Mercado ay wala rin daw alam tungkol sa pangyayari.
"At saka sinabihan ako ni Glyds, ‘O meron akong nakita sa Facebook, ganito lumalabas na Richard or ano’, sabi ko, ‘Hindi ko alam e.’
"So, Glydel was there also [sa binyagan], hindi naman namin tinanong, wala kaming tinanong sa isa’t isa, kahit sa mga kapatid namin na, ‘O totoo ba?’, wala.
"Respeto lang yun e. Wala. That’s why I have no knowledge or whatsoever, wala kong alam."
ON TONTON AND GLYDEL'S MARRIAGE
Tungkol pa rin sa hiwalayang laganap ngayon sa showbiz, may blind item na kumakalat kamakailan na on the rocks o nanganganib mawasak ang relasyon ng isang mahusay na aktor at isang mahusay na aktres.
May listahan bilang panghuhula sa kung sino ang tinutukoy sa naturang blind item at nakalista ang pangalan nila ni Glydel.
Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tonton ng reaksyon tungkol dito.
"On the rocks? I have no… hindi ko alam kung saan nanggaling yun, dahil there’s no truth to it, so hindi ko alam."
Maayos raw ang pagsasama nila ni Glydel bilang mag-asawa.
"Yeah we’re okay!" saad ni Tonton, "At saka sa amin naman kung meron mang lumabas na ganun, hindi naman kami maaapektuhan, e."
Hindi raw sila apektado sa mga ganung blind item.
"Hindi kami kailangang maapektuhan, kung ano yung alam namin sa isa’t isa, magkasama kami, bakit kami maa-ano?
"Ako ganun din ako, e, ganun akong tao, na kung may i-tsitsismis man about me at alam ko sa sarili ko na hindi totoo yun, then hindi ako magre-react, hindi ko papansinin."
Ilang taon na ba ang relasyon nila ni Glydel?
"Nineteen years plus six," sagot ni Tonton.
Anim na taon silang magkasintahan at labingsiyam na taon na silang kasal.
Read: Annabelle Rama, iginiit na wala siyang kinalaman sa hiwalayang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati
REMEMBERING A BIG FIGHT WITH GLYDEL
Aminado naman si Tonton na dumaan rin sila ni Glydel sa mga pagsubok sa kanilang relasyon.
Naranasan na raw nila ang pansamantalang maghiwalay noon.
Aniya, "Meron yan, meron yan, nangyari yan."
Hindi siyaa umuwi ng bahay nila?
“Hindi, hindi pa kami mag-asawa, boyfriend-girlfriend pa lang kami, nag-away kami.
"Alam mo, actually, tinanong ko nga siya, e, kung ano yung napag-awayan namin, hindi na namin maalala.
“Pero naghiwalay kami talaga, siguro mga two weeks din."
Matinding lover's quarrel daw iyon noon.
"Yeah, may isang away na grabe. Pero ang nakakatawa, hindi na namin maalala kung ano yung pinag-awayan namin.
"So, it wasn’t really that big na pinalaki lang namin siguro, nakakatawa e, iniisip nga namin, ‘Naalala mo?’ Sabi ko, ‘Ako hindi, e!’
"Pero naalala namin na naghiwalay kami, nag-break-up kami for about two weeks."
Sino ang unang nanuyo?
"Ewan ko, parang nag-reach out ako sa kanya, sabi ko, ‘Pag-usapan natin ‘to’, ganun.
"Pero actually, alam mo, nakakatawa nga kasi hindi rin namin napag-usapan kung ano yung pinag-awayan namin.
"Nung sinabi ko na pag-usapan natin, basta na lang nagkabalikan kami ng wala naman kaming pinag-usapan na, ‘Sorry dun sa nangyari, ha.’ Kaya nga ang weird."
Isang beses lang raw nangyari iyon. Mula noong ikasal sila ay wala na silang grabeng awayan.
"Wala na, wala na kaming away na malaki, sabi ko nga, talagang kung iisipin nga ng mga tao parang napaka-weird."
Read: Tonton Gutierrez at Sharon Cuneta, after thirty years, 'nag-date' uli
NO THIRD PARTY
Hindi rin daw naging isyu sa kanila ang tungkol sa third party kahit minsan.
"Not even, no it wasn’t. Siguro kung naging third party yun, hindi two weeks lang, at saka siguro baka hindi niya ako kausapin na, e, di ba?"
Banggit namin kay Tonton, sila talaga ni Glydel ang magka-destiny.
"Yeah. Alam mo yang destiny na yan, nakakatawa yan, e,”"bulalas ng aktor.
"Unang-una, birthday namin parehas, March 10 siya, March 20 ako.
"Ang nanay ko at nanay niya the same birthday, ang kapatid niya at ang kapatid ko same September, so maraming ano, yung parang parehas.
"Ang real name niya pangalan din ng nanay ko."
Samantala, nagkasama sa pelikulang Unspoken Letters sina Glydel at Tonton na pinagbidahan ng newbie actress na si Jhassy Busran.
Sa mediacon ng naturang pelikula nitong November 12, 2023, sa B Hotel namin nakausap si Tonton.
Hindi nakapasok sa Metro Manila Film Festival bilang entry ang Unspoken Letters kaya napaaga ang showing nito sa mga sinehan nitong December 13.
Gumanap rin sa mahahalagang papel sa Unspoken Letters sina Gladys Reyes, Matet de Leon, Simon Ibarra, Daria Ramirez, Deborah Sun, Orlando Sol, John Heindrick, Christine Samson, at MJ Manuel.
Ang Unspoken Letters ay sa panulat at direksyon ni Gat Alaman na siya ring executive producer ng pelikula, co-director naman niya si Paolo Bertola at associate director si Andy Andico.
Mula ito sa Utmost Creatives Motion Pictures.
Read: Why Tonton Gutierrez won't cheat on Glydel Mercado: "Maliit ang mundo"
