Ibinahagi ni Christian Bables na nakaranas siya ng matinding heartbreak noong college years niya.
Read: Jennica Garcia clarifies real score with Christian Bables
“During college, mga 18 ako nun. 2 months, pero grabe," saad ni Christian.
Minahal niya agad ng grabe ang karelasyon sa loob lamang ng dalawang buwan?
Lahad ng binata, "Hindi naman sobrang mahal, pero papunta na doon e. Kumbaga, parang naka-set yung mind ko sa pag-dive deep into the relationship.
"And then I found out na meron pala siyang mas nauna kesa sa akin."
Pinagsabay sila?
"Oo, so ginawa niya akong kabit. Nakakatawa," ang tumatawang bulalas ni Christian.
Mas matagal na iyong isang karelasyon ng girlfriend ni Christian kaya siya ang "kabit."
Paano niya nalamang kabit siya?
Tumatawang lahad ni Christian, "Na-wrong send siya. Ganda, di ba? Iba yung tawag niya sa akin, iba yung tinext niyang tawag."
Magkaibang terms of endearment ang tinutukoy ni Christian.
Tinapat daw ni Christian ang girlfriend niya noon.
"Oo, pag ganun kasi chill lang ako e. So, kinausap ko siya, sabi ko, ‘Ano ‘to?’ Tapos ayaw niyang umamin sa simula.
"Hanggang sa eventually umamin siya. Hindi niya kayang bitawan yung boyfriend niya na nauna sa akin dahil sinusustentuhan siya nun, e.
"Ito kasing girl na ‘to older than me."
Sa huli ay nakipaghiwalay daw ang di pinangalanang babae kay Christian, kahit na gusto pa sana ng binata na ipagpatuloy ang kanilang relasyon.
"Siya yung nakipag-break! Okay naman yun kasi I know she did the right thing.
"Kasi kung ako, baliw ako that time. So, parang, 'okay lang, okay lang kahit dito ako sa gilid.' Siya yung hindi pumayag."
Dalawang buwan lamang sila, pero dalawang taon daw bago naka-move on si Christian.
"Dun ko napatunayan na wala sa tagal yun. It’s how genuine and how pure the intention and the love was, so… totoo kasi, e."
Napatunayan niya na quality is not based on quantity?
"Oo, totoo kasi e, yung sa araw-araw namin nung two months na yun, totoo lahat, parang everything was magical."
Lahad pa ni Christian, "Ako pa naman relationship to marry ako, e. Hindi ako maloko.
"Ayun, dahil na rin siguro sa background ng family na kinalakihan ko, ayoko ng playtime.
“So, as much as possible, kung puwede na iyon na. E, kaso parang bumorder line sa katangahan, kaya yun."
Ipinaliwanag ni Christian na frustration niya ang pagkakaroon ng buong pamilya dahil sa maaga siya naulila sa ama.
"I grew up not having a father because I lost my dad when I was eight.
"So, parang gusto kong makabuo ng buo at masayang family sana. Ganun na yung thinking ko nung 18 pa lang ako.
"Ngayon, looking back, nakakatawa. Nakakatawa na lang. Well, dala ng kabataan siguro."
Read: Christian Bables open-minded sa same-sex relationship
SINGLE FOR TWO YEARS
Walang karelasyon si Christian ngayon.
Aniya, "Tagal na. Two years, three years, mga ganun.”
Wala rin daw siyang ka-fling.
Paano ang sex life niya?
"Nagsa-stock ako sa bahay ng tissue," hirit ni Christian, sabay sabi, "Loko lang!"
Sabay hirit uli, "Bawal mawala ang tissue sa bahay!"
Hindi ba siya nakikipag-one-night stand?
"As much as possible, hindi. Pero kapag siguro nandun sa moment, puwede, oo, pero as much as possible, hindi.”
Kailan ang huli niyang one-night stand?
"Naku! Ang tagal na, nakakahiya man, pero matagal na rin."
Kung two years na siyang walang karelasyon, two years na rin siyang walang sex life?
Sagot ni Christian: "Oo, kasi hindi ako nakikipag-one night stand."
ON BROKEN HEARTS TRIP
Napagkuwentuhan ang tungkol sa dating heartbreak ni Christian dahil bida siya sa Metro Manila Film Fest entry na Broken Hearts Trip.
Read: Broken Hearts Trip director, inalmahan ang isyung palakasan sa pagpasok nila sa MMFF 2023
"The movie is about healing a broken heart. So, it’s about brokenhearted individuals trying to find their own individual healing.
"So ayun, that’s what the movie is all about," saad ni Christian.
Ang gagampanan niyang karakter ay si Alfred, ang host sa isang reality show para mga brokenhearted.
"How close is Alfred to Christian Bables? Si Alfred and si Christian Bables ay pinipiling harapin ang pain kesa sa talikuran ito at magkunwa-kunwariang mag-move forward," paglalarawan pa ni Christian sa kanyang role.
Kasama ni Christian sa Broken Hearts Trip sina Teejay Marquez, Iyah Mina, Petite, Jay Gonzaga, Andoy Ranay, Marvin Yap, Ron Angeles, at Jaclyn Jose.
Sa direksyon ni Lemuel Lorca at sa produksyon ng BMC Films and Smart Films, iikutin ng Broken Hearts Trip ang magagandang lugar sa Pilipinas tulad ng Mt. Banahaw sa Lobo, Batangas; Kawasan Falls sa Cebu, Pagudpud, Ilocos Norte, at Magdalena, Laguna.
