PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gatchalian: No fake news will divide us

Sherwin Gatchalian calls Bianca Manalo controversy "fake news."
by Bernie V. Franco
Published Dec 23, 2023
Sherwin Gatchalian and Bianca Manalo
Senator Sherwin Gatchalian declares love for Bianca Manalo amidst the controversy linking her to her co-star Rob Gomez (not in photos).
PHOTO/S: Facebook (Bianca Manalo)

Naglabas na ng kanyang reaction si Senator Sherwin Gatchalian kaugnay ng isyung kinasasangkutan ng girlfriend, ang aktres na si Bianca Manalo.

Ito ay isang araw matapos niyang tumangging magbigay ng komento kaugnay ng kontrobersiyang sangkot ang girlfriend.

Read: Tatlong beauty queens idinawit sa kontrobersiya nina Rob Gomez at Shaila Rebortera

Ngayong umaga ng Sabado, December 23, 2023, ipinost ng senador ang Christmas gifts na natanggap niya mula sa kaibigang Sen. Sonny Angara at asawa nitong si Tootsy Angara.

Dalawa itong picture frames na naglalaman ng sweet photos nina Sherwin at Bianca.

Sa caption, iginiit ni Sherwin ang pagkakaroon ng magandang prinsipyo ni Bianca.

Binansagan din niyang “fake news” ang ibinibintang sa kasintahan.

Buong caption ni Sherwin: “What a beautiful Christmas gift from @tootsyangra and @sonnyangra. @biancamanalo and I share the same values and principles in life. No fake news will divide us apart.”

Ito na ang sagot sa mga nagtatanong kung ano ang mangyayari ngayon sa relasyon nina Sherwin at Bianca kasunod ng isyu ng huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-repost naman ni Bianca sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng IG post ni Sherwin.

Nagkomento rin ngayong umaga si Sherwin sa recent Instagram post ni Bianca na kasalukuyang nakabakasyon sa Japan.

Nag-post si Bianca ng kanyang larawan na may suot na ushanka hat o Russian hat at nasa Disneyland Japan ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkomento si Sherwin, “We bought that hat in Venice,” na may kasamang heart emoji.

Sherwin Gatchalian comment

Naglabas ng statement si Bianca nitong Huwebes, December 22 kaugnay ng isyu.

Read: Bianca Manalo breaks silence on leaked private conversation with Rob Gomez

Tahasan niyang itinanggi ang isyung iniuugnay siya kay Rob Gomez matapos lumabas ang screenshot ng kanyang private messages sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito ay lumabas din ang screenshots ng private conversation ni Rob kay Herlene Budol.

Sina Bianca, Rob, at Herlene ay co-stars sa now-defunct GMA teleseryeng Magandang Dilag.

BIANCA linked to rob gomez

December 19, 2023 nang kumalat sa social media ang screenshots ng private messages ni Rob at ni Herlene, gayundin ang private messages ni Bianca kay Rob.

Sa messages ni Bianca, matutukoy rito makikipagkita siya kay Rob ng 7:00 a.m, bago siya umalis ng 10:00 a.m.

Binigyan ng kulay ang mga mensahe ni Bianca na lihim na makikipagtagpo umano kay Rob.

Iginiit naman ni Bianca sa kanyang statement na edited ang ni-leak na screenshots para mag-iba ang konteksto.

Mahihinuha naman sa palitan ng mensahe nina Rob at Herlene na tila may namamagitan sa kanila.

Subalit itinanggi ni Herlene ito at sinabing ginagawan lamang sila ng isyu.

Read:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Sherwin Gatchalian declares love for Bianca Manalo amidst the controversy linking her to her co-star Rob Gomez (not in photos).
PHOTO/S: Facebook (Bianca Manalo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results