PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coleen Garcia's Step-Aunt Stabbing Suspect Charged

The suspect was arrested in Mandaluyong City.
by Jojo Gabinete
Published Dec 24, 2023
Art Tondo
Naaresto ang suspek na si Art Tondo isang araw matapos maiulat ang tungkol sa pagpaslang kay Canice Menica Seming. Si Seming ay kapatid ng stepmother ng aktres na si Coleen Garcia.
PHOTO/S: Sey Garcia / Coleen Garcia Facebook

Nadakip ng mga miyembro ng Eastern Police District si Art Tondo, ang pinaghihinalaang pumaslang kay Canice Minica Seming noong Disyembre 21, 2023, sa Antipolo City.

Read: Coleen Garcia reports sister of her stepmother was stabbed to death

Si Seming ang kapatid ni Sey Garcia, ang madrasta ng aktres na si Coleen Garcia.

Naaresto si Tondo ngayong Linggo, Disyembre 24, 2023, sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City, dahil nakilala siya ng mga pulis, base sa mga larawan niyang lumabas sa news report.

Kabilang si Coleen sa mga nanawagan para madakip agad ang suspek na dating nagtatrabaho bilang karpintero ng kanyang amang si Jose Garcia.

Natagpuan na tadtad ng saksak ang walang buhay na katawan ni Seming sa tahanan ng ama ni Coleen.

Si Tondo ang pangunahing suspek dahil nakapagpadala pa ang biktima ng text message sa kasintahan ng akusado para sabihin ang pagpunta nito sa bahay ng kanyang bayaw.

Pinaniniwalaan na si Seming ang napagbalingan ng galit ni Tondo dahil hindi nito matanggap na hihiwalayan na siya ng live-in partner na yaya ng mga anak ng ama at stepmother ni Coleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naninirahan si Seming sa ibang bansa at umuuwi lamang ng Pilipinas para ipagdiwang ang Pasko, pero sinawimpalad na madamay sa krimen na iniuugnay kay Tondo.

Si Sey ang naglabas sa Facebook page nito ngayong araw ng mugshot ni Tondo na nilagyan niya ng caption na "Maligayang PASKO!" dahil sa madaliang pagdakip ng mga pulis sa suspect sa pagpatay ng kanyang kapatid.

Gayunman, tiyak na malungkot ang kanilang Pasko dahil sa trahedya sa pamilya.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Coleen tungkol sa pagkakaaresto kay Tondo pero may panawagan ang kanyang ama isang araw bago nadakip ang salarin.

Mahigpit ang pakiusap ng ama ni Coleen na huwag nang padalhan ng mga video o impormasyon ang kanyang asawa tungkol sa pagpatay sa nakababatang kapatid nito dahil lalong nadaragdagan ang sakit na nararamdaman ni Sey.

Aniya, "I ask all, due to the tragic outcome of what happened to the family of my wife, pls. keep it to yourselves as my wife is still dealing with the loss of her younger sister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pls. do not pass videos or information that she may read about. She is in pain. I ask this pls. Thank you."

Read more stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naaresto ang suspek na si Art Tondo isang araw matapos maiulat ang tungkol sa pagpaslang kay Canice Menica Seming. Si Seming ay kapatid ng stepmother ng aktres na si Coleen Garcia.
PHOTO/S: Sey Garcia / Coleen Garcia Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results