Cesar Montano finally speaks up about rift between wife Sunshine and sister Ched

by Julie E. Bonifacio
Jun 7, 2008
"All ugly things said against my wife are not true, same with my sister Chedi. they both don't deserve to be treated that way just because of grudges, personal differences. Kawawa ang mga walang kinalaman, especially their children," says Cesar Montano about the ongoing rift between wife Sunshine Cruz and sister Ched Manhilot.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Cesar Montano na si Norma Japitana sa concert ng isa pa niyang talent na si Rico J. Puno sa Metro Bar last Thursday, June 5. Wala raw kamalay-malay ang talent manager na nagpa-interview ang misis ni Cesar na si Sunshine Cruz tungkol sa alitan nila ng kapatid ng aktor na si Mercedes "Ched" Manhilot.

Hindi rin daw aware si Norma sa sinasabi ni Sunshine na may mga paninirang ginagawa sa kanya ni Ched na naka-base sa Italy. Ang ikinagulat pa ng manager ni Cesar ay pati panganay na anak na babae ng aktor na si Angela ay nadawit pa sa isyu nina Sunshine at Ched.

Nakausap na raw ni Norma sa telepono si Cesar noong Huwebes din. Agad daw niyang tinawagan si Cesar nang may magpaalam upang kunin ang reaksiyon ng aktor sa mga sinabi ng kanyang asawa. Pero ayaw na raw patulan ni Cesar ang mga nilabas ni Sunshine sa press.

Continue reading below ↓

Ang nasabi lang daw ng aktor sa kanyang manager ay baka naghahanap lang daw ng makakaaway si Sunshine kaya hayaan na lang daw.

Nalilito Norma sa mga inilabas ni Sunshine dahil kamakailan lang ay madalas manood ng sine sina Cesar at Sunshine. May balita pa na sa bagong bahay nila ni Cesar sa Tivoli umuuuwi si Sunshine upang dito sila ulit magsimula ng kanyang mister at ang kanilang tatlong anak.

"Hindi ko nga maintinidihan, e. Dati rin may nilabas na Marianna [del Rio] issue, pero hindi rin napatunayan na totoo. Ngayon, ‘eto naman. Hindi alam ng press ‘yan, e. Baka siya ang nagkuwekuwento," lahad ng manager ni Cesar.

Samantala, sa Startalk kaninang hapon, June 7, ay nagbigay na ng opisyal na pahayag si Cesar bilang reaksiyon sa mga interview ni Sunshine at sa official statement na inilabas ng abogado ng aktres na si Atty. Bonifacio Alentajan.

Binasa ng Startalk co-host na si Joey de Leon ang sumusunod na statement ni Cesar:

Continue reading below ↓

"All ugly things said against my wife are not true, same with my sister Chedi. they both don't deserve to be treated that way just because of grudges, personal differences. Kawawa ang mga walang kinalaman, especially their children.

"They are both mature and adult citizens of this world. Shine and Ched must have known their own responsibilities to themselves—family, country, and God.

"From day one, I told them to stop destroying one another by saying harsh things. It can still be resolved. It's sad they declined.

"I love them with all my heart. Nothing can change. I pray that you soon realize you are destroying our family and your kids are part of it."

With additional report by Erwin Santiago

Read Next
Read More Stories About
Cesar Montano, Sunshine Cruz
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"All ugly things said against my wife are not true, same with my sister Chedi. they both don't deserve to be treated that way just because of grudges, personal differences. Kawawa ang mga walang kinalaman, especially their children," says Cesar Montano about the ongoing rift between wife Sunshine Cruz and sister Ched Manhilot.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results