PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jay-R Siaboc still undecided about how to spend PDA cash prize

The Pinoy Dream Academy 1st runner-up recalls the hardships in his quest for stardom
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 8, 2007
Jay-R Siaboc still does not know the best thing to do with his Pinoy Dream Academy cash prize


Nakakatuwa naman ang Cebuano singer na si Jay-R Siaboc dahil hindi pa raw niya nagagalaw ang kanyang napanalunang P500,000 bilang first 1st runner-up kay Yeng Constantino sa Pinoy Dream Academy (PDA).

Ayon kay Jay-R, nasa kanya pa raw ang tseke niya at hindi pa niya ito nade-deposit sa bangko. Pinag-iisipan pa raw kasi niya kung ano ang gagawin niya sa kanyang napanalunan.

Ito ang pahayag ni Jay-R sa pictorial ng isang print ad sa DPI Studio sa Astoria Plaza Hotel, Escriva Drive, Ortigas Center, Pasig City, noong January 5. Kasama niya rito ang mga co-scholars niya na sina Yeng, Ronnie Liang, Irish Fullerton, Panky Trinidad, at Chad Peralta.



Parang pelikula ang kuwento ng buhay ni Jay-R dahil galing ito sa mahirap na pamilya sa Toledo City, Cebu. May pagkakataon nga raw na nagkasakit siya minsan at hindi sila makabili ng gamot dahil wala silang pera. Nagtiis na lang daw si Jay-R sa anumang ibigay sa kanya para gumaling at sinabayan niya ito ng dasal. Sa awa naman daw ng Diyos ay gumaling siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Ngayon ay wala na silang problema sa pera. Ang kinikita ni Jay-R sa ASAP—kung saan regular na siyang napapanood—at sa banda niyang Scrambled Eggs ang siyang ginagamit niyang panggastos at ipinapadala niya sa pamilya niya sa Cebu.

Si Jay-R pala ang bunso sa limang magkakapatid, pero siya ang kumikita ng malaki ngayon.



"Noon pinangarap ko lang lahat ito. Simple lang ang gusto ko noon. Yung makatugtog sa banda at kumita para sa pamilya ko," kuwento ng singer.

"Sa Tito ko pa ako nakikitira noon dito sa Manila para lang matuto akong tumugtog sa banda. Pa-extra-extra lang ako noon. Kaya malaki ang utang na loob ko sa tiyuhin ko. Ngayon, puwede na akong tumulong sa kanya," dagdag pa niya.



Natutuwa nga si Jay-R dahil kinuha ang PDA Top 6 para mag-endorse ng isang clothing brand. Magkakaroon din daw sila ng malaking billboard sa EDSA.

May World Tour din silang anim kaya sobra-sobra raw ang suwerteng dumating sa kanya kahit na hindi siya ang naging grand champion ng PDA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jay-R Siaboc still does not know the best thing to do with his Pinoy Dream Academy cash prize
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results