Limang pasahero ang nasugatan matapos umiwas ang sinasakyan nilang bus na mabangga ang iang police car biglang pumasok sa EDSA Busway bandang hapon ng December 27, 2023.
Sa inilabas na dashcam footage ng Department of Transportation (DOTr) noong December 28, makikita ang bus na binabaybay ang designated lane para sa southbound route nang biglang pumasok sa linya ang isang police car mula sa regular EDSA lane.
Read: Disenyo ng Russian-made electric car prototype, naging katatawanan sa Internet

Read: Islander Factory Outlet in Cebu closing down on New Year's Day
Umiwas ang driver ng bus sa police car kaya sumalpok ito sa MRT-3 railing malapit sa Santolan station.
Ayon sa report, limang pasahero ang nagtamo ng galos, bukol, at matinding pagkahilo.
Agad silang nirespondehan ng ambulansiya mula sa Quezon City local government unit, at isinugod sa Quirino Memorial Medical Center.
Agad din silang nakalabas matapos lapatan ng pangunang lunas.
Read: Lalaking hindi nasarapan sa ulam na nilagang baboy, sinunog ang kanyang bahay
Dahil sa aksidente, nagpaalala ang DOTr sa mga authorized vehicle na papasok sa loob ng EDSA Busway na maging maingat dahil prayoridad pa rin ang kaligtasan ng mga pasahero ng mga bus na dumaraan dito sa lahat ng oras.
Ayon sa DOTr, ang pinapayagan lang na gumamit ng exclusive bus lane ay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board-authorized buses, on-duty ambulances, fire trucks, police vehicles, service vehicles na nagbabantay sa Edsa Busway Project, at convoys ng President, Vice President, Senate President, House Speaker at ng Supreme Court Chief Justice.
Read: Bomba na dekorasyon sa isang garden, may light charge pa pala
