PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Missing-in-action "Starstruck" hopeful Kirby de Jesus resurfaces in "Paupahan"

Kirby has made peace with the person he charged with a harassment case.
by Cesar Pambid
Published Jun 8, 2008
"Sigurado naman po ako sa pagkalalaki ko, at sa tingin ko hindi naman po makaaapekto ito sa gender ko. Trabaho lang sa akin ang maging bading," says Kirby de Jesus about playing gay roles.

Halata kay Kirby de Jesus na may malaking panghihinayang siya sa hindi niya pagtatagumpay mula sa kanyang naging stint noon sa Starstruck 2 ng GMA-7.

Alam kasi ni Kirby na isa siya sa mga outstanding sa kanyang batch, judging sa naging suporta sa kanya ng GMA-7 at fans niya sa mga panahong 'yon. Pero tanggap naman daw niyang hindi pa niya panahon kaya tila napag-iwanan siya ng mga kasamahan niya sa naturang star search.

"Gano'n po siguro, baka destiny ko. Baka talagang hindi para sa akin yun," malungkot na sabi pa ni Kirby sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Siguro po, darating din yung panahon ko. Bata pa naman po ako, marami pang tsansa. Ang masasabi ko lang po ngayon, nandito po ako, marami pa rin namang tumutulong sa akin. Dahan-dahan po, baka naman maabot ko pa yung ambisyon ko."

THE HARASSMENT CASE. Pagkatapos kasi ng isang kontrobersyal na harassment case na isinampa niya sa isang taong dating malapit sa kanya, kapansin-pansing tumamlay na ang kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maimpluwensiya kasi siya. Alam ko naman po yun, talagang kaya nilang palubugin ang career ko. Tingin ko na po, ganyan ang nangyari, pero ewan ko rin. Hangga't maaari, ayaw ko na sanang pag-usapan yun, kinalimutan ko na, nakipag-ayos na ako sa kanya dati, kaya ‘wag na lang po yun," pakiusap ni Kirby.

Wala naman daw pagsisisi sa kontrobersyang kinasangkutan niya.

"Ginawa ko lang po ang nararapat para maprotektahan ang sarili ko. Kung naging kabayaran ang career ko, okey lang po, tanggap ko. Hindi ako nagsisisi at binigyan ko ng proteksyon ang sarili ko."

VISIBLE AND GAY. Isa si Kirby sa mga artistang tampok ngayon sa Paupahan ng ATD Films. Very challenging ang role niya rito bilang isang gay teenager na maraming hangups sa buhay at kung sakali, baka naman makatulong ang movie na ito para muli siyang mapansin.

Visible na nga siyang muli. Muli na rin siyang pinapansin ng mga taong nag-aakala noon na hindi na siya mag-aartsita.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Akala po talaga nila, tumigil na ako. Kapag nakikita ko yung mga dating caster at mga director, sinasabi nila na hinahanap nila ako pero wala raw silang balita. Buong akala nila talaga, tumigil ako. Pero hindi naman po ako nawala. Meron naman po akong mga raket. Sadya lang po sigurong hindi sapat para nga maging visible ako."

Sunud-sunod na gay roles naman ang ginawa niya. Ngayon nga, bading ulit ang role niya sa Paupahan. Yung huli niya sa GMA-7, sa I Love New York, bading din siya.

Meron pa raw siyang offer ngayon na gay rin ang role niya. Hindi kaya mag-reflect na iyon sa kanyang pagkatao o kaya ma-typecast siya sa ganoong roles?

"Hindi naman po, trabaho lang ‘yan. Sa ngayon, kailangan kong gawin ang mga inilalapit na trabaho sa akin. Kailangan ko po talaga, sayang naman. Sigurado naman po ako sa pagkalalaki ko, at sa tingin ko hindi naman po makaaapekto ito sa gender ko. Trabaho lang sa akin ang maging bading," napapatawang sabi pa ni Kirby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sigurado naman po ako sa pagkalalaki ko, at sa tingin ko hindi naman po makaaapekto ito sa gender ko. Trabaho lang sa akin ang maging bading," says Kirby de Jesus about playing gay roles.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results