May pasabog si Alexis Suapengco, isang yoga teacher at model.
Inilantad niyang siya umano ang ina ng baby ni Diego Loyzaga na si Hailey.
Read: Cesar Montano reveals name of Diego Loyzaga's baby daughter
Sa Instagram story ni Alexis, na naka-tag pa ang aktor at kumakalat ngayon sa social media, sinabi nitong pinalayas siya at ang kanyang baby ni Diego sa bahay ng aktor.
Ipinahiwatig din ni Alexis na may bago nang girlfriend ang 28-anyos na aktor.
Read: Diego Loyzaga does not want daughter Hailey to experience what he went through as a child
Aniya sa caption (published as is): “So my baby Daddy @diegoloyzaga decided to kick me out and his baby out of his house so this girl can come over.”
Naglagay rin siya ng screenshot ng IG account ng “girl” na nagngangalan umanong "Cecile Mendoza."
Read: Diego Loyzaga hints at being dad to baby girl; netizens ask: "Who's the mother?"
Bukod dito ay nag-post din si Alexis ng Instagram reels ng video ng aktor na kuha sa interview niya kay Alex Gonzaga.
Makahulugang caption ni Alexis dito, “Love the way you lie tho
“Yes he's aware now but never sober.”
Sa interview ni Diego na lumabas sa YouTube channel ni Toni noong nakaraang linggo, inamin nitong pumasok siya sa rehab sa loob ng 14 buwan noong 2018 dahil sa kanyang "psychological way of thinking," "suicidal" thoughts, and "substances I was taking."
Pero nalampasan na raw niya ito lahat.
Read: Diego Loyzaga in attempted suicide? Actor's camp neither confirms nor denies


Read: Diego Loyzaga speaks about relationship with mother of his baby
Ayon pa kay Alexis, nagbanta rin umano si Diego na hindi na nito susustentuhan ang kanilang anak kung hindi niya buburahin ang kanyang IG stories.
Read: Diego Loyzaga, madalas napupuyat dahil sa newborn baby?
“@diegoloyzaga said if I don’t take down the post, he won’t provide for my daughter daw.
“ok boy bye.”
Read: Diego Loyzaga posts another picture with his baby; netizen claims baby's mom is a yoga instructor

Read: Diego Loyzaga speaks about blended family with dad Cesar Montano
Sa isa pang larawang ibinahagi ni Alexis ay makikita namang magkasama ang dalawa noong 30th birthday ni Alexis.
Noong 2023 ay ipinagtapat ni Diego sa publiko na isa na siyang ama, ngunit hindi siya nagbigay ng pagkakakilanlan kung sino ang ina ng kanyang anak.
Wala pang pahayag si Diego ukol sa mga ibinunyag ni Alexis.
Read: Teresa Loyzaga, SINABIHAN si Diego Loyzaga tungkol sa BABAENG IIBIGIN
