Isa si Melai Cantiveros sa mga bisita sa kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda noong Sabado, January 6, 2024.
Ginanap ang kasal sa Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Brgy. Poblacion, Pulilan, Bulacan.
Read: Robi Domingo marries long-time girlfriend Maiqui Pineda
Sa kanyang Instagram kahapon, January 7, nagbahagi si Melai ng ilang larawan niya at ng newlyweds.
Sabay nito ang kanyang napakahabang mensahe na habang binabasa ay mai-imagine ng sinumang nagbabasa na si Melai talaga ang nagsasalita.
Saad niya (published as is), "Congratulations and Best Wishes to the Couple of the hour, if u question what hour, well dont mind it cause i dont have a mind, Char lang,
"congrats tlaga Robi "d" sa gabi and Maiqui ganda dahil itu na kayu sa next chapter ng inyung life,
"ang hirap ng pinagdaanan ninyu, mu @iamrobidomingo kita ko nagpapakenkoy ka kay maiqui, pinapakita mu na masaya ka kahit deep in side in pain, and dun kami bumilib sayu mga kaibigan mu, and Now ...
"grabe sobrang ganda ng wedding nyu and ang sayaaaaa ng wedding very smoooooth sa sobrang smooth sumubra na sa "o" ang smooth ko, dahil ang saya lang. full of love and wedding and reception.
"Muntik mn ako di maka attend but big shoout out to Papang na nagpaubaya for the special event of urs , sabi nya di pwede walang maka attend sa amin kahit isa on u very special event of ur life.
"Congrats once again Robi "D and @maiqweeks more Babies to come sa inyu [emojis]
"narealize ko ako pala yung bisita na di muna iinvite sa susunod na event kasi ang Ingay at mukhang mag tatake out pa ng handaan [emojis]
"sorry na sa ingay ko guys haaa peace [emojis]"
View this post on Instagram
Sa isang pciture, kung saan katabi ni Melai sina Robi at Maiqui, napansin ng netizens na ang kaliwang kamay ni Melai ay may hawak na dalawang wine glasses.

Tanong tuloy ni Luis Manzano sa kanya, "Melai, tanong lang po, bakit dalawa dalawa hawak mo? Sana dispenser nalang dala mo ma’m"
Tugon sa kanya ng comedienne, "@luckymanzano hahahahhahahahaha kuya luuuuuu kay Mam @applesegubience yan nakakagil dn tu si Mam Apple"

Sinegundahan si Luis ng isa pang netizen.
Aniya, "Momshie talented ka talaga. Kaya mong pagsabayin ang dalawang wine glass in one hand. #SuperMelai"

Read: Gretchen Ho happy for ex-boyfriend Robi Domingo's wedding to Maiqui Pineda
