Sa wakas ay nakapagpa-picture na ang social media star at influencer na si Inah Evans — na ngayon ay kilala na rin bilang si Atedick — sa kanyang idolong si James Reid.
Ibig sabihin nito ay lumipas na ang dating isyu sa pagitan ni Inah at ng kanyang idolo.
Sa Instagram ngayong araw ng Lunes, January 8, 2024, nag-upload si Inah sa kanyang Instagram ng picture nila ni James.
Sabi niya sa caption: “Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. After 10 years, may picture na kami ni James Reid. Thank you @james”
View this post on Instagram
Ayon sa mga nagkomento, “the world is healing” na talaga.
Base ito sa kinasangkutang isyu nina Inah at James ilang taon na ang nakalilipas.

THE 2015 CONTROVERSY
Noong November 2015, pinag-uusapan nang husto ang post ni Inah sa Facebook tungkol diumano sa pagtanggi ni James na magpakuha ng picture sa kanya.
Nagbigay rin siya ng pahiwatig na naghaharutan sina James at Julia Barretto, na katabi raw nito sa isang restaurant kasama ang ABS-CBN talent na si Patrick Sugui (PBB Teen Clash of 2010)
Noong panahong yun, kasikatan ng teleseryeng On the Wings of Love ni James at dating real-reel love team nitong si Nadine Lustre.
Litanya ni Inah sa kanyang post: “Ang yabang lang. Presko ba. Kasi nga famous.
"And the fact that he's so occupied kissing and flirting Julia Barretto that time.
“Yes, maybe that's why. Kulang na lang kasi magsex sila sa harapan namin hahahahaha. Real talk Bruh.
“Ayaw ko na kay James. Hmmmp.”
Read: James Reid allegedly seen romancing Julia Barretto in a restaurant; fan gets wildly bashed
Matagal nang nali-link si James kay Julia noong panahong iyon.
Hulyo 2015, may kumalat na balitang nag-coffee date daw ang dalawa ngunit itinanggi ito nina James at Julia.
Read: James Reid denies coffee date with Julia Barretto
Makalipas ang lang araw, nagsalita si James kaugnay ng alegasyon ng isang fan na nakita diumano siyang "nakikipagromansahan" kay Julia sa isang resto-bar.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, na ipinost noong November 27, 2015, mariing pinabulaanan ni James ang naturang paratang.
Pahayag ng aktor: "Give me a break. Does anyone really think I would have sex in a bar/public place... Stupid. If everyone wasn't so gullible I wouldn't even have to be explaining my private life right now.
"Cut the bullshit. Stop the hate."
Read: James Reid breaks silence on allegedly being seen romancing Julia Barretto in a resto-bar
