PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Driver of prime suspect in Catherine Camilon case surrenders

Allan De Castr no show at Catherine Camilon case preliminary investigation.
by Arniel C. Serato
Published Jan 9, 2024
Second suspect in Catherine Camilon disappearance surrenders to police
Jeffrey Magpantay (not in photo), the driver-bodyguard of Major Allan de Castro (right), prime suspect in Catherine Camilon (left) disappearance case, surrenders to Balayan, Batangas Police earlier today, January 9, 2024.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Sumuko sa Balayan, Batangas Police Office ang driver at bodyguard ng prime suspect sa Catherine Camilon disappearance case.

Read: Who is Catherine Camilon?

Ayon sa ulat ng TV Patrol ngayong Martes ng gabi, January 9, 2024, sumuko sa Balayan Police si Jeffrey Magpantay, ang diver-bodyguard ng prime suspect sa kaso na si Major Allan De Castro.

Sina De Castro at Magpantay ang mga pangunahing suspek sa pagkawala ng beauty queen.

Si Magpantay ang itinuturo ng dalawang saksi na nanutok ng baril sa kanila nang makita nilang inililipat ng tatlong lalaki sa isang pulang SUV ang duguang babaeng pinaniniwalaang si Catherine.

Read: Kidnapping, illegal detention filed vs four suspects in Catherine Camilon disappearance

Sabi ni Police Major Domingo Ballesteros, Chief of Police ng Balayan, Batangas, gusto raw ni Magpantay na sa kanilang presinto muna ito manatili.

Mas komportable daw si Magpantay na manatili sa istasyon ng pulisya sa Balayan dahil malapit ito sa kanyang mga kamag-anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Ballesteros, "Gusto po niya dito mag-stay si Jeffrey Magpantay.

"Kung ano po yung legal process na gumugulong ay magiging readily available po siya sa course of the procedure po ng legal case po niya."

Hindi nagpakita at nagpaunlak ng panayam si Magpantay sa media.

Namataan namang dumating sa istasyon ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Nilinaw ng pulisya na hindi nakakulong si Magpantay dahil wala pang kasong naisasampa laban dito.

Read: Prime suspect in Catherine Camilon disappearance admits "illicit relationship" with beauty queen; invokes right to remain silent

Samantala, sa ginanap na pangalawang pagdinig sa kaso ni Catherine ngayong araw rin, hindi nakasipot si De Castro sa Batangas City Hall of Justice.

Mayroon daw itong sakit.

Read: Report: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon seen bloodied by two witnesses

Dumating ang mga kamag-anak ni Catherine at ikinatuwa ang paglutang ni Magpantay.

Pahayag ng ina ng beauty queen na si Rose Camilon, "Nagkakaroon ako ng pag-asa kahit na nga ika nandudoon ang takot ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero alam kong unti-unti ko nang malalaman kung nasan ang aking anak.

"Kahit nandoon ang takot, alam kong magkakaroon ng linaw.

"Yung pakiramdam ba na, pero sana, sana ligtas siya.

"Sana wala silang ginawang kahit anong masama sa aking anak."

Sa January 12, 2024, tatlong buwan na mula nang hindi na magparamdam si Catherine sa kanyang mga kaanak.

Sa darating na January 17 gaganapin ang third preliminary investigation sa kaso.

Read: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon "missing" according to mom, sister

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeffrey Magpantay (not in photo), the driver-bodyguard of Major Allan de Castro (right), prime suspect in Catherine Camilon (left) disappearance case, surrenders to Balayan, Batangas Police earlier today, January 9, 2024.
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results