PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Suspect in Camilon Case Mum to Media Queries

January 12, 2024 marks third month of Catherine Camilon's disappearance.
by Arniel C. Serato
Published Jan 11, 2024
Other suspect in Catherine Camilon case talks to CIDG officers
The other suspect in Catherine Camilon (left) disappearance case, Jeffrey Magpantay (right), invokes right to remain silent.
PHOTO/S: Courtesy: TV Patrol on YouTube / Facebook

Humarap sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Region 4A si Jeffrey Magpantay, isa sa pangunahing suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon.

Read: Who is Catherine Camilon?

Ayon sa exclusive report ng TV Patrol ng ABS-CBN news kagabi, January 10, 2024, ito ay para raw kumpirmahin ang ilang personal na detalye tungkol sa suspek.

Si Magpantay ang personal driver at bodyguard ni Police Major Allan De Castro, na prime suspect sa pagkawala ng Miss Grand Philippines 2023 candidate at Grade 9 teacher.

Read: Prime suspect in Catherine Camilon disappearance admits "illicit relationship" with beauty queen; invokes right to remain silent

Si Magpantay ang itinuro ng dalawang testigong nanutok umano ng baril sa kanila nang makita nilang inilipat ng tatlong lalaki sa isang pulang SUV ang isang duguang babae na pinaghihinalaang si Catherine.

Read: Report: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon seen bloodied by two witnesses

Ayon pa sa ulat, mahigpit na pinagbilinan si Magpantay ng kanyang abogado na huwag sagutin ang anumang katanungang may kaugnayan sa kinahaharap nitong reklamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan ng ABS-CBN News reporter na si Jeff Caparas na hingan ng pahayag si Magpantay kung bakit nais nitong manatili sa kustodiya ng Balayan Municipal Police Station.

Pero hindi ito sumagot.

Ayon naman kay Police Major Domingo Ballesteros, Chief of Police ng Balayan, Batangas, "Kahapon po kasi pumunta sila dito, kinuha po nila yung personal record ni Jeffrey Magpantay.

"So, after po noon, meron pa rin po silang hindi po clear sa kanila yung data na nakuha nila.

"So bumalik po sila para i-clarify po yung mga data po na nakuha nila kagabi."

Sumuko si Magpantay noong Martes, January 9, kasabay ng pangalawang preliminary investigation ng kaso ng pagkawala ni Catherine sa Batangas City Hall of Justice.

Read: Driver-bodyguard of prime suspect in Catherine Camilon case surrenders

Pahayag ni Ballesteros, "Since po wala pa rin lumalabas na warrant of arrest kasi ongoing pa rin ang preliminary investigation sa case na hinaharap ngayon, hindi po namin siya mai-treat as criminal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung detention po, hindi rin po namin siya puwedeng isama sa detention facilities ng Balayan Municipal Police Station.

"So, nag-i-stay po siya sa isang room na in-allot po namin sa kanya.

"Diyan po minu-monitor naman po, sinu-supervise naman po ng PNP personnel po namin para po ma-ensure din po yung safety po ni Mr. Jeffrey Magpantay."

Wala naman daw nabanggit na banta sa buhay ni Magpantay.

Saad ni Ballesteros, "Wala naman po siyang nabanggit, Sir.

"More on personal preference niya dito since yung family niya nga po ay dito po nag-i-stay. Malapit po kasi."

Tikom pa rin ang bibiig ni Magpantay kung may kinalaman ba siya sa pagkawala ng beauty queen.

Bukas, January, 12, 2024, talong buwan na mula nang mawalan ng komunikasyon sa kanyang mga kamag-anak si Catherine.

Read: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon "missing" according to mom, sister

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The other suspect in Catherine Camilon (left) disappearance case, Jeffrey Magpantay (right), invokes right to remain silent.
PHOTO/S: Courtesy: TV Patrol on YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results