PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cedrick Juan eyes Kathryn Bernardo collab?

Did you know that Cedrick Juan did 13 films prior to GomBurZa?
by Julie E. Bonifacio
Published Jan 12, 2024
Cedrick Juan and Kathryn Bernardo
Cedrick Juan open to possibility of working with Kathryn Bernardo in the future: "I watched A Very Good Girl. Sobrang galing nila ni Tita Dolly De Leon. Yeah, kung magkakaroon ng pagkakataon, why not? And of course, yung mga senior actors din natin and baguhan nating actors na alam ko na nagtatrabaho talaga at binibigay ang lahat."
PHOTO/S: @cedrickgjuan / @bernardokath Instagram

Itinuring na big winner si Cedrick Juan sa Gabi ng Parangal ng 2023 Metro Manila Film Festival pagkatapos niyang masungkit ang Best Actor award.

Tinalo ni Cedrick sina Alden Richards (A Family Of Two), Piolo Pascual (Mallari), Dingdong Dantes (Rewind), Derek Ramsay ((K)ampon), at Christopher de Leon (When I Met You In Tokyo) sa Best Actor category.

Nanalo si Cedrick dahil sa kanyang pagganap bilang si Jose Burgos sa GomBurZa, mula sa direksyon ni Pepe Diokno, na nanalo namang Best Director.

Read: Vilma Santos, Cedrick Juan, Firefly, Gomburza win big at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal

Sa pagkakapanalo ni Cedrick, tiyak na dadagsa ang offers sa kanya sa TV at pelikula.

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa mga susunod na proyekto, hindi pa agad nakasagot si Cedrick.

"I’m really bad with names," pag-amin niya.

Sabay sabi rin niya, "Gusto kong makatrabaho yung mga aktor na kilala ko at alam ko na yung work ethics nila nandiyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, naniniwala kami na maraming magaling na aktor pero hindi lahat nagkakaroon ng magandang relation sa mga staff and crew natin."

Sa young generation, isa si Kathryn Bernardo sa mga nais ni Cedrick na makasama sa proyekto.

"Ay, yeah," bulalas niya nang tanungin kung gusto niya si Kathryn makatrabaho.

"Kasi last time I watched A Very Good Girl. Sobrang galing nila ni Tita Dolly De Leon.

"Yeah, kung magkakaroon ng pagkakataon, why not?

"And of course, yung mga senior actors din natin and baguhan nating actors na alam ko na nagtatrabaho talaga at binibigay ang lahat.

"And at the same time, nandoon yung magandang relationship sa mga katrabaho namin on and off cam.”

Nabanggit din ni Cedrick na idolo niya si Eddie Garcia.

"So, eto nga, e. Sayang nga wala na si Tito Eddie Garcia ngayon. Si Tito Eddie isa siya sa pinakagusto kong makatrabaho. Pero nakasama ko siya sa Khalel 15."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng GomBurZa, anong klaseng proyekto ang gustong gawin ni Cedrick?

Sagot niya, "Marami pa akong hindi nagagawa. Actually, ang weakness ko comedy. Hindi pa ako nakakagawa ng comedy. Horror, hindi pa ata ako nakakagawa ng horror.

"Depende siguro kung ano ang mabibigay ng mga productions na sobrang challenging na makakatulong sa nation building din."

Ayon pa kay Cedrick, freelance actor siya ngayon.

Ngayong 2024, kabilang siya sa isang series na hindi pa raw niya maidetalye kung ano.

"Movie? Wala pa po. Series po muna sa ngayon. Tingnan po muna natin kung ano ang papasok. Kasi sobrang nakakagulat pa po ang lahat," saad ni Cedrick.

Hindi na kaya siya tatanggap ng supporting roles pagkatapos manalo ng Best Actor award?

Sagot ni Cedrick, "Uh, no, no. Para po sa akin, I’ve doing supporting roles for the past ten years, and it doesn’t matter to me.

"Kasi po, isa po ulit na kasabihan namin sa theater na, there are no small roles, only small actors.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, kung ano ang nandiyan, as long as nabibigay yung justice and everything."

Tinanong din si Cedrick kung willing pa rin siya gumawa ng sexy roles tulad ng Viva Movies na pinagbidahan niya, ang Two And One.

Bulalas niya, "Oh, my god! Let’s see about the script. I always wanna work with the script first before accepting a role."

Nakapanayam si Cedrick sa Gabi Ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2023, na ginanap sa New Frontier Theater noong December 27, 2023.

Read: Cedrick Juan still willing to do theater, nude scenes after winning MMFF 2023 best actor

ON BESTING BIG ACTORS AT MMFF 2023

Napakamot sa likod ng ulo si Cedrick nang tanungin kung ano ang naramdaman niya beating his fellow nominees na mga sikat at mahuhusay na aktor.

Lahad niya: "Yeah, alam mo sobrang overwhelming. Isipin mo, maisama ka sa line-up ni Mr. Piolo, Mr. Christopher, ni Derek Ramsay, Dingdong Dantes—na alam natin na mga pillars na ng Philippine entertainment industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And through the years of experience, grabe na ang maturity nila. As you can see kanina, grabe ang stuttering ko, grabeng iyak ko.

"As much as possible I wanna compose myself. Pero yun nga, nakalimutan ko pang pasalamatan lahat ng gusto kong pasalamatan.

"Overwhelming siya, kasi at least, naramdaman ko na isa siyang appreciation, recognition and affirmation sa sampung taon na ipinaglaban ko yung pagmamahal ko sa pag-arte, paglikha at pagtatrabaho ko bilang isang artist ng Pilipinas."

Aminadong hindi kilalang artista, nagpakilala pa si Cedrick sa panimula ng kanyang acceptance speech.

Ang Star For All Seasons na si Vilma Santos ang nanalong Best Actress sa MMFF para sa pelikulang When I Met You in Tokyo.

Kaya lubos ang saya ni Cedrick na ito ang kasabay niyang nakasungkit na pinakaaasam na acting award sa festival.

"Grabe, grabe! Kung may pakpak lang ako lumilipad na ako. Hahaha!

"Siguro, minsan may pangarap na makikinig ang Diyos, makikinig ang universe, as long as binibigay mo ang puso mo, ang trabaho mo, and at the same time, hindi mo lang siya ginagawa para sa sarili mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro, [para] talaga sa mga nangangarap."

DREAM COME TRUE

Proud si Cedrick na bumida siya sa GomBurZa.

Review: GomBurZa as OG of Pinoy pride and identity

"Dahil eto talagang pelikulang GomBurZa ay hindi lang ‘to kwento ng tatlong pari, kundi kwento nating mga Pilipino.

"Deserved ng mga Pilipino na mapanood ito."

Tinanghal na Second Best Picture ang GomBurZa, at ang nagkamit ng First Best Picture ay Firefly.

Sabi naman ni Cedrick: “Sobrang laking bagay na noon kasi lahat ng sampung pelikula sobrang ang gaganda. Nagka-cater ng bawat tradisyon, ng culture nating mga Pilipino.

"Yung second best picture, dream na rin halos lahat ng mga pelikula. Kasi hindi lahat nabibigyan ng ganoong opportunity.

"So, sobrang pasasalamat. For sure, the whole cast and Pepe, e, thankful na doon sa recognition na second best picture kasi hindi rin namin ine-expect yung mga bagay-bagay talaga.”

Ang iba pang hinakot na awards ng GomBurZa ay ang Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award, Best Cinematography, Best Production Design, at Best Sound.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vilma Santos, may nakalinyang pelikula ngayong 2024; may payo kay Cedrick Juan

WHO IS CEDRICK JUAN?

Paul Cedrick Gutierrez Juan ang kumpletong pangalan niya. Ipinanganak siya sa Santa Maria, Bulacan, Philippines.

Mayroon siyang Bachelor of Arts degree in Mass Communication mula sa Far Eastern University sa Manila.

Bukod sa GomBurZa, nagbida na rin si Cedrick sa Two And One (2022) at may unreleased film na Gitarista.

Napanood din siya sa mga pelikulang Die Beautiful (2016); Oro (2016); Bliss (2017), The Panti Sisters (2019); Utopia (2019); Kalel, 15 (2019); Big Night! (2021); at Huling Palabas sa Cinemalaya 2023.

Nakasama rin siya sa Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa (2011); Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend (2016); Last Night (2016); Dapol Tan Payawar Na Tayug 1931 (2017); at Goyo, Ang Batang Heneral (2018).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cedrick Juan open to possibility of working with Kathryn Bernardo in the future: "I watched A Very Good Girl. Sobrang galing nila ni Tita Dolly De Leon. Yeah, kung magkakaroon ng pagkakataon, why not? And of course, yung mga senior actors din natin and baguhan nating actors na alam ko na nagtatrabaho talaga at binibigay ang lahat."
PHOTO/S: @cedrickgjuan / @bernardokath Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results