Bago matapos ang 2023, isa sa mga nabalitang hiwalay na rin ay ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones.
Read: Jericho Rosales reacts to rumor that he and Kim Jones broke up
Matagal nang usap-usapan na hiwalay na ang dalawa, pero mas lalo itong umingay nang dahil sa blind item ng entertainment columnist-manager-vlogger na si Ogie Diaz.
Ayon sa blind item ni Ogie, hiwalay na ang isang sikat na aktor sa magandang misis nito at inaayos na ang kanilang annulment. Pero sa kabila raw ng paghihiwalay ay magkaibigan pa rin ang mga ito.
Hula agad ng ilang netizens, sina Jericho at Kim ang tinutukoy sa blind item.
Read: Jericho Rosales and Kim Jones exchange comments, jokes on IG amid persistent breakup rumors
Pero nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jericho sa Zion Turns 3 party na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino nung January 12, 2024, tumanggi itong magkomento tungkol sa isyu.
"No comment because it's not the place. I never really talk about my relationships but we're happy, we're good.
"Kim and I, we're amazing, we're fantastic," sagot ni Jericho na pinakasalan ang Fil-Brit model-TV host na si Kim nung May 1, 2014 sa isang beach wedding ceremony sa Boracay.
Read: Jericho Rosales-Kim Jones Wedding: the way to happily ever after
Nang kumustahin namin ang lagay ng kanyang puso, ayon kay Jericho ay masaya siya ngayon.
"Good, great, amazing, fantastic," lahad ni Echo (palayaw ni Jericho).
Samantala, ibinahagi naman ng aktor na tapos na niyang gawin ang prison action series na Sellblock. Produce ito ng ABS-CBN at BlackOps Studios Asia.
"We finished Sellblock and it's showing this year.
"I'm very, very excited for Sellblock kasi matagal na naming ginagawa yung Sellblock. Me and the entire team, actors, and producers are so happy."
Dagdag pang balita ni Echo, magiging aktibo raw siyang muli sa kanyang showbiz career.
"I don't wanna make announcements yet, but I'm back. I'm here, I gonna stay here, for now. Pursuing my film career. Still singing, of course."
