Wala pang oras sa pag-ibig ang aktor at San Juan City councilor na si Ervic Vijandre.
Priority raw kasi niya ngayon ang career at obligasyon sa kanyang constituents.
Nahalal si Ervic bilang konsehal sa first district ng San Juan noong 2022 elections.
Read: Robin Padilla, Richard Gomez, Arjo Atayde, other celebs triumph in 2022 elections
Pahayag ni Ervic, “Yun nga, yun na nga din.
"Kasi nga, dahil sa ganito yung mindset ko na pinapahalagahan ko yung mga nasa paligid ko, ng mga opportunity ko, siguro yung mga nakikilala ko, yung hindi nila... hindi pa sila swak dun sa mundo ko ngayon.
“Konti lang talaga yung time ko sa ganito, para sa sarili ko.
“Iniisip ko kasi talaga yung sarili ko is para sa ganito, para sa tao, para sa ganyan.”
View this post on Instagram
Sa edad na 37, may balak din naman siyang mag-settle down at bumuo ng sariling pamilya balang araw.
Saad niya, “Well, ako kasi, based on my experience, sa mga nangyari sa akin sa buhay, napunta ako dun sa mindset na gusto kong maging... maging successful, maging matagumpay.
"Hindi ko lang alam kung kailan ko sasabihin na andun na ako.
“So siguro, yung ganyan, yung mga tanong na, dahil hindi ka na bumabata, ganyan-ganyan, siguro puwede ko naman, pag-iniisip ko... yun lang nga lang talaga ang kulang.”
So, hindi pa talaga niya nabibigyan ng tamang panahon ang pagkakaroon ng love life?
Sagot ni Ervic, “Hindi, kasi alam mo ba, may time na hanap ako nang hanap, napi-pressure ako.
"Kaya kailangan, by this age, ganito na, ganito na.
"So, iniisip ko, swak to, kapag nakuha ko to, nagawa ko to, eto na.
"Pero hindi pala ganun, e.
"So, andun na lang ako, sa akin, pag dumating, dumating.
"Kung hindi, tina-try kong humanap ng saya, happiness sa ibang bagay.”
Sa ngayon, bukod sa kanyang trabaho bilang konsehal, abala rin si Ervic sa taping ng Black Rider kung saan isa siya sa mga guest star.
Read: Ervic Vijandre, naniniwalang advantage na basketball players sila ng mga kapartido
