PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joel Cruz sued by Albert Andrada for PHP4M over Paris Fashion Week.

Joel Cruz: "Ano ba tingin sa akin ng tao, lolokohin na lang ba ako?"
by PEP Troika
Published Jan 18, 2024
Joel Cruz estafa complaint versus Albert Andrada
Joel Cruz, ibinahagi na dalawang beses naudlot ang ipinangakong Paris fashion week show matapos niyang magluwal ng P4M liban pa sa ginastos niya para sa paghahanda rito: "Nagtiwala naman ako kay Becky saka kay Albert, kasi kaibigan ko naman sila... Hanggang ngayon, wala silang binigay sa kin na pera ni singko."

GORGY RULA

Nagsampa ng reklamong estafa ang negosyante at tinaguriang "Lord of Scents" na si Joel Cruz laban sa kaibigan niyang socialite na si Becky Garcia at ang kilalang fashion designer na si Albert Andrada.

Nag-file siya ng demanda sa Manila Prosecutor's Office nung Miyerkules, January 17, 2023.

Bukod sa dalawang nabanggit, kasama rin sa sinampahan ng reklamo ang mga kasamahan nina Becky at Albert na sina Angel de Jesus, Lawrence Plata, at Roda Agasen.

Ayon kay Joel nang nakapanayam namin sa DZRH nung Miyerkules, hindi raw niya kilala sina De Jesus, Plata, at Agasen. Ipinakilala lang daw sa kanya nina Becky at Albert.

Sila raw ang nag-alok sa kanyang isasama siya at ang walo niyang anak sa fashion show ni Albert Andrada sa Paris Fashion Week na ginanap sa Westin Vendrome Paris noong 2023.

Pero hindi naman daw natuloy. Ilang beses daw kinansela.

Kaya lang, gumastos na raw si Joel ng tickets at hotel accommodation sa Paris, kasama ang kanyang mga anak, mga yaya at ilang mga pamangkin at kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Joel, "Nagtiwala naman ako kay Becky saka kay Albert, kasi kaibigan ko naman sila. Hindi ko kilala yung Angel de Jesus saka yung Lawrence, yung Roda.

"Nag-form pala sila ng company nila. Dun ko binayad sa company nila yung four million pesos. Nag-clear yung tseke sa kanila, yung pera.

"Ang problema, January 2023 yung fashion show sa Paris. May ticket na kami, business class na yung mga anak ko, saka yung mga alalay ng mga anak ko.

"E, walo yung bata, kasama yung mga pamangkin ko, kapatid ko, kasama yung yaya. Siguro mga 18 o 21 kami.

"Nung nalaman kong cancelled, e wala, may ticket na kami. So, pina-refund ko yung tickets sa Emirates. May penalty na kami almost PHP500,000. Sinisingil ko sa kanila, ayaw naman nila akong bayaran.

"Hanggang sa sinabi nila, July daw yung fashion show, July last year. So, mga June pa lang, towards the end of June, pumunta na kami ng Paris. Emirates din, stopover Dubai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag-land namin ng Dubai, naka-receive ako ng message na cancelled na naman yung show. Nasa Dubai na kami, tapos mga ilang minuto na lang, papunta na kami ng Paris.

"Sabi ko, 'Sana sinabi niyo naman sa akin earlier para hindi na kami bumiyahe pa.'

"So, pag-touchdown ko ng Charles de Gaulle sa Paris, kinunan ko yung apat na kahon. Sabi ko, ‘Tingnan mo Becky, o, sana hindi ko dinala ko ang damit ng mga bata.’

"Siyempre, pinatahian ko sila ng damit kay Noel Crisostomo, magandang damit man lang sila. Ayun, may mga sapatos…

"Hanggang sa hindi na naman natuloy yung Paris fashion show."

Nangako naman daw ang grupong ito kay Joel na ibalik nila ang mga nagastos nito pati ang PHP4M na ibinigay niya.

"Pagdating ko dito, nag-meeting kami, ang sabi babayaran daw ako. Kasi ang sabi nila sa akin na napagkasunduan namin, kapag hindi matuloy yung fashion show, PHP8M pesos, may pinirmahan silang ganyan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hanggang ngayon, wala silang binigay sa akin na pera ni singko.

"Kaya humingi na ako ng tulong sa NBI, kasi di ba dati, naloko rin ako dati ng PHP40M sa Brunei? Kaya sabi ko, 'Ano ba tingin sa akin ng tao, lolokohin na lang ba ako?'

"Kaya humingi na ako ng tulong sa NBI para matigil na itong mga ito.

"Hanggang nalaman ko nga, meron din pala silang parang nabiktima na ibang tao na hiningan din nila ng pera, na hindi rin nabalik," salaysay ni Joel.

Read: Why Joel Cruz no longer recommends surrogacy clinic he used in Russia

JERRY OLEA

Ang isa sa ikinasama ng loob ni Joel, matalik daw niyang kaibigan si Becky, at nagawa pa raw ito sa kanya.

"Alam mo si Becky Garcia, I know her, siguro mga 18, 20 years na. Alam mo, parang kapatid ko yan at saka yung asawa niya rin, si George.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman sa mag-share ng ano… isinama ko yan sa Amerika, sa Los Angeles, silang mag-asawa, sa Singapore, sa Japan, sa Brunei.

"Ni singko wala silang ginagastos. Ako lahat gumagastos sa kanila. Kasi nga kaibigan ko, e, ganun akong mabuting kaibigan. Wala kang babayaran, isinasama ko sila, mag-enjoy ka.

"Kaya hindi ko akalain na mangyari ang ganito na magpakilala sila ng ibang tao na ganito ang nangyari.

"Na walang katotohanan yung mga pinagsasabi nila—na fashion show daw, wala namang natupad. Hanggang ngayon, wala namang perang nabalik.”

Read: Joel Cruz reveals convo with Vice Ganda about challenges of surrogacy

NOEL FERRER

Ang isa pa raw na nagpursige kay Joel na magdemanda ay para sa kanyang walong anak na napapahiya na raw sa classamates nila.

Alam na raw kasi sa school ng mga bata na aalis sila ng Paris para sumali sa fashion show.

"Tinatanong ako ng mga anak ko… Sa school pagbalik nila, tinatanong daw sila ng mga classmates nila and friends, ‘How’s the fashion show? Can we see the pictures? We’re excited to see those photos,’ ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala silang mapakita. Hindi nila alam kung ano ang sasabihin nila.

"Kaya parang dun ako naano na, 'Ano ba ito? Parang ang tanga-tanga ng daddy nila,' parang ganun.

"So, lumapit na ako sa NBI para tulungan ako para next time, hindi na ako ganunin ng mga tao,” saad ni Joel.

Sabi naman ni Joel, kung ibabalik daw ng mga dinemanda niya ang perang ipinangakong ibabalik sa kanya, maaring hindi na raw niya itutuloy ang legal complaint niya.

Bukas ang PEP Troika sa panig nina Becky Garcia, Albert Andrada, at mga kasamahan nila.

Read: 8 Filipino celebrity dads who welcomed kids after 50

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joel Cruz, ibinahagi na dalawang beses naudlot ang ipinangakong Paris fashion week show matapos niyang magluwal ng P4M liban pa sa ginastos niya para sa paghahanda rito: "Nagtiwala naman ako kay Becky saka kay Albert, kasi kaibigan ko naman sila... Hanggang ngayon, wala silang binigay sa kin na pera ni singko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results