PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isko Moreno's 1-month Courtship, 24-Year Marriage

Isko: "Walang perfect formula for successful relationship and marriage."
by Rose Garcia
Published Jan 19, 2024
Isko Moreno
Isko Moreno on what he learned from his marriage with wife of 24 years Diana Ditan: "Hindi natin nasusukat ang pagmamahal ng isang tao dahil lang sa mga materyal na bagay. Because, as you progress with your relationship or kasal na kayo, marami talaga kayong susuunging economic problem. Kaya importante talaga kung paano niyo pinapahalagahan ang isang bagay emotionally, not on material things. It’s very challenging."
PHOTO/S: Rose Garcia / Isko Moreno Facebook (inset)

Dalawampu't apat na taon nang kasal si Isko Moreno at ang kanyang misis na si Diana Lynn Ditan.

Mayroon silang limang anak, kabilang na rito ang aktor na si Joaquin Domagoso.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Isko noong gabi ng January 15, 2023, sa mismong araw ng 24th anniversary nina Isko at Lynn.

Naganap ang interbyu sa Scott Media Office sa BGC, Taguig City.

"Sa awa ng Diyos, next year, 25th na kami,” masayang ipinagmalaki ni Isko.

May plano silang mag-renewal of vows?

"Iniisip namin," sagot ni Isko, "But we wanted it somewhere else. Parang family lang."

Read: Isko Moreno on 'Eat Bulaga!' ratings: "We're very happy with the numbers."

ISKO MORENO LOVE STORY WITH DIANA DITAN

Nalaman naming kakaiba pala ang love story ng mag-asawa.

Una itong isiniwalat ni Isko sa kanyang Facebook page noon ding January 15.

Ayon kay Isko, isang buwan siyang nanligaw kay Diana. Makalipas lang ang isang linggo ay niyaya niya agad itong magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una pa lang daw niyang nakita si Diana, "alam kong siya na ang matagal ko nang hinihintay na makakasama habang-buhay kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras at panahon, pinakasalan ko na."

Sabi pa ni Isko sa kanyang FB post: "Destiny brought us together, but it is our decision to keep each other forever..."

Naniniwala si Isko na hindi sukatan ang tagal o iksi ng pagsasama bago magdesisyong magpakasal, at hindi rin ito pamantayan kung tatagal ang marriage ng couple.

“Well, that is a fact of life na wala naman guarantee," saad ni Isko sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph.

"Meron talagang matatagal na, pero bandang huli, nakilala nila ang isa’t isa na hindi pala sila magkatugma.

"Tapos, meron naman, sudden lang, pero through the years nag-develop sila sa isa’t isa. They invested to each other under a commitment, and yon, nagbubunga rin."

Read: TAPE naniniwalang associated na ang Eat Bulaga! kina Paolo Contis, Isko Moreno, at iba pang bagong hosts

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ISKO'S TIPS TO LASTING MARRIED LIFE

Ayon pa kay Isko, hindi rin guarantee ang estado sa buhay para magkaroon ng lasting relationship.

"Ako, ang payo ko, lalo na sa mga Gen Z ngayon, basta, it is true, we’ve heard it so many times, hindi natin nasusukat ang pagmamahal ng isang tao dahil lang sa mga materyal na bagay.

"Because, as you progress with your relationship or kasal na kayo, marami talaga kayong susuunging economic problem.

"Kaya importante talaga kung paano niyo pinapahalagahan ang isang bagay emotionally, not on material things. It’s very challenging."

Kombinasyon daw talaga ng commitment at effort na maging maayos ang pagsasama ng mag-asawa.

Lahad pa niya, "I may not be the right person to say this, but I think, at some level of great weight, 24 years is 24 years.

"Walang perfect formula for successful relationship and marriage.

"At the end of the day, kayong dalawa pa rin. Kayong dalawa pa rin ang magsasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Marami kayong friends, family, but at the end of the day, kayo pa ring dalawa ang magsasama with your kids."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isko Moreno on what he learned from his marriage with wife of 24 years Diana Ditan: "Hindi natin nasusukat ang pagmamahal ng isang tao dahil lang sa mga materyal na bagay. Because, as you progress with your relationship or kasal na kayo, marami talaga kayong susuunging economic problem. Kaya importante talaga kung paano niyo pinapahalagahan ang isang bagay emotionally, not on material things. It’s very challenging."
PHOTO/S: Rose Garcia / Isko Moreno Facebook (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results