PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jiro Manio, Ex-Child Actor, Explains Acting Hiatus

Jiro Manio admits he has no permanent job at the moment.
by Jojo Gabinete
Published Jan 19, 2024
jiro manio
Jiro Manio on his current situation: “Mas okay na ako ngayon kasi naipaliwanag sa akin na mabuti sa Bataan ang mga dapat iwasan. Saka willingness din na gumaling, yun ang importante.”
PHOTO/S: GMA Network

Nagsalita nang tapos ang dating child actor na si Jiro Manio tungkol sa pasya nitong talikuran muna ang showbiz.

Read: Jiro Manio ibinenta ang Urian best actor trophy sa halagang PHP75K

Gusto raw niyang magkaroon ng ibang trabahong pagkakakitaan na higit magiging komportable ang kanyang pakiramdam.

Pero sa personal na pakikipag-usap ni Jiro sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), sinabi niyang may kinalaman ang mental health sa kanyang desisyong huwag nang umarte sa harap ng kamera.

Sinabi ni Jiro na sumusunod lamang siya sa payo ng doktor na iwasan muna ang pag-arte dahil makakaapekto sa kanyang emosyon ang mga karakter na gagampanan, pati na ang ang mga sitwasyon o eksena sa mga proyektong gagawin niya.

“Nag-iingat ako kasi baka maulit yung nangyari dati, nung tinutulungan ako ni Miss Ai, tapos umayaw ako,” pagtukoy ni Jiro sa pagtulong na ginawa sa kanya noon ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Read: Ai-Ai delas Alas reveals final straw in falling-out with Jiro Manio: "Nawalan na ako ng pag-asa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki na raw ang pagpapahalaga ni Jiro sa kanyang mental health.

Lahad niya, “Nakapirma ako noon ng kontrata sa GMA-7 para sa Magpakailanman tapos hindi natuloy. Pinag-workshop ako ni Miss Ai, umayaw ako kasi nanginginig ako sa gamot.”

Ayon kay Jiro, mas maayos na ngayon ang kanyang kalagayan.

“Mas okay na ako ngayon kasi naipaliwanag sa akin na mabuti sa Bataan ang mga dapat iwasan. Saka willingness din na gumaling, yun ang importante.”

Ang rehabilitation center sa Bataan na pinagdalhan ni Ai-Ai kay Jiro noong 2015 ang lugar na tinutukoy ng dating award-winning child actor.

Malaki ang naging bahagi ng naturang rehabilitation center sa buhay ni Jiro dahil nang gumaling siya, naging volunteer staff siya pero sa sandaling panahon lamang.

Read: Jiro Manio leaves rehab of his own volition

“One year lang po ako nag-volunteer pero medyo mahirap din dahil iba-iba ang sitwasyon. May mga mahirap i-handle, hindi nakikinig,” kuwento ni Jiro tungkol sa kanyang karanasan bilang volunteer staff ng rehabilitation center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasalukuyang naninirahan si Jiro sa isang bayan sa Rizal pero, diumano, nasa bahay lamang siya habang walang permanenteng trabaho.

“Nasa bahay lang po ako, naglilibang-libang, cell phone. Nanonood ako ng iba-ibang istorya. Paulit-ulit na nga lang ang mga pinapanood ko.

“Ginawan po ako ng [social media account] ng pinsan kong babae pero hindi ko naman maasikaso. Kahit daw mga simpleng video lang daw tapos i-upload ko raw.

"Kapag marami raw followers, kikita raw ako. Sabi ko, hindi ako sanay sa ganoon."

Umingay nang husto ang pangalan ni Jiro sa pagpasok ng 2024 dahil ibinenta nito ang kanyang Gawad Urian trophy sa halagang PHP75,000 para panggastos ng pamilya niya sa nakaraan na Pasko at Bagong Taon.

Read: Jiro Manio reveals he used money from sold Urian trophy for Christmas and New Year

May mga artista bang nakipag-ugnayan sa kanya para tulungan siya dahil sa acting award na ibinenta niya?

"Wala pong artista," sagot ni Jiro. “Puro po mga researcher ng mga programa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nagugulat nga ako dahil yung iba, bigla na lang tumatawag [para sa mga interbyu]."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jiro Manio on his current situation: “Mas okay na ako ngayon kasi naipaliwanag sa akin na mabuti sa Bataan ang mga dapat iwasan. Saka willingness din na gumaling, yun ang importante.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results