Matagal nang pinag-uusapang hiwalay na ang mga magulang ni Janno Gibbs na sina Ronaldo Valdez at Maria Fe "Baby" Gibbs.
Pero walang naglakas-loob magsalita hanggang kumpirmahin ni Janno ang balita sa pakikipag-usap niya kay Jessica Soho sa kabanata ng Kapuso Mo Jessica Soho na napanood sa GMA-7 noong Linggo ng gabi, Enero 21, 2024.
Read: Janno Gibbs reveals dad Ronaldo Valdez was separated from his mom before his death
Pagbabahagi ng actor-singer, “Alam na naman ng karamihan, at least, not everybody, it’s almost been a year na my dad and my mom have been separated.
“After that happened, almost one year nang nakatira sa akin ang dad ko. I’ve been taking care of him.”
Ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang, na matagal na panahong nagsama, ang tanging impormasyong ibinahagi ni Janno sa publiko dahil hindi na niya isiniwalat ang dahilan.
Nagkuwento rin si Janno tungkol sa American father ng kanyang ama na matagal nitong hinanap at nagkaroon ng magandang resulta.
“Not a lot of people know this, ang daddy ni Ronaldo Valdez, Gibbs siya talaga. He never met his father, parang G.I. baby ang tawag natin,” boluntaryong paglalahad ni Janno kay Jessica.
“All his life, he was looking for his dad, si James Gibbs. He would do searches, e, noon mahirap. Wala pang Internet.
"Until two decades ago or more, finally, may nagsabi sa kanya na, ‘Nahanap yung father mo sa States.’
“So, sinulatan niya. Sumulat sa kanyang pabalik na, ‘Sorry, I have a family already here in the States.’
“Sinabi ng daddy ko na, ‘I’m not after anything. I’m doing really well here in the Philippines. I just want to meet you.’
“So, nagkita sila. Ano na, I had a kid already. Ganoon na kalayo. Meron na akong panganay.
"That was very fulfilling to him. Hindi alam ng marami na so late na in his life na nakilala niya yung father niya.
"It closed a lot of doors for him. And we even got to meet our lolo."
Read: Janno Gibbs inilahad ang huling sandali kapiling ang amang si Ronaldo Valdez
Late 30s na ang edad ni Ronaldo nang matunton nito ang kinaroroonan ng kanyang amang hindi niya nakagisnan mula nang isilang siya.
Sa panayam kay Ronaldo ni Ricky Lo noong Nobyembre 2001, ikinuwento niya ang ilang detalye tungkol sa tatay niya.
“Height-wise, hindi kami nagkakalayo. I’m 5’7" and Janno is 5’6".
"When Janno met my father, James Gibbs who visited the Philippines, sabi niya, 'Wala naman pala akong pagmamanahan, e.'
"My dad was only 5’5" tall.
“I remember the first time I met my dad, my sister (who grew up with the old man) videotaped that meeting; kunwari siya ang host and she was interviewing me.
"She asked me, ‘Did you have an unhappy childhood? Did your father beat you up?’ With a straight face yan, ha. Lintek din naman ang sense of humor ng sister kong yon," salaysay noon ni Ronaldo tungkol sa pagkikita nila ng kanyang ama.
Nagpaunlak si Janno na magsalita sa programa ni Jessica para pag-usapan at magbigay-pugay sa kanyang ama na sumakabilang-buhay noong Disyembre 17, 2023.
Naging isang malaking balita ito dahil sa nakagigimbal na paraan ng pagkamatay ng premyadong aktor.