Itinuturing ni Anne Curtis na pamilya ang mga taong nakapalibot sa kanya lalo na ang may kinalaman sa mga gawain niya araw-araw.
Kabilang na rito ang kanyang personal assistant na si Maryann Ontay, na naging tagapag-alaga na rin kalaunan ng anak nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia.
Sa Instagram kahapon, January 22, 2024, binati ni Anne si Maryann sa kaarawan nito.
Mensahe ni Anne, “To our dearest @meanontay, happy happy birthday. We are so blessed to have you as part of our family. We love you so much Dahlia’s Tita Me! Happy happy birthday! [flower emoji]”
View this post on Instagram
Sa comments section, binati rin si Maryann ng mga artistang kaibigan ni Anne.
Ilan sa kanila ay sina Bea Alonzo, Christian Bautista, Jugs Jugueta, at Angelica Panganiban.

Nagkomento rin ng kanilang pagbati sina Rajo Laurel, Ryan Bang, Liz Uy, Iza Calzado, Iya Villania, Kim Atienza, at marami pang iba.


Isa namang follower ang nagbigay ng suhestiyon na sana sa Instagram Story na lamang inilagay ni Anne ang kanyang pagbati kay Maryann.
Hindi raw kasi ito bagay sa Instagram feed ng actress-TV host.
Ayon sa netizen, “Happy Birthday po!! Pero suggest ko lang you can post it nalang sa story ung birthday greetings instead IG post, since hindi po bagay sa IG feed niyo po.”
Marespeto siyang sinagot ni Anne.
Ayon sa It’s Showtime host, pamilya na nila si Maryann.
Hindi rin naman daw “curated” ang kanyang Instagram feed.
Buong sagot ni Anne, “She’s a family member so bagay talaga sya sa feed ko [raising hands emoji] plus hindi naman curated feed ko. So walang ganyan ganyan. But thank you sa suggestion [face blowing a kiss emoji]”

Marami namang followers ang pumuri kay Anne sa pagmamahal nito sa kanyang personal assistant.
