Si Miguel Tanfelix ang karagdagang miyembro o runner sa Winter Edition at Season 2 ng Running Man Philippines.
Opisyal na inanunsiyo sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes ng hapon, Enero 23, 2024, ang partisipasyon ni Miguel sa Philippine version ng South Korean reality game competition.
Read: Bagong cast member ng Running Man Philippines iaanunsiyo na
“Siyempre, overwhelmed ako dahil, unang-una, ang saya niyong kasama.
"Pangalawa, okay dito sa Seoul, Korea.
"Very thankful ako sa Running Man dahil pinayagan nila ako na ma-experience ito," pahayag ni Miguel nang hingan ito ng mensahe tungkol sa kanyang partisipasyon bilang ika-pitong runner ng Winter Edition ng Running Man Philippines.
Nakatakdang manapanood ang Season 2 ng Running Man Philippines sa GMA-7 sa second quarter ng 2024.
View this post on Instagram
Nilinaw ng production staff ng programa na kasali pa rin si Ruru Madrid sa Season 2 ng Running Man Philippines at karagdagang miyembro si Miguel.
Hindi kasama si Ruru sa South Korea dahil sa taping niya para sa Black Rider, pero bahagi pa rin siya ng Running Man Philippines.
Umalis sa Pilipinas si Miguel papunta sa South Korea noong Enero 14, 2024.
View this post on Instagram
Kinabukasan, ang grupo naman nina Glaiza de Castro, Mikael Daez, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian, at Buboy Villar ang lumipad sa nasabing bansa para sa pag-uumpisa ng taping ng kanilang mga misyon.
Read: Running Man PH members sumabak agad sa mission paglapag sa South Korea
Naunang bumiyahe si Miguel sa South Korea dahil hindi muna sinabi sa anim na original runners ng Running Man Philippines na siya ang pampitong miyembro ng Season 2 ng reality series ng Kapuso Network.