PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robert Alejandro loses PHP3M life savings to caregiver

Robert Alejandro has been battling colon cancer since 2016.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 23, 2024
Robert Alejandro reveals getting robbed by own caregiver
Former TV host Robert Alejandro, who is now battling colon cancer, is disheartened after getting robbed by own caregiver: "Hindi lang siya kumukuha ng pera kundi pati yung buhay ng dapat niyang alagaan. Napakasama."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube

Umiiyak na nagpainterbyu sa GMA News ang artist at dating TV host na si Robert Alejandro matapos ibunyag ang patung-patong na dagok na kanya ngayong pinagdaraanan.

Bukod sa pagkakaroon ng colon cancer, na walong taon na niyang dinadamdam, ay ninakawan pa umano siya ng malaking mahalaga na nakalaan dapat sa kanyang pagpapagamot.

Ang masakit pa raw, mismong ang caregiver na nag-aalaga sa kanya ang diumano'y tumangay sa halos PHP3 milyon niyang life savings.

Kuwento ni Robert, October 2023 nang kunin niya ang serbisyo ng caregiver na ito dahil kinailangan niya ng katuwang sa mga tubo at aparatos na nakakabit sa kanyang katawan.

Tiwala naman daw siya noong una sa caregiver na ito dahil ang doktor na kakilala ng kanyang pamilya ang mismong nagrekomenda rito.

Ani Robert, "Nakikita naman niya ang kalagayan ko, yung hirap na hirap kami mabuhay, tapos ito ang gagawin [niya].

"Kailangan ko iyon [pera] para sa ospital. Buti kung healthy pa ako, puwede pa ako magtrabaho para mag-ipon pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabisto raw ni Robert ang pagnanakaw sa kanya ng caregiver noong December 17, 2023, nang nakatanggap siya ng notification galing sa bangko na mayroon siyang binayarang online transaction.

Dahil wala naman siyang binibili online, mabilis itong inireport ni Robert sa bangko. Dito na niya natuklasang halos nalimas na ang laman ng kanyang bank account.

Suspetsa niya, pinakikialaman ng caregiver ang cellphone niya habang natutulog siya at dito nito sinasamsam ang kanyang life savings.

"May binili raw ako from Amazon, di ba mayroon yon notification?

"Wala naman akong ginawang ganon so tumawag ako sa bangko ko para sabihin na hindi ako yon," lahad ni Robert.

Idinulog daw ito ni Robert sa pulisya.

Base sa inisyal na imbestigayon ng awtoridad, gamit ang cellphone ng dating TV host ay nagpapadala ang caregiver ng pera sa mga ahente ng e-sabong.

Dalawang bank accounts ang nakita nilang pinagpasahan ng pera mula sa bank account ni Robert. At mula sa mga account na ito, pinapasa ang pera sa e-sabong account ng kanyang caregiver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Quezon City Police District 14 chief investigator, Police Captain Anthony Dacquel, "Na-locate naman namin yung number then natawagan yon.

"Nag-confirm naman yung mga yon at totoo nga raw na pinapadala sa kanila nung suspek [yung pera] at sila naman lo-load-an nila sa e-sabong account yung suspek."

Sa huli, may iniwang mensahe si Robert sa kanyang dating caregiver na kinilala ng pulisya na si Deo Angeles.

Saad niya, "Gusto kong sabihin sa kanya, huwag na niyang gawin ito.

"Hindi lang siya kumukuha ng pera kundi pati yung buhay ng dapat niyang alagaan.

"Napakasama."

Samantala, bago magpaunlak ng panayam si Robert sa GMA News ay ipinost na rin niya sa Facebook, noong January 19, 2024, ang karanasan sa kamay ng caregiver na kanyang pinagkatiwalaan.

Kalakip nito ang paalala niya sa publiko na palagiing maging maingat at huwag agad-agad magtiwala.

Mababasa sa kanyang post (published as is), “BABALA SA PUBLIKO: Protektahan Po Natin Ang Ating Mga Mahal sa Buhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"PUBLIC WARNING: Protect Our Loved Ones

“I am blessed to know that the truest treasures are friends and family that show unconditional love.

"This I learned as I live with terminal colon cancer, and this December, my caregiver (Deo E. Angeles) stole all of my life savings and more …”—— Robert Alejandro, artist."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakilala si Robert nang maging host siya ng children's art program na Art Is-Kool sa GMA-7 noong 2002. Dito ay nakilala siya sa tawag na "Kuya Robert."

Nagsilbi rin siyang correspondent ng defunct documentary program na The Probe Team at artist at production designer ng sikat na stationery at eco-friendly gift shop na Papemelroti.

Noong 2016, na-diagnose siyang may colon cancer.

Read: Robert Alejandro reveals inspiring battle vs colon cancer

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former TV host Robert Alejandro, who is now battling colon cancer, is disheartened after getting robbed by own caregiver: "Hindi lang siya kumukuha ng pera kundi pati yung buhay ng dapat niyang alagaan. Napakasama."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results