PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pia Wurtzbach's Glam Team: Flight Departure Drama

Justin and Jeck still in shock over bumped-off flights, says PEP.ph sources.
by Rachelle Siazon
Published Jan 24, 2024 | Updated Jan 24, 2024
Pia Wurtzbach glam team Justin Soriano and Jeck Aguilar
Sources close to Justin Soriano and Jeck Aguilar (right photo), who are usually part of Pia Wurzbach's glam team, maintain that the two are not privy to any airline violation that may have caused them to be bumped off their booked flights on January 22 and 23, 2024.
PHOTO/S: Stephen Capuchino / @aguilarjeck Instagram

Hot issue ang pagharang sa glam team ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na sina Justin Soriano at Jeck Aguilar sa Ninoy Aquino International Airport.

Nakatakda sanang lumipad patungong Dubai sina Justin at Jeck noong January 22, 2024, pero hindi sila pinayagang mag-board sa flight nila sa Philippine Airlines.

Tatlong sources na nasa circle nina Justin at Jeck ang nakausap ni Karen AP Caliwara, executive editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), simula Martes ng gabi, January 23, at ngayong Miyerkules, January 24.

Taliwas sa report ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel kahapon, walang hold departure order ang anumang korte sa Pilipinas laban kina Justin at Jeck.

Ang hold departure order, ayon sa elibrary.judiciary.gov.ph, ay iniisyu ng korte sa isang taong nahaharap sa "criminal cases."

Kapag may hold departure order ang korte, binibigyan ng kopya ang Department of Foreign Affairs at Bureau of Immigration para masigurong hindi makakaalis ng bansa ang isang akusado para takbuhan ang kasong kinakaharap nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa sources ng PEP.ph, wala raw alam na kinakaharap na kaso ang dalawa.

"Definitely wala pong hold departure order," ang bungad ng unang source ng PEP.ph noong kinontak siya kagabi, pasado alas diyes.

Pero hindi ito nakapagbigay agad ng detalye dahil, ayon sa text message ng unang source, "inaalam ko pa ang true reason."

Read: Janno Gibbs reveals late dad Ronaldo Valdez left a note before his death

NO EXPLANATION FOR REMOVAL FROM FLIGHT?

Dagdag pa ng sources ng PEP.ph, ikinagulat nang husto nina Justin at Jeck ang pagkakatanggal sa kanila sa flight PR 658 ng PAL, na 3 p.m. sana ang alis sa bansa noong January 22.

At taliwas sa unang naiulat, "vacation" lang daw ang pakay ng grupo at "wala po fashion week."

Ayon pa sa source, "Punta lang talaga sana sila sa bahay ni Pia, na lumipad sa Dubai to meet her husband."

Dumating sila sa Terminal 2 ng NAIA sa Pasay City ilang oras bago ang depature ng eroplano.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May kasama silang dalawa pang pasahero: si Khino Ocenar, na assistant nina Jeck at Justin, at Cheska Summer, ang road manager ni Pia sa Empire PH.

Pagdating sa check-in counter ng airline, "not allowed to board" daw sila ayon sa "Dubai API."

Ang "API" ay tumutukoy sa Advance Passenger Information, na nangangalap ng passenger passport information para sa airlines, na tina-transmit din sa immigration authorities ng country of destination.

Hindi naman malinaw kina Justin at Jeck kung bakit nagkaaberya sa kanilang passenger information.

"No explanation" daw ang airport staff.

Sa pagkakaalam ng pangalawang source na nakausap sa pamamagitan ng telepono kaninang tanghali, pasado ala una, ni hindi raw umabot ang grupo sa immigration, at hanggang check-in counter lang sila.

Read: Daniel Padilla puts Chevrolet Corvette Stingray up for sale

Ayon pa sa pangalawang source ng PEP.ph, pinapunta sina Justin at Jeck sa "back office" ng airline habang hinihintay ang eksplanasyon kung bakit sila hindi pinayagang mag-board.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sobrang "clueless" daw ang grupo dahil umano sa kawalan ng sapat na eksplanasyon.

Hindi rin nila first time lumipad patungong Dubai, at ngayon lang ito nangyari sa kanila.

Sa pagsisiyasat ng PEP.ph, nakasaad sa website ng PAL, sa ilalim ng "conditions of contract," ang probisyon sa kung anu-ano ang mga dahilan para hindi payagan ng airline na pasakayin ng eroplano ang isang passenger.

Sabi rito: "The Carrier reserves the right to refuse to board or remove from any flight any passenger for valid reasons such as but not limited to insufficient travel documents, unruly behavior, medical conditions, use of electronic devices in violation of Carrier's instructions, etc."

Tinanong ng PEP.ph ang sources kung may nilabag ba ang grupo sa terms ng airline.

Sagot ng pangalawang source, "wala silang na-violate sa rules."

"NOT ALLOWED TO BOARD" TWO FLIGHTS

Mas detalyado ang account ng pangatlong source na nakausap ng PEP.ph pasado alas otso ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nakalap niyang kuwento, sa PAL check-in counter, ang unang sinabi raw ng airline staff ay "not allowed to board" sina Cheska at Khino.

Pero matapos ang ilang sandali ay sinabihan rin sina Justin at Jeck na maging sila ay "not allowed to board."

Para malaman ang detalye, pinapunta raw sila sa embassy ng UAE, na nasa Taguig.

Pgdating ng grupo sa embassy, hindi sila nakaakyat dahil "walang appointment."

May humarap daw na consul na nagsabing "good to go" o walang problema ang kanilang mga visa.

Nakita ng source na ito sina Justin, Jeck, Cheska, at Khino sa business class check-in counter ng Etihad Airways noong January 23.

Na-hand over daw ng apat sa airline personnel ang kanilang mga bagahe.

Ang kuwento ng pangatlong source, "They [airline staff] were able to print the luggage tag with bar code, then biglang ayaw daw mag-print ng boarding pass."

Pero bigla raw itinabi ang kanilang mga bagaheng may luggage tags saka sila pinag-antay sa isang "back office" sa airport.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So yung pagpapapunta sa kanila sa back office ay nangyari noong second attempt nila to fly. Kasi for the PAL flight, they went to the embassy. But ayun nga, mukhang na-stuck sila."

Sa huli, hindi niya nakita ang apat sa boarding area at maging sa flight.

Takang-taka ang pangatlong source sa nangyari.

Aniya, "Good to go ang visas nila. On time sila. Walang problema sa requirements. Scary lang na denied silang apat sa boarding, at sa dalawang airlines pa."

Read: Karla Estrada puts dream home on the market

PIA WURTZBACH'S AIR MILES USED TO PAY FOR PAL AIRFARE

Nakumpirma naman ng PEP.ph mula sa pangalawang source na "miles ni Pia" ang ginamit sanang pambayad ng airfare nina Justin, Jeck, at dalawa pang kasama.

Ang comments kasi ng ilang netizens ay posibleng ito raw ang dahilan kung bakit hindi sila nakalipad.

Tinignan ng PEP.ph sa website ng PAL na ang panuntunan pagdating sa redemption ng air miles o travel rewards, at nakasaad na pinapayagan ang member ng airline na gamitin ang naipon niyang travel rewards pambili ng plane ticket para sa sarili o sa kanyang chosen "beneficiaries."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahapon, makikita sa latest post ni Pia na nag-touch down na siya sa Dubai.

Sinisikap ng PEP.ph na hingin ang panig ng PAL sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa official Instagram account nito.

Pero hindi pa masagot ng airline ang mga katanungan hinggil sa isyu dahil kailangan ang reference number sa booking ng mga pasahero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan ding kontakin ng PEP.ph ang spokesperson ng PAL sa pamamagitan ng text message, pero wala pang sagot.

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga taong nabanggit, maging ang Etihad Airways.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sources close to Justin Soriano and Jeck Aguilar (right photo), who are usually part of Pia Wurzbach's glam team, maintain that the two are not privy to any airline violation that may have caused them to be bumped off their booked flights on January 22 and 23, 2024.
PHOTO/S: Stephen Capuchino / @aguilarjeck Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results