PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang on Ruffa Gutierrez: Ganda sa Itsura.

Pokwang on Lee O'Brian: "Hangga't nandito pa yan di talaga ako matatahimik."
by Arniel C. Serato
Published Jan 25, 2024
Pokwang reacts to comment comparing her to Ruffa Gutierrez
Pokwang to netizen who compared her to Ruffa Gutierrez: “Well hindi ako si Ruffa magkaiba kami sa itsura palang maganda sya malayo sobra, sa pangalan etc. so hindi pwedeng dapat ganito ka kasi ganito sya ok? magkakaiba tayo, magkaiba ng pain at pinagdaanan at pinagdaraanan wala kayong alam.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Nakipagsagutan si Pokwang sa isang netizen na "pinayuhan" siyang umasta na parang si Ruffa Gutierrez.

Ayon sa netizen na nagkomento sa post ni Pokwang sa X (dating Twitter), hiwalay rin si Ruffa sa dating mister nitong si Yilmaz Bektas pero hindi umano nito nilason ang isip ng mga anak na sina Lorin at Venice para magalit sa ama.

Ito raw ang dahilan kaya tahimik at masayang namumuhay ngayon si Ruffa.

Buong komento ng netizen, “Mamang @pokwang27 Word of advise lang. Be like Ruffa Guttierez. Mas malala pa naging karanasan niya with Ylmaz but never nya nilason utak ng mga anak nya para magtanim ng galit sa kanilang tatay. Ruffa is living peacefully and happily now. Choose to be happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Pokwang, malayung-malayo sila ni Ruffa dahil maganda ang actress at former beauty queen.

Magkaiba rin daw sila ng sakit na pinagdaanan.

Sabi ni Pokwang, “Well hindi ako si Ruffa magkaiba kami sa itsura palang maganda sya malayo sobra, sa pangalan etc. so hindi pwedeng dapat ganito ka kasi ganito sya ok? magkakaiba tayo, magkaiba ng pain at pinagdaanan at pinagdaraanan wala kayong alam.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkomento rin ang netizen na sana ay huwag nang idamay ang anak nila ni Lee O’Brian na si Malia. Ama pa rin daw kasi ito ng kanilang anak.

“Kung ano man ang nagawa ni Lee sa’yo, sana wag mo na idamay ang bata. Tatay pa rin nya yan. Wag mo hayaan na pati si Malia, lumaking may galit sa isang tao lalo pa’t tatay pa rin naman nya yan. Spare the kid.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinontra ito ni Pokwang

Aniya, "Hindi ko dinadamay ang anak ko excuse me! sya ang pabaya at may pagkukulang bakit laging sa nanay ang sisi?"

Sagot naman dito ng netizen, “Mamang sorry if feel mo nasisi kita pero it’s not my intention. Alam ko you’re a good mother sa both anak mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang sa’kin lang. Wag mong hayaan na kainin ka ng galit mo dahil lang sa isang taong minsan ay minahal mo rin naman. Focus ka na lang po sa pagpapalaki kay Malia ng tama.”

Tugon ni Pokwang, "Hanggat nandito payan di talaga ako matatahimik at ganon din sya di ko sya patatahimikin! ang ikinagagalit ko yung umaapila pa sya imbes na umalis nalang at may padrino!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa rin natinag ang netizen.

Kaya raw nagku-comment ang mga tao sa post ni Pokwang dahil parang hinayaan niya ang mga itong makialam sa kanyang buhay.

“Kaya lang naman sila comment ng comment kasi you allow them na magcomment sa buhay mo. Don’t invite negativity in your life. Masaya ang buhay. Wag magpakulong sa kapaitan nang dahil lang sa isang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buwelta ni Pokwang, “kaya lang sila nag co comment para masabing may alam sila hahahhaha pero sa totoo wala!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad naman ng netizen tungkol kay Lee, “I do believe may sinampa ka rin namang kaso kay Lee para sa sustento, let that work alone.”

Tugon ni Pokwang, “bakit ba ayaw nya umalis dito? e wala naman sya silbi bilang ama? para ano pa? nagpapasarap lang sya habang ako lahat nahihirapan ganon? sa sarili kong BAYAN?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ng komedyana, "Hanggat nandito payan di talaga ako matatahimik at ganon din sya di ko sya patatahimikin! ang ikinagagalit ko yung umaapila pa sya imbes na umalis nalang at may padrino!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit naman ng netizen, "Mamang, di naman sya threat sa buhay mo para di ka matahimik while he’s here. Ganun po talaga ang batas, wala na tayong magagawa. He can file for appeal. You’re a strong independent woman. Kaya mong mabuhay nang hindi umaasa sa kanya. That’s it, Mamang."

Giit ni Pokwang, "basta kailangan nya umalis para sa kapayapaan namin pareho at maibalik ko yung masiglang pokwang yung wala ng galit kasi wala na sya sa bansa ko na nagpahirap sakin ng todo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong mga nakaraang araw, sinabi ni Pokwang na nandito pa rin si Lee sa Pilipinas kahit na may deportation order na ang Bureau of Immigration (BI).

Read: Pokwang on what daughter Malia O’Brian will say to her father: "Para sumbatan niya."

Ibinunyag din niya nitong nakaraang January 22, 2024, na may padrino umano si Lee kaya nananatili pa rin ito sa bansa kahit may order na itong lisanin ang Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pokwang reveals estranged partner Lee O’Brian still in the country despite deportation order: “May padrino daw, e.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang to netizen who compared her to Ruffa Gutierrez: “Well hindi ako si Ruffa magkaiba kami sa itsura palang maganda sya malayo sobra, sa pangalan etc. so hindi pwedeng dapat ganito ka kasi ganito sya ok? magkakaiba tayo, magkaiba ng pain at pinagdaanan at pinagdaraanan wala kayong alam.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results