Inamin ng beteranang aktres na si Chanda Romero, 69, na nagkaroon sila noon ng espesyal na relasyon ng yumaong stage and movie actor na si Bernardo Bernardo.
Ito'y kahit hindi itinatago ni Bernardo sa publiko na siya ay "openly gay."
Sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Huwebes, January 25, 2024, natanong si Chanda ng host na si Boy Abunda tungkol sa espesyal niyang naging karelasyon, maliban sa asawa niya ngayong si Jose Mari "Mayi" Alejandrino.
Ayon kay Chanda, isa lamang ang naiisip niya—ito'y walang iba kundi ang naging karelasyon niya noong si Bernardo.
Pag-amin pa ng beteranang aktres, alam niya simula pa lang ang sexual orientation ni Bernardo.
Ngunit hindi raw ito naging balakid sa kanya para mahalin nang buo at tapat ang namayapang beteranong aktor.
Saad ni Chanda, "That was different because I think looking back, that was very special, because yun ang talagang I loved him as he was.
"It didn’t matter to me what his sexual preference was, but I loved him because it was him.
"I just loved the whole of him."
Naging bukas din daw si Bernardo sa kanyang sabihing siya ay "gay," at tanggap daw ito ni Chanda.
Sa katunayan, tinatawanan lang nila ni Bernardo ang setup ng kanilang relasyon, pero alam daw nila sa kanilang mga sariling mahal nila ang isa't isa.
Kuwento ni Chanda, "We really laugh about it, we could even laugh about that circumtances.
"Minsan nga kapag sinasabi niya na, ‘Meron akong bagong crush diyan sa ano,’ [sinasabi ko] ‘Hindi. Samahan kita, tingnan ko muna. Kailangan i-approve ko muna.'"
Sundot na tanong ni Boy, "Anong pagkakaiba ng straight man at gay man as a boyfriend?"
Sagot ni Chanda, “When Bernardo loved me, when we were together, it was one of the few times that I knew it was really love between the both of us.
"It was taboo. We were just so unafraid and so proud of having found each other.
"We were both happy."
Sa ngayon ay happily married na si Chanda sa kanyang mister na si Jose Mari "Mayi" Alejandrino.
Ikinasal sila via civil wedding noong October 25, 2013, matapos ang pitong taon nilang pagiging magkasintahan.
Read: PEP Exclusive: Chanda Romero ties the knot with 7-year boyfriend Mayi Alejandrino
Pumanaw naman si Bernardo noong March 8, 2018, sa edad na 73, dahil sa pagkakaroon niya ng tumor sa pancreas.
Tulad ni Chanda, kilala ring mahusay na artista si Bernardo.
Read: Lea Salonga, Assunta de Rossi, other celebs remember Bernardo Bernardo
Ilan sa mga hindi niya malilimutang proyekto ay ang pagganap niya sa 1980 film na City After Dark, na nagpanalo sa kanya bilang Best Actor sa Gawad Urian.
Sa TV naman, tumatak sa mga manonood ang kanyang role bilang Steve Carpio sa ABS-CBN sitcom na Home Along Da Riles, na umere mula 1992 hanggang 2003 at pinagbidahan ng yumao na ring Comedy King na si Dolphy.
Bago sumakabilang buhay, napanood pa si Bernardo sa 2017 Metro Manila Film Festival official entry na Ang Larawan.
Read: Veteran theater actor Bernardo Bernardo does cameo role in Lenten play
