PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto reveals beef with Angelu de Leon

"Kung wala kang magawa, tumahimik ka na lang, di ba?"
by Julie E. Bonifacio
Published Jan 29, 2024
Claudine Barretto beef against Angelu de Leon revealed at Gladys Reyes's party
Claudine Barretto (in red blazer) on why she is dismayed with Angelu de Leon (inset): "Kung wala kang magawa, tumahimik ka na lang, di ba? Ang career mo ang pag-usapan mo, huwag yung career ko. Yun lang ang ano ako. Kaya ayaw ko siyang makatrabaho."
PHOTO/S: Julie Bonifacio / @angeludeleonrivera Instagram

Walang prenong ibinulgar ni Claudine Barretto ang disgusto niya kay Angelu de Leon nang dumalo si Claudine sa party na inorganisa ng kaibigan nilang si Gladys Reyes.

Ginanap ang okasyon sa The Glass Garden, sa may Santolan, Pasig City, noong Sabado, January 27, 2024.

Isa si Claudine sa celebrity guests sa 20th wedding anniversary ni Gladys at ng mister niyang si Christopher Roxas.

Iyon din ang 18th birthday celebration ng panganay na anak ng couple na si Christophe Sommereux.

Sa isang punto ng party, inimbitahan ni Gladys na pumunta onstage ang celebrity friends niya para magbigay ng mensahe sa kanila ni Christopher at pati na rin sa anak nilang si Christophe.

Nauna si Vice Ganda sa first batch ng mga artistang nagbigay ng mensahe para sa couple at kay Cristophe.

vice ganda and gladys reyesVice Ganda and Gladys Reyes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At sa second batch, si Claudine ang unang tinawag ni Gladys.

Unang napag-usapan nina Gladys at Claudine ang tungkol sa katatapos na drama series ni Claudine sa GMA-7, ang Lovers and Liars.

At pagkatapos ay nasambit ni Gladys ang tungkol sa reunion movie na gusto niyang gawin with Claudine and Judy Ann Santos.

Sabi ni Claudine, "I-manifest na natin yung pelikula natin with Juday."

Sagot ni Gladys, “Hahaha! Kayo na lang!"

Sabay follow-up ni Gladys, "Game ka ba doon, Clau? Game ka ba doon kung matutuloy ang reunion project natin with Juday and Angelu?"

Kalmado, pero diretsahang sagot ni ni Claudine, "No, no, no. Hindi. Ikaw lang, at ako, at si Juday. Walang Angelu."

Ang nabiglang reaksiyon ni Gladys, "Huh? Talaga ba?"

Kinumpirma ni Claudine ang sinabi niyang ayaw niyang kasama si Angelu sa reunion movie na gagawin nila.

"Oo. Bakit sinali mo yun?" sabi ulit ni Claudine.

Halatang nabigla si Gladys sa sinabi ni Claudine kaya medyo nataranta siya sa susunod niyang sasabihin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Teka lang! Hahaha!" bulalas ni Gladys.

Magsasalita pa sana si Claudine, pero pinigilan siya ni Gladys na nagbaba ng kamay ni Claudine na may hawak na mikropono.

"Luka-luka talaga ‘to, e! Hahaha!" pakuwelang sabi ni Gladys, na sa puntong iyon ay halatang dinidisimula ang mga binitiwang salita ni Claudine.

Napapangiting hirit ni Claudine, “Wala ka nang masabi, ‘no? Nagsasabi lang ako ng totoo. Tayong tatlo lang yun."

Tawa lang nang tawa si Gladys, at saka sinabi kay Claudine, "Ikaw, ha, ang suplada mo na ulit."

Pagtanggi naman ni Claudine, "Hindi ako suplada. Nagsasabi lang ako ng totoo."

Iniiwas na ni Gladys ang isyu nang humirit ulit ito, "Ayaw mo isama sina Wowie [de Guzman] saka si Vhong [Navarro]?"

Tugon ni Claudine, "Ay, siyempre, puwede naman. Huwag lang si Angelu."

Reaksiyon ni Gladys, "Bakit ba? Ano ba yan!"

Natawa ulit si Gladys, sabay pigil ulit niya sa kamay ni Claudine para di na makapagsalita sa mikropono.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ay tinawag na ni Gladys ang iba pang celebrity guests para umakyat ng stage.

Read: Claudine Barretto thanks netizens who are non-judgmental about her weight loss

gladys reyes christopher roxas anniversary(From left) Wowie de Guzman, Christopher Roxas, Claudine Barretto, Bianca Lapus (with son), Gladys Reyes, Bianca Unali, Ruru Madrid, and Vhong Navarro

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

claudine dismayed WITH angelu

Pagbaba ni Claudine sa stage ay bumalik na ito sa table nina Vice Ganda para sa mga nagpapa-picture na ibang guests, kasama ang awtor na ito.

Tinanong namin si Claudine bakit sila nagkaroon ng gap ni Angelu na konsehala na ng Pasig City.

Sabi ni Claudine sa amin, "Huwag ka umalis. Hindi rin ako aalis. Mag-i-stay ako. Kakain lang ako. Tapos, kuwentuhan tayo."

Hinintay ng PEP.ph na matapos siyang kumain, at tinupad naman ni Claudine ang sinabi niya sa amin.

Halos nag-aalisan na ang mga bisita nang tawagin niya ang awtor na ito sa table nito.

Dito na nagkuwento si Claudine.

Ano ang pinanggalingan ng hirit nitong ayaw niyang makasama sa project si Angelu?

Nito lamang daw nagsimula ang pagkadisgusto ni Claudine kay Angelu.

"Kasi, not for anything… ayoko na siyang pag-usapan. Pero alam mo, ilang taon na yan, e. Paulit-ulit lang," naiiritang sabi ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ng aktres, "Pero ako, transparent ako. Napaka-transparent ko.

"There are two instances. Nung nagkaproblema kami ni Jolina [Magdangal] at saka nung nagkaproblema kami ng mga kapatid ko.

"Na both times may presscon siya noon. At saka, nagbigay siya ng advice for me."

Hindi raw nagustuhan ni Claudine ang pagkomento ni Angelu sa isyung kinasangkutan niya "through the press people sa presscon na I don’t belong to."

Hindi naman daw siya parte ng pinu-promote noon ni Angelu kaya hindi niya nagustuhan na naisama siya sa usapan.

Lahad ni Claudine, "Buti kung isang beses, e. Dalawang beses. So, parang ang akin, anong pakialam mo doon, di ba?

"Kung wala kang magawa, tumahimik ka na lang, di ba? Ang career mo ang pag-usapan mo, huwag yung career ko. Yun lang ang ano ako. Kaya ayaw ko siyang makatrabaho."

Komento pa ni Claudine: "Kasi, parang hindi siya nagbago. Nung bata pa lang kami hanggang ngayon, ganoon pa rin siya."

Nagkasama sina Claudine at Angelu sa teen-oriented show noon ng ABS-CBN na Ang TV.

Sabay turo ni Claudine sa malapit na kaibigang si Bianca Lapus, na alam daw ang ibig niyang sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Claudine tungkol kay Angelu, "Kaya nung nagkita kami dati, hindi ko siya pinansin. Nung last time na nagkita kami noon."

Huling kita raw ni Claudine kay Angelu ay nang ipalabas sa sinehan ang pelikulang Etiquette for Mistresses noong 2015.

Nag-isnaban sila?

"Hindi,” mabilis na reaksiyon ni Claudine. "Lumapit siya, I walked away.”

Alam daw ni Angelu ang dahilan ng pang-iisnab sa kanya ni Claudine.

"Alam niya. I was trying to call her, e, after nung two incidents na yun," kuwento pa ni Claudine.

Hindi raw sumagot si Angelu sa mga tawag niya.

May isyu kaya si Angelu sa kanya?

Sagot ni Claudine, “Problema na niya yun. Hindi ko na alam kung saan."

Close ba si Angelu sa mga kapatid niya gaya ni Marjorie Barretto?

"Hindi," sambit ni Claudine. "Hindi siya kilala ng mga kapatid ko."

Read: Claudine Barretto briefly recalls family drama at her father’s wake in 2019

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PROJECT WITH JUDY ANN SANTOS, GLADYS REYES

Samantala, nilinaw ni Claudine na ang talagang alam niyang nilulutong proyekto ay iyong pagsasama nila nina Judy Ann at Gladys.

Lahad niya, "No, matagal na talaga naming gustong gumawa ni Judy Ann ng project together and it’s in the works already.

"Ang alam ko Judy Ann, siyempre ako, Gladys. Gladys, kasi siyempre sa amin naman talaga siya palagi.

"So, yun lang. Yun lang ang gusto kong makasama sa pelikula. Yun lang ang masasabi ko."

Nagkomento naman si Claudine tungkol sa friendship nila ni Gladys.

"Ang tagal na naming magkaibigan ni Gladys at saka ni Christopher. Through thick and thin nandiyan kami talaga para sa isa’t isa.

"So, ngayon naman mga anak namin ang magkakabarkada. Si Christophe, si Sabina.

"Si Santino na ayaw ng kamera, ayaw mag-events, pumunta siya dito kanina. Maaga siyang umalis.

"So, happy ako, kaya nandito ako."

Isa rin sa mga bisita sa celebration nina Gladys at Christopher ay si Angelu, ngunit hindi namin nausisa si Claudine kung nagkita sila o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang pahayag si Angelu kaugnay ng patutsada sa kanya ni Claudine.

Read: Claudine Barretto claims she lost "hundreds of millions" to estranged husband; vows to get it back

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto (in red blazer) on why she is dismayed with Angelu de Leon (inset): "Kung wala kang magawa, tumahimik ka na lang, di ba? Ang career mo ang pag-usapan mo, huwag yung career ko. Yun lang ang ano ako. Kaya ayaw ko siyang makatrabaho."
PHOTO/S: Julie Bonifacio / @angeludeleonrivera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results