Acquitted ang komedyanteng si Atak Araña sa sexual harassment case na kinasangkutan niya noong 2017.
Sa Facebook kahapon, February 5, 2024, nagpasalamat si Atak sa Diyos at sa kanyang abogado sa pagkaabsuwelto niya sa kaso.
Mensahe ni Atak sa kanyang post, “Gusto ko magpa salamat sa lahat ng tumolong sa akin after 7 years akung lumaban sa kaso at ngayon panalo po ako.
"MARAMING salamat Atty Maggie dahil Hindi mo po ako pinabayaan. Napaka professional nyo po at nilaban mo ang aking karapatan at ang katutuhanan kaya nanalo po tayo. [praying hands emoji]”
Si Atty. Maggie Garduque — na siya ring abogado ng TAPE, Inc. laban sa kaso nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ) — ang tumatayong lawyer ni Atak.
Nagpasalamat din ang comedian kina Nadia Montenegro at Ai-Ai delas Alas, pati sa manager na si June Rufino na tumulong din sa kanya.
Mensahe ni Atak, “MARAMING salamat din po kay Ate Nadia Montenegro Pla sa pag recommend sa akin kay ATTY Maggie, salamat ate sa supporta, maraming salamat po Ai Ai De Las Alas sa supporta at advice sa akin. Sa mga totoong friends ko Hindi kuna kayo isaisahin pa.
"Sa aking Manager Kay Tita June Rufino MARAMING salamat Dahil Nandyan po kayo sa likod ko lagi. [heart emoji]
“LORD GOD MARAMING SALAMAT PO SA VICTORY! ALL PRAISES BELONGS TO YOU! #actoflasciviousness #TheTruthWillSetUsFree #GloryToGod”
ATAK'S 2017 CASE
October 22, 2017, inaresto si Atak dahil sa diumano’y paghalik at pagdakma nito kay Mark Christian Macavinta, isang bellboy assistant sa isang casino and hotel resort sa Parañaque City.
Ayon sa pulis, nangyari umano ang insidente bandang 2:40 p.m. ng araw na iyon habang inaasistahan ni Mark si Atak sa pag-check in ng mga gamit ng comedian sa kanyang complimentary hotel room.
Sinikap umano ni Mark na makawala sa pangmomolestiya ni Atak, at nang nakatakas siya ay isinumbong niya ito sa security personnel ng hotel.
Matapos nito, inaresto si Atak ng mga awtoridad ng Parañaque Police Station dahil sa reklamong acts of lasciviousness na inihain ni Mark.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mark noong October 25, pinanindigan nito ang reklamong inihain niya laban sa comedian.
Pahayag niya, “To Mr. Araña, I wouldn't waste my time creating a scene if the allegation is not true.
“I hope that this will serve as a lesson to you, and to the management and friends of Mr. Arana 'Atak' [y] Villanueva, i'm not after his money, all i want is to teach him a lesson.
“Let him suffer for what he did. DO WHAT IS RIGHT, AND CORRECT WHAT IS WRONG."
Read: Atak Araña airs side on what happened between him and bell boy assistant
Mariin itong pinabulaanan ni Atak.
Naghain siya ng “not guilty” plead sa kanyang arraignment sa Parañaque Municipal Trial Court noong December 8.
Sa panayam ng PEP.ph kay Atak, sinabi nitong nagpa-autograph pa si Mark sa luggage tag bago ito umalis ng kuwarto.
Sabi ng abogado niyang si Atty. Garduque, “Ang sa amin, kung may ganun talagang nangyari, napaka-unusual naman na makakapagpapirma ka pa ng luggage tag.
“Dapat yun siguro, baka nasaktan pa niya si Ronnie [Atak] kung talagang may ganung pangyayari o kaya tumakbo siya."
Ayon naman kay Atak, pagkapasok ng kanyang gamit sa hotel room ay umalis na siya kaagad at nagpunta sa casino.
Nagulat na lamang siya nang lapitan siya ng security personnel bandang 3:30 to 4:00 p.m.
Lahad niya, “Sabi ko, ‘Sir, hindi puwede ito.’
“Kasi hindi ko talaga alam ang batas na procedure, e, na pag walang warrant, hindi ka dapat puwedeng sumama.
“Ako naman, napahiya na ako, kasi ang daming taong nakatingin… parang na-harass talaga ako.
“So, dun na lang daw sa office nila. So, dun sa office nila, wala naman si Mark dun.
“Sabi ko, ‘Saan na si Mark?’ Sabi nila, ‘Tumakbo sa pulis humahagulgol dahil sa ginawa mo.’”
Inireklamo ni Atak ang kawalan ng warrant of arrest laban sa kanya,
Saad pa niya, “Hindi ko po ginawa sa kanya yun dahil alam kong mali yun.
"Malinis ang konsensiya ko, e. Hindi naman tulog ang Diyos at alam ko na the truth shall prevail.”
LAWYER STATEMENT
Samantala, naglabas din ng pahayag si Atty. Garduque kaugnay ng pagkaabsuwelto kay Atak.
Masaya raw sila at pinanigan sila ng Court of Appeals.
Sabi nito, “Masaya kami sa naging desisyon ng Court of Appeals. This is a good decision wherein the court clarifies on the constitutional right of the accused against double jeopardy.
"Atak is very relieved with the decision. I know that this case puts toll to his career, he was unjustly branded of being a sexual harasser/abuser because of this case. This is a vindication for him.”
Read: Atak Arana back in the limelight after sexual-harassment controversy
