PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo and Dominic Roque: A Relationship Timeline

What happened to their foiled journey to happy ever after?
by Mark Angelo Ching Additional text: Rachelle Siazon
Published Feb 8, 2024
Bea Alonzo and Dominic Roque relationship timeline
PEP.ph chronicles the love story of Bea Alonzo and Dominic Roque—from their very first meeting and secret romance to their engagement and sudden breakup.
PHOTO/S: @beaalonzo / @dominicroque Instagram

Marami ang nagulat sa biglaang balita ng hiwalayan nina Bea Alonzo, 36, at Dominic Roque, 33.

Doble pa ang reaksyon dahil hindi lang magkasintahan ang dalawang artista, nag-viral din ang proposal video nila noong July 2023.

Masayang-masaya ang dalawa sa viral video na pinost sa YouTube channel ni Dominic.

May kasamang romantic dedication ang video, kung saan sinabi ni Dominic na si Bea na ang nais niyang makasama habambuhay matapos ang apat na taong relasyon.

Matatandaang matapos ang viral proposal video ay kinapanayam ang couple sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Dito ay sinabi nilang pinatibay ng engagement ang kanilang relasyon.

Saad ni Bea, “Meron nang ibang level of commitment kapag may singsing na. Lahat ng flaws, lahat ng hindi mo gusto sa kanya, tanggap na tanggap mo siya. Full package.”

Ngayon ay naputol ang kanilang ugnayan at hindi sila natuloy sa altar.

Sa ulat na ito, ilalahad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Bea Alonzo and Dominic Roque relationship timeline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHO IS BEA BEFORE DOMINIC?

Maituturing na isa sa mga pinakasikat na lead actresses of her generation si Bea Alonzo.

At the age of 36, marami na siyang napatunayan sa mundo ng showbiz: blockbuster movies, top-rating TV shows, at multi-million peso endorsements.

Ilan sa mga pelikulang tumatak sa publiko na pinagbidahan ni Bea ay ang One More Chance (2008) kasama si John Lloyd Cruz; Four Sisters and a Wedding (2014) kasama si Sam Milby; at The Love Affair (2015) kasama sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Sa telebisyon naman ay sumikat ang kanyang mga teleseryeng Maging Sino Ka Man 1&2 (2004), I Love Betty La Fea (2009), Magkaribal (2011), at A Love to Last (2017) sa ABS-CBN; pati na rin ang Start-Up PH (2022) sa GMA-7.

Bukod kina John Lloyd, Sam, at Richard ay may iba pang nakapareha si Bea onscreen gaya nina Alden Richards, Ian Veneracion, at Paulo Avelino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa totoong buhay naman, nakarelasyon ng dating Kapamilya actress sina Mico Palanca, Zanjoe Marudo, at Gerald Anderson.

Nag-date din sila ni Jake Cuenca, pero minabuti nilang maging magkaibigan na lamang.

Sa apat na lalaking nabanggit, ang pinakakontrobersyal ay ang naging relasyon ni Bea kay Gerald dahil sa isyu ng ghosting, noong 2019.

Sa YouTube channel, nakilala rin si Bea sa pag-invest nito sa isang 16-hectare farm sa Zambales na tinawag niyang Beati Firma at, nitong huli, sa pag-invest niya sa isang mamahaling flat sa Madrid.

WHO IS DOMINIC BEFORE BEA?

Hindi kasing lapad ang papel ni Dominic sa showbiz, pero masasabi pa ring nagmarka na ang pangalan nito.

Kilala ang 33-year-old model-actor sa kanyang boyish face at toned body.

Umingay ang career ni Dominic noong naglakad siyang naka-underwear sa fashion show ng isang local apparel brand noong 2014.

Matatandaan din ang sexy scene niya sa 2016 Metro Manila Film Festival horror film Seklusyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroon siyang supporting roles sa mga pelikulang Pagpag (2013), Crazy Beautiful You (2015), My Ex and Whys (2017) at Finding You (2019).

Sa telebisyon, may leading role siya sa Aryana (2012) at Moon of Desire (2014) ng ABS-CBN.

Supporting actor siya sa Kapamilya drama series na Pangako Sa ‘Yo (2015), FPJ’s Ang Probinsyano (2017), La Luna Sangre (2018), at Pamilya Ko (2019).

May maliit na negosyong itinayo ang dating Star Magic artist at ngayo'y Cornerstone Talent.

Nakalagay sa kanyang Linkedin page na siya ay CEO ng Black Peak Hypermedia Inc., isang digital marketing agency, mula pa 2020.

Paano nagkrus ang landas nina Bea at Dominic?

BEA ALONZO AND DOMINIC ROQUE: THE FIRST MEETING

Unang beses nagkakilala sina Bea at Dominic noong 2016.

Sa timeline na iniulat ng PEP.ph noong August 2021, nahagilap ng fans ni Bea ang pagkakataong napiktyuran si Bea kasama si Dominic noong 2016.

Ang kaibigan ni Dominic na si Vice Ganda ang nagpakilala kay Dominic kay Bea noong 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin ito nina Bea at Dominic sa YouTube vlog ni Bea noong February 2022.

Crush na raw ni Dominic si Bea, pero wala pa raw siyang planong pormahan si Bea noon.

Bea Alonzo and Dominic Roque

NOVEMBER 2019: THE IMPROMPTU JAPAN TRIP

Isa si Dominic sa mga bisita sa birthday celebration ni Bea noong October 2019, tatlong buwan mula nang maiulat ang breakup ni Bea sa nobyong si Gerald Anderson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang sumunod na buwan, naglakas-loob si Dominic yayain si Bea magpunta ng Zambales, ayon sa February 2022 vlog ni Bea.

Pero sinabi ng aktres na naka-schedule na siyang magbakasyon sa Japan kasama ang road manager na si Nina Ferrer.

Game na sumama raw si Dominic.

Bagamat sa Japan ay nakipagkita rin si Dominic sa mga kaibigan na sina Khalil Ramos, Gabbi Garcia, at Vice Ganda, kay Bea siya mas sumama noon.

Bea Alonzo and Dominic Roque

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa ulat ng PEP.ph ng November 27, 2019, na dineny ni Bea ang pag-uugnay sa kanya kay Dominic, dahil kaibigan lang daw niya ito mula pa 2016.

Read: Bea Alonzo quashes rumors romantically linking her to Dominic Roque, Jake Ejercito

FEBRUARY-APRIL 2020: THE SIGHTINGS

Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang napapadalas na pagkikita nina Bea at Dominic.

February 2021 nang makatanggap ang PEP.ph ng kopya ng litratong kuha mula sa isang intimate family gathering na inorganisa ni Bea.

Baby shower iyon para kay Thalia Agbayani, anak ng komedyanteng si Bayani Agbayani. Si Thalia ay fiancée ni James, na kapatid naman ni Bea.

Tip ng isang netizen sa PEP.ph, bukod-tanging si Dominic ang showbiz personality na imbitado sa okasyon at kasama pa sa hilera ng kapamilya ni Bea na nakunan ng family picture.

Bea Alonzo, Dominic Roque spotted together at family gathering

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito umusbong ang usap-usapang nagkakamabutihan ang dalawa.

Read: Bea Alonzo, Dominic Roque spotted together at family gathering

Bukod sa okasyong iyon, naispatan din sa isang grocery si Bea na namimili kasama sina Dominic at Nina.

Maging kasagsagan ng pandemya ay nagkita pa rin sila.

Napag-alaman ng PEP.ph na bumibisita si Dominic sa bahay ni Bea sa Quezon City.

May isang hiwalay na okasyong napansin ng fans ni Bea na nahagip sa isang picture ni Bea ang nakaparadang sasakyan ni Dominic sa tapat ng bahay ng aktres.

Pero noong mga panahong iyon ay hindi pa rin umaamin sina Bea at Dominic na nagdi-dating na sila.

Read: Bea Alonzo's closeness to Dominic Roque sparks romance rumors anew

JULY 2020 TO APRIL 2021: CLUES FROM DOMINIC, BEA

July 2020 nang unang mag-post si Dominic ng clue ng pagkakamabutihan nila ni Bea.

Sa Instagram ay naglagay ito ng litrato ng isang babae at isang lalaki na kumakain sa isang restawran sa Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinulatan niya iyon ng ganitong caption: "tila ako'y nabighani."

Read: Dominic Roque drops another hint on rumored romance with Bea Alonzo

Hanggang sa noong December 2020, naispatan silang magkasama sa Baguio.

Read: Bea Alonzo, Dominic Roque spotted in Baguio

February 2021 naman nang maiulat na nagbakasyon sila sa Amanpulo.

Read: Did Bea Alonzo, Dominic Roque just hint at spending time together at Amanpulo?

Hudyat itong hindi na lang simpleng pagiging magkaibigan ang madalas na pagkikita ng dalawa.

Bea Alonzo and Dominic Roque

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo, Dominic Roque spotted together in Amanpulo

APRIL 2021: DATING CONFIRMATION

Makalipas ang dalawang buwan, nagkaroon ng panayam si Bea sa isang magasin kung saan inamin niyang nagde-date sila ng mas batang artista.

Pero hindi pa raw “exclusively dating” ang status.

"No. Wala pa kami," pahayag niya sa Mega Magazine noong April 2021.

"Ang hirap kasing sabihin, alam mo, parang in a way, as much as I don’t want to be a prisoner of my past, meron din akong parang, nahihiya ako sa mga tao na ‘I’m 33, I am dating.’

"Hindi ko alam kung it will materialize into something else or like it would lead to something else, but then, what if I fail again?

"I don’t want to keep failing in front of you guys, it’s embarrassing."

JULY 2021: TRIP TO THE U.S.

Pero lalong lumalim ang relasyon nina Bea at Dominic.

July 2021, bumiyahe silang dalawa papuntang Amerika. Nag-land trip pa sila rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito na unti-unting nilantad ng dalawa na sila ay officially together.

Bea Alonzo and Dominic Roque

Read: California dreaming: Dominic Roque flexes romantic side on Bea Alonzo

Ikinatuwa ng fans ang kiss emoji na comment ni Dominic sa isang post ni Bea sa Instagram.

Sa parehong social media site, nag-post din si Bea ng litrato nilang dalawa. Kuha ang larawan sa Yosemite National Park sa California. Ang caption ni Bea? Isang makahulugang heart emoji.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo, Dominic Roque get cozy during hiking date

AUGUST 2021: GOING OFFICIAL

Pagbalik nila ng Pilipinas, inamin na rin ni Bea ang real score ng kanilang relationship.

Sa panayam ng 24 Oras, noong August 10, 2021, sinabi nitong natagalan ang pag-amin niya dahil gusto niya munang makasigurado.

"It’s not like I was trying to hide it. I think I was trying to be careful given my past experience.

"Siyempre, gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing public or official," sabi ni Bea.

Dagdag ng aktres, masaya raw siyang magaan lamang ang relasyong ito.

"Everything’s being celebrated. Ako, I wanna savor this moment, I don’t want to let this just pass me by. Gusto ko siyang i-celebrate."

Read: Bea Alonzo finally confirms relationship with Dominic Roque

Makalipas ng isang linggo, sinundan ni Dominic ang kumpirmasyon ni Bea.

Read: Dominic Roque proudly calls girlfriend Bea Alonzo "mine"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph, noon ding August 2021, ikinuwento ni Bea ang love story nila ni Dominic.

Read: Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers

Sinabi rin niya doon na isa sa mga nagustuhan niya sa nobyo ay ang effort nito para magpakilala sa kanyang pamilya.

Read: Bea Alonzo on taking the risk with Dominic Roque: “Because it felt easy, it felt good, it felt right.”

JANUARY 2022: FIRST ANNIVERSARY

Noong January 28, 2022 ay naging masaya ang fans ng dalawa dahil nalaman nilang ang petsang ito ay ang anniversary ng kanilang mga idolo.

Sa isang sweet na post sa Instagram, binati ni Bea si Dominic ng “Happy Anniversary.”

"It took so much patience from you, but here we are. And I have to say, and it’s one of the best decisions I’ve ever made," post ni Bea.

Bea Alonzo and Dominic Roque

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JULY 2023. THE ENGAGEMENT.

Last year, July 2023, nag-viral ang ginawang proposal video ni Dominic.

Pinost ng aktor ang more than seven minutes na romantic video sa kanyang YouTube channel.

Sa video, isinaad ni Dominic, through narration, ang feelings niya para sa kasintahan, kalakip ng footage ng kanilang mga biyahe.

Matapos nito ay ipinakita ang eksena ng proposal na kinunan sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan.

Nakaputing polo si Dominic noong kabadong lumapit kay Bea, na naka-black dress dahil akala niya ay mayroong official photo shoot para sa isang event sa kanyang network.

Nagulat si Bea nang nakitang nakaluhod ang boyfriend na may hawak na maliit na kahong pula na may singsing sa loob.

Sweet ang mensahe ni Dominic sa proposal: “We’ve been together for almost four years now, and we have had our fights, our happy times, our crazy times together, our roller coaster ride of our lives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And nalagpasan natin yung mga yun, and alam ko, marami pa tayong pagdaraanan together. I want to spend my whole life with you forever and I love you very much. Will you marry me?”

Luhaan si Bea noong bitawan ang oo, at agad niyang niyakap at hinalikan si Dominic.

Bea Alonzo and Dominic Roque engaged

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ang viral proposal video, kinapanayam pa ang couple ng PEP.ph sa GMA Gala Thanksgiving Party noong July 2023.

"I've been in love with this guy for almost four years, but ngayon talaga yung sobrang feeling mo, honeymoon stage.

"Di ko maipaliwanag. We're just full of love," kinikilig na sambit ni Bea.

Sabi naman ni Dominic tungkol sa kanyang proposal, "Gusto ko simple, pero kung ano yung ginawa ko for her ng ilang years [maipakita ko sa], like photos and videos."

Dagdag ni Bea, "That's what I love about it. It's so raw, it's so real."

Sa hiwalay na panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho, sinabi nilang may nagbago sa kanilang relasyon matapos ng engagement.

“Biglang naging mas in-love kami. Parang nag-uumpisa kami ulit. Kinikilig kami sa isa’t isa,” sabi ni Bea.

FEBRUARY 2024: BREAKUP RUMORS

Ngunit hindi man lang umabot ng isang taon ang engagement. Naudlot ang kasalan.

Kinumpirma ng TV host na si Boy Abunda sa kanyang programa kahapon, February 6, ang breakup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iba-iba ang lumabas na tsismis tungkol sa break-up.

Pero wala pang opisyal na kumpirmasyon kung ano ang tunay na dahilan ng hiwalayan.

Makumpirma man o hindi, sana ay maging maayos ang estado ng dalawang showbiz personalities.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PEP.ph chronicles the love story of Bea Alonzo and Dominic Roque—from their very first meeting and secret romance to their engagement and sudden breakup.
PHOTO/S: @beaalonzo / @dominicroque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results